Chapter 13
Wrong timing 13: Ano nag kabalikan na ba kayo?
"Good Morning!" bati ni Vivien isang araw ng maabutan niya ko sa tambayan. Wala kasing klase ngayon dahil foundation day namin ngayon.
May mga booth bawat section at dahi may masyado kaming marami nagtoka toka sa mga gagawin. Mamaya ay kaming dalawa ni Cris ang magbabantay ng booth.
"Morning" bati ko pabalik sa kanya.
"Lamya naman" biro pa sakin ni Vivien. Inakbayan pa niya ko na ikinagulat ko. Napatingin nalang ako sa kamay niya na nakapatong sa aking balikat.
"Bat nandito ka?" Tanong ko sa kanya pero agad ko ding dinugtungan "I mean wala ka sa booth niyo?" Alanganing tanong ko.
Mula kasi ng araw na iniwan ko siya sa parking lot dahil mag uusap sila ni Jerome ay di ko na siya ganong nakakausap. Sa totoo lang iniwasan ko siya. Hindi ko alam, basta umiiwas lang ako. Masama ba yon?
At kung nag seselos ako ay hindi ko na alam. Hindi ko alam basta ang alam ko nasasaktan ako. Naiisip ko palang na magkakabalikan sila ay nasasaktan na ako.
"Wala bukas pa ako magbabantay" sagot naman niya "ikaw? bat mag isa ka dito" tanong niya pabalik sakin.
"Mamaya pa" maikling sagot ko. Patuloy akong nagsscroll sa social media account ko.
"San sila?" Tanong ulit niya.
"Di ko alam" sagot ko ng di pa rin tumitingin sa kanya. Hindi na siya nag salita pag katapos. Ilang minuto ang lumipas ng wala paring nag sasalita.
"Iniiwasan mo ba ko?" Biglang tanong niya.
Napatingin naman ako sa kanya. "Hindi ah" mabilis na sagot ko. Kinalabahan.
"Iniiwasan mo ko" hindi iyon tanong. "So bakit?" Tanong ulit niya.
Hindi ko alam kung ipipilit ko pa ba yung sagot ko kanina o aamin nalang sa kanya. Wait! Anong aaminin ko? tss. Napabuntong hininga nalang ako.
"Hindi nga" simpleng sagot ko. Hindi ko kinaya ang mga tingin niya kaya nag iwas nalang ako ng tingin.
"Eh bakit hindi ako naniniwala?" Nakangising sagot niya.
"Ewan ko sayo" sagot ko pa rin
"May problema ba?" Tanong niya. Biglang naging seryoso. "May nagawa ba ko sayo?"
"Wala naman" paninindigan ko. Hindi ko alam kung may patutunguhan tong pag uusap na to. Tatayo na sana kong pigilan niya ko.
"Dahil ba doon?" Tanong niya na ipinagtaka ko. "Yung nag paiwan ako sayo kay Jerome?" nag aalangang tanong niya.
Matalino talaga siya no? tss. Nakakainis naman anong sasabihin ko?
"So dahil nga doon?" Gulat na tanong niya. Kung kanina ay may pag aalinlangan ngayon ay sigurado na siya. "Tama ako?!"
"tss ano naman?" Hindi makatinging sagot ko. "Ano nag kabalikan na ba kayo?" Hindi ko mapigilang magtanong.
"Ha?" Nagugulat na tanong niya.
Naglakad na agad ako paalis doon. Alam ko sa sarili kong di ko kakayanin kung oo ang isagot niya.
"TYRON!" Sigaw ni Vivien, nakasunod pala sa kin. Nahabol niya ko kaya nahawakan niya ang palapulsuhan ko. Agad ko naman siyang hinarap pero...
"Vivien?" Biglang sulpot ni Jerome. Napaka ganda naman talaga ng timing. "Vivien, kanina pa kita hinahanap" dugtong pa nito.
"Huh?" Tanong naman ni Vivien mukhang nalilito din. Nakaharap kami ngayon kay Jerome at tinanggak na ni Vien ang pagkakahawak sa akin.
"Aayain sana kitang-" agad ko naman siyang pinutol.
"Una na ko, excuse me." Sabi ko at agad silang iniwan dalawa doon.

YOU ARE READING
Wrong timing
Novela JuvenilMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...