Chapter 30
Wrong timing 30: Dahil ba kay Jerome?
Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko ng makarating kami sa tapat ng bahay nila. Hindi ako nagsalita at nag antay lang na bumaba na siya. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya bumababa kaya nilingon ko na siya.
"Nandito na tayo" Sabi ko. Nakatingin lang siya sa labas ay hindi naman natutulog kaya nagtataka ko bat di siya bumaba.
"Bakit mo ko iniiwasan?" Sa halip na bumaba ay nagsalita siya habang nakatanaw lang sa labas.
Wala akong maisagot sa kanya. Ayokong aminin ngunit hindi ko rin maitanggi. Alam kong nahahalata niya ngunit ayokong aminin ng harap harapan.
"Dahil ba sinabi kong tumigil ka sa panliligaw?" Dugtong niya. Hindi niya inaasahan na sasagot ako kaya nagpatuloy siya "kaya sasayangin mo nalang ang panahon sa pag iwas mo sa akin, huh?"
Lalo akong hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Parang napipipi ako ngayon. Ang dami kong gustong sabihin ngunit walang lumalabas sa bibig ko.
"Hindi ba tayo pwedeng maging masaya ng wala tayong relasyon?" Malungkot na tanong niya "Hindi ba tayo pwedeng maging magkaibigan kahit may nararamdaman sa isa't isa?" Dugtong niya na ikinagulat ko.
Nakatingin lang ako ngayon sa kanya ngunit hindi pa rin siya nakatingin sa akin.
"Dapat bang pumasok agad sa isang relasyon kahit walang kasiguraduhan?" Sa pagkakataong ito ay nilingon niya na ako.
"Tyron... binasted kita pero hindi ibig sabihin ay hindi kita gusto" Pagpapatuloy niya diretso ang tingin sa akin. "Ayoko lang magpadalos dalos. Ayokong sa huli masasaktan lang kita-"
"Dahil ba kay Jerome?" Di ko mapigilan magtanong "Dahil ba hanggang ngayon may nararamdaman kapa sa kanya?"
"Hindi" Agad niyang sagot "Hindi, Tyron. Wala siyang kinalaman dito." Simpleng sagot niya.
Wala ng nagsalita sa amin dalawa. Hanggang sa pagpaalam na siya.
"Salamat sa pagsabay sa akin" Sabi niya at tuluyang bumaba ng sasakyan ko. Dire-diretso siyang pumasok sa kanilang bahay ng hindi manlang lumilingon.
Ilang minuto pa ng mapagdesisyonan ko ng umalis doon at dumiretso na pauwi sa amin.
"Oh! Aga mo ata?" Bungad sa akin ng kapatid ko. Kabababa lang niya ng hagdanan ng makapasok ako sa bahay.
"Ikaw? Bat nandito kana?" Tanong ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
"Wala kaming pasok. So, bakit nga ang aga mo? Tapos kana bang mag aksaya ng oras?" Tanong niya na nagpakunot sa noo ko.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Vivien sa akin kanina. Sasayangin ko nga ba ang oras ko sa pag iwas sa kanya dahil lang binasted ako kung pwede ko naman siyang makasama kahit bilang kaibigan lang?
Dapat sigurong tanggapin ko nalang na hanggang doon lang kami. Ang importante naman ay ang makasama ko siya. Pasasayahin at aalagaan ko siya kahit bilang kaibigan lang... kaibigan lang.
"Tapos kana ba kakong sayangin oras mo kakatamabay sa The Hide Out?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
Sasagot palang sana ako ng bigla siyang umalis at pumunta sa kusina. Bastos talaga kinakausap pa biglang aalis.
Tumayo nalang ako para makaakyat na sa kwarto ko at makapagpalit. Doon nalang ako magiisip isip.
Nakahiga ako sa kama ko ng maisipan kong tignan ang social media ko. Bored akong nag sscroll ng mahagip ng mata ko post ng isa sa kabatch namin. Nagpost siya ng picture kasama si Jerome at may caption na emoticon na puso.
Nagtingin ako ng comment at maraming na congrats sa kanila. Nag hanap pa ko ng ibang comment. Tila may gusto kong makitang comment kaya ayun tumigil lang ako ng makita ko na ang hinahanap ko....
"Congrats pre, napasagot mo din" ang sabi sa comment. Doon ko nakumpirma. Aaminin ko napanatag ako sa comment na iyon. Ibig sabihin ay sila na at hindi sila nagkabalikan ni Vivien.
Nakahinga ako ng naluwag sa di malaman na dahilan. Pumikit ako hanggang sa makatulog ng mahimbing...
YOU ARE READING
Wrong timing
Dla nastolatkówMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...