Chapter 34: "I love you"
"I want you to be my boyfriend, Tyron"
Hindi agad ako nakakibo. Napatitig lang ako sa kanya habang ganon din sya sa akin ngunit nakangiti sya.
"Huy? Di kaba masaya?" Medyo naguguluhang tanong nya.
"Ha? Wait! Totoo ba to?" Sa wakas ay nasabi ko. "Nananaginip ba ko?" Tanong ko pa sa kanya.
"Oo nga! Totoo to!" Hinalikan nya ko pag katapos na mas nagpalala ng gulat ko. Mabilis lang ang halik na iyon ngunit dama ko ang lambot ng kanyang kabi.
Sa wakas ay napangiti na ako. Hindi ako makapaniwala. Daig ko pa ang lumulutang sa ulap sa sobrang saya ko. Napatalon nalang ako sa tuwa.
Sa mga oras na iyon ay walang pag lagyan ang saya ko. Sayang babaunin ko hanggang sa huling hininga ko.
"I love you, Tyron!" Malambing na sabi ni Vien.
"I love you more, Vien" Sagot ko sa kanya.
Nang mga oras na yon ay walang pag lagyan ang ngiti ko. Binalita din namin sa mga kasama namin ang nangyari. Sa sobrang tuwa ko ay nilibre ko sila sa isang mamahaling resto.
"Bat sinagot mo na Vien? Sana pinahirapan mo pa" Pabirong banat ni Chris. Nagtawanan naman ang mga kasama namin.
"Ah ganon? Osige ikaw magbayad ng inorder mo ha" Pabiro ko ding sagot.
"Syempre joke lang pre, ikaw naman di ka mabiro" tatawa tawang sagot ni Chris.
"Wag mo ng asarin baka bawiin pa ni Vien" hirit naman ni Troy.
"Tumigil na nga kayo kumain na tayo" awat ni Gab. Masaya kaming nag kwentuhan habang kumakain. Natapos ang hapon na iyon ng masaya.
Nagkanya kanya na kami. Nauna na silang umalis at huli kaming nakaalis ni Vien. Ihahatid ko sya sa kanila at pag katapos saka ako didiretsong pauwi.
"Thank you for today" pasasalamat ni Vien.
"Thank you din, napasaya mo ko ng sobra" sagot ko sa kanya. Nakangiti sya sakin
"Gusto kong maging masaya at gumawa ng mga memorable na bagay kasama ka"
"I'll make sure na lagi kitang pasasayahin. Lahat ng gusto mo gagawin natin ng magkasama, Vien" Nakangiti kong sabi.
Nasa tapat na kami ng bahay nila kaya nakahinto na ang sasakyan habang nag uusap kami. Tinulungan ko syang tanggalin ang seatbelt pagkatapos ay nilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinagtama ang aming mga labi.
Sa pangalawang pagkataon ngayong araw ay nahalikan ko sya. Mas matagal kumpara kanina. Iyon na ata ang pinaka mahabang sampung segundo ng buhay ko.
Nakangiti kami pareho ng magbitaw ang aming mga labi.
"Bababa nako. Salamat ulit" Tipid ang ngiting paalam nito.
"Okay. Goodnight! I love you!" Matamis ang ngiting sabi ko.
"I love you!"
Nakangiti akong naghihintay ng tawag ni Vien. Kakatapos ko lang maligo at nakahanda na para matulog ngunit sa sobrang saya ko ay hindi pa ako makatulog.
[Vibrating...]
My girl:
I'm going to sleep na. See you tomorrow!
Ako:
Sure! Goodnight and i love you!
Napangiti ako ng maisend ko nq ang mensahe ko sa kanya.
My girl:
I love too! [heart]
Binaba ko ang aking telepono at nakangiting pumikit hanggang sa dinalaw na ako ng akinh antok.
Sa araw na yon ay napakasaya ko. Hinding hindi ko makakalimutan.
YOU ARE READING
Wrong timing
Fiksi RemajaMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...