Chapter 38

0 0 0
                                    

Chapter 38:






"Kamusta?" Bungad sakin ng mga kaibigan namin ng minsang dumalaw.

"Ayos lang naman, nagpapahinga si Vien kakatapos lang nya uminom ng gamot nya" sagot ko. Tinanaw ko si Vien na mahimbing ng natutulog ngayon sa hospital bed niya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala" ani Gab. Kahit ako ay hindi din. Hindi ko naisip na yung mga simpleng sakit pala ni Vien noon ay may koneksyon dito.

"Hindi ba siya nahihirapan sa twing may chemo?" Mahinang tanong niya.

"Nahihirapan, nasasaktan pero nakikita kong tinatatagan niya at gusto niyang lumaban kaya dapat kami din maging malakas para sa kanya" sagot ko habang nakatingin pa rin kay Vien.

"Sana malagpasan niya... Kahit medyo huli na-" hindi na niya na ipagpatuloy ang sasabihin dahil pinutol agad siya ni Chris.

"Ano kaba? Walang imposible no. Diyos lang ang makakapagsabi sa pwedeng mang yari kaya mag dasal lang tayo." Positibong sabi ni Chris

"Alam ko naman yon pero kasi diba sinabi ng doktor na nasa huling stage na?" Maingat na sabi Gab "kaya sana kahit huli na kayanin pa din ng katawan niya" patuloy pa niya.

"Oo naman ano kaba? Si Vien yan! Malakas yan no parang di mo naman alam"

Sa totoo lang naiisip ko din, paano kung hindi na kayanin ng katawan niya ang mga susunod na chemo? Ayoko man isipin pero paano kung sumuko na ang katawan niya?

Kami ang kumumbinsi kay Vien na mag pa chemo kahit ayaw niya sana dahil natatakot siyang lalo lang manghina ang katawan niya at mas umikli ang panahon niya. Pinilit namin na lumaban siya.

Nakikita kong nahihirapan siya at sa twing nakikita ko yon naiisip ko kung tama ba na pinilit namin siya? Kung tama ba na pilitin siya at umasang humaba pa ang buhay niya o tuluyan siyang gumaling kahit sinabi ng doktor na maliit ang tsansa.

Para kanino nga ba ang pag pilit namin sa kanya? Para sa kanya ba o para sa amin na natatakot na mawala siya dahil hindi namin kakayanin. Selfish ba kami kung gusto lang namin na makasama siya ng matagal?


Isang buwan ang lumipas. Naiuwi na namin Vien sa kanila. Araw araw akong dumadalaw doon at minsan doon na din natutulog. Pumayag naman sila tita na doon ako matulog.

Pinag mamasdan ko na mahimbing na natutulog si Vien. Ang dami kong naiisip na posibleng mang yari pero bakit ko nga ba inaaksaya ang oras ko sa pag iisip ng mga iyon kung hindi pa naman nang yayari. Sa ngayon dapat kong isipin ang mga pwede pa naming magawa at sulitin ang bawat oras kasama siya.

"Mahal na mahal kita, Vien." mahinang sambit ko habang pinag mamasadan ang natutulog na si Vien. Hinalikan ko siya sa noo.

Kinabukasan umalis ako para kausapin sila Chris. May gusto kong gawin at kailangan ko ang tulong nila. Balak kong sorpresahin si Vien at gusto ko maging sobrang espesyal sa kanya ang mga sandaling iyon.

Pumunta kami sa cafe malapit sa village namin para kung sakaling kailanganin ako ni Vien ay mapuntahan ko siya agad.

Narito na silang lahat ng dumating ako kaya umorder na muna kami bago mag simula sa plano. Magiging matagal ang preperasyon na ito dahil gusto kong maging perpekto ang sandaling iyon.

"So saan mo naman balak gawin? Any venue na naiisip mo?" Tanong ni Gab.

"May naisip na ko kaya ako na ang bahala mag contact sa venue" sagot ko

"Okay! Kami na sa mga supplier ng bulaklak" presinta ni Troy.

"Sige sige salamat, pre!"

"Ako na tatawag sa organizer since may mga kakilala naman ako" ani Gab

"Ako na sa cater and sa mga fireworks" ani Chris

"Salamat sa inyo ha? Gusto ko maging espesyal to kay Vien kaya Thank you talaga!"

"No. Prob. We got you!" Gab

"Kelan mo ba balak gawin? May specific date kana ba?"

"Oo meron na, we have two months to prepare" sabi ko

"Okay! Let's make it perfect and unforgettable!" Ani Gab

"Thank you, guys!"


After that meeting bumalik na ako kay Vien. We spent the day like the usual. We watch any movies she want. This moment is perfect.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wrong timingWhere stories live. Discover now