Chapter 6
Wrong timing 6: Nandito na tayo!
Hanggang sa makarating kami ay hindi natigil sa magdakdak ang aking kapatid. Panay reklamo niya dahil wala na daw ibang pinag usapan sa party kundi si Vivien at ang mga tingin niya ay paninira lang dito.
"Nakakairita, inaano ba sila ng tao? tss. Akala mo naman kung sinong malilinis" hirit niya pa ng nakapasok kami sa bahay.
"Teka nga... magkakilala ba kayo personally?" Nag aalangang tanong ko pa. Dapat maging maingat ako sa tanong ko dahil paniguradong uusisain nya ko.
"Hmmm... oo, I mean hindi ganon kaclose kasi bago lang siya pero for sure magiging friends din kami no" confident niyang sagot "besides neighborhood naman kami hehe"
"So pano kayo nagkakilala?" Kunyari ay buryong tanong ko.
"Ahm kasi pumunta sila mommy sa kanila nung bagong lipat sila. College friends pala nila mommy yung parents niya" mahabang paliwanag niya. So, thats why she knows me. Naikwento kaya ako sa kanya?
Kinabukasan ay maaga akong nag handa para pumasok. Naihanda ko na sa isip ko ang gagawin ko. Agad akong pumasok sa aking sasakyan at handa ng umalis ng biglang may dumating na asungot.
"Kuya, pasabay" nagmamadaling sumakay si Tanya sa kotse ko.
"Magpahatid ka nalang bakit pa sasabay ka sakin?" Naiiritang tanong ko. Mukhang masisira yung plano ko.
"Magdrive kana late na ko" galit pang sagot ito. Aba't siya pa ang galit.
Wala akong nagawa kundi paandarin ang sasakyan. Dahan dahan ako sa pag dadrive, sinasadya ng biglang....
"Ano ba kuya! Bilisan mo naman!" Reklamo ni Tanya sakin.
"Kalilinis ko lang kasi ng kotse ko saka sino ba kasi nagsabing sumabay ka?" Pagdadahilan ko pa. Sinadya ko rin ihinto ang kotse habang nagtatalo kami ng makitang nasa tapat na kami ng bahay nila Vivien.
Hindi paba siya lalaba? Paaandarin ko na sana ulit ang kotse habang umiisip ng dahilan kung pano kami magtatagal pa dito ng biglang lumabas si Vivien sa Gate nila. Sakto!
"Vivien!" Tawag agad ng kapatid ko. Buti qt nakita niya agad ito hindi na ko mag iisip ng dahilan para isabay siya, may silbi din pala itong si Tanya "Sabay kana samin!"
"Ah hindi na nakakahiya naman, magcocommute nalang ako" nakangiti nitong sagot. Shit! Pilitin mo Tanya!
"Sige na dali na para di kana mahirapan" pamimilit ni Tanya. Alam kong di na to makakatanggi dahil kukulitin talaga siya ni Tanya. haha!
Tuluyang napilit ni Tanya si Vivien na sumabay sa amin. Tahimik akong nag ddrive habang walang tigil si Tanya sa kakakwento. Hindi na ata naalalang late na siya.
"Nga pala, kilala mo na ba si Kuya? Same kayo ng kinukuhang kurso eh" lingon pa ni Tanya kay Vivien.
"Ah oo" sagot naman ni Vivien "Salamat nga pala ulit sa pagsabay mo sakin kagabi, Tyron" dugtong pa niya. Patay na! Nakita ko sa gilid kong tinitignan ako ni Tanya.
"Wala yon! Pauwi naman na ko non" alanganin kong sagot. Hindi maalis sa akin ang paningin ng kapatid.
"Ah talaga hinatid ka nya? Kaya pala biglang nawala kagabi" nakangising asong ani Tanya. Mukhang may napagtatanto. Hindi na ko magtataka matalino tong kapatid ko, syempre mana sa akin.
"Oo eh, sabi niya kasi pauwi na daw siya kaya sumabay na ko, wala ka ba sa party kagabi?" Inosenteng tanong niya kay Tanya.
"Nandoon, may nakaiwan lang" sabi naman ng kapatid ko. Humanda talaga ko mamaya dahil paniguradong nagpipigil lang siya ng tanong niya.
"Nandito na tayo!" Deklara ko para tumigil na sila sa pag uusap. Bumaba agad kami at pinaalala sa kapatid kong late na siya sa 7am class niya.
"Shit! Oo nga pala nakalimutan ko. Bye bye!" Nagtatatakbo siya pagkatapos.
Sabay naman kaming pumasok ni sa campus ni Vivien. Hindi ko alam pano ko mag sisimulang kausapin siya kasi hindi naman kami ganon kaclose.
"Ahm saang ang klase mo?" Panimula ko.
"Diyan lang sa 2nd floor, ikaw?" Tanong naman niya.
"Sa Third floor eh" Sagot ko. Ano pa bang pwedeng pag usapan? Nagiisip palang ako ay biglang sumulpot ang dalawa kong kaibigan. Kung sinuswerte ka nga naman.
"Tol! Ang aga mo--" natigil sila ng nakita ang kasabay ko "Vivien? Uy close kayo tol?" Makahulugang tanong ni Cris.
"Ah magkapitbahay kasi--" sagot ko
"Mejo" sagot ni Vivien.
Nagkasabay kami ng sagot kaya natigilan ako at natawa.
"Osiya dito na ko Tyron see you around" at pumasok sa classroom nila. Natigilan naman ako. Hindi ko inakalang ganon ang sasabihin niya.
"Woah! Kelan pa kayo naging close tol? Share mo naman!" Excited na ani Troy.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...