Chapter 29
Wrong timing 29: hanggang mawala.
Isang linggo ang lumipas... isang linggo ko na ding iniiwasan si Vivien. Hindi ko din alam pero siguro para na din kahit papano mabawasan yung nararamdaman ko? Pero bakit ganon? Parang lalong lumalala.
Kasalukuyan kaming nasa bagong tambayan namin... oo, sa bagong tamabayan namin. Sa The Hide Out, bagong bukas malapit sa University. May iba't ibang klaseng mapaglilibangan at mga stall ng kainan. Over all maganda yung lugar makapag relax at enjoy ka dahil maganda yung place.
Dito kami ngayon naglalagi since ayoko muna sa tambayan namin sa loob ng University.
"Talagang pinag igigan mo ang pag iwas ha?" Natatawang sabi ni Cris.
"Hanggang kelan ka naman kaya tatagal?" Tanong ni Troy na may halong pang bubuska.
"Hanggang mawala..." Simpleng sagot ko.
"Ang alin?" Tumatawang tanong ni Cris
"Hanggang mawala ang...?"
"Ewan ko sa inyo. Pwede bang wag nalang natin pag usapan?" Naiiritang tanong ko "Basket ball nalang ulit"
"Luh, di ka ba napapagod?" Reklamo ni Cris "ubos ka pera ko ayoko na!"
"Sige ako na magbabayad, tss."
Katatapos lang namin maglaro ng maupo kami sa harap ng isang stall. Namimili si Cris ng kakainin naming tatlo. Nag pulunas ako ng pawis ko habang nakatingin kay Troy na nagtetext lang sa tapat ko.
"San nga pala si Gab?" Tanong ko. Hindi kasi namin siya madalas makasama. Nagtataka lang ako.
"Huh?" Ani Troy ng mag angat ng tingin sa akin. Mag sasalita sana ko ulit ng bigla siyang tumingin sa likod ko "Gab!" Biglang tawag niya sa nasa likod ko.
Napalingon naman ako sa kung nasaan si Gab. Tumingin ito sa akin at bumati.
"Uy! Hello, Tyron!" Bati nito.
Ngumiti ako sa kanya ngunit ganon din agad ang pagkawala non ng biglang mahagip ng mata ko si Vivien. Nawala sa isip ko na maaaring magkasam sila.
"Uy kayo pala! Sakto sobra tong inorder ko!" Sabi ng kadarating na si Cris.
Napatingin sa akin si Troy tila hindi alam ang sasabihin. Tumango lang ako sa kanya. Wala naman na akong magagawa nandito na siya. Ayoko namang biglang umalis magmumukha akong bastos
"Oh! Ayan na lahat ng pagkain! Thank kuys!" Pasalamat pa ni Cris sa crew.
Tahimik lang akong kumain habang nakikinig sa kwentuhan nila Cris. Tahimik lang don si Vivien at paminsan minsang tumatawa sa biro ni Cris.
Hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya paminsan minsan. Nakakamiss din palang makita siyang tumatawa. Nakakamiss yung ganto na magkakasama kami.
Napatulala nalang ako sa pagkain ko ng maalala ko yung mga panahong okay pa kami. Mga araw na masaya kami. Tss.
"Huy!" Malakas akong tinapik ni Troy
"Ha?" Sabi ko.
"Sabi ko san tayo susunod?" Tanong niya sa akin "tulala ka dyan?"
"Ah hindi ano... uwi na ko after dito pagod na ko eh"
"Hu? Kakarating lang namin eh sayang namam" malungkot na sabi ni Gab
"Oo nga naman"
"Pwede naman kayong mag stay muna dito eh ako nalang muna ang uuwi" Pampalubag loob ko sa kanila.
"Tss kj" Asar ni Cris "Bawi ka next time ha?" Sabay kindat nito sakin.
"Ah sakto pala! Kailangan narin umuwi ni Vivien, pwede mo ba siyang isabay?" Inosenteng tanong ni Gan sakin.
Nasamid si Troy sa narinig na tanong ni Gab, habang si Cris ay malihim na natawa. Napatingin lag ako kay Vivien na nakatingin lang din sa akin.
"Ahm--"
"Hindi na, okay lang naman--"
Pinutol ko ang sasabihin ni Vivien. Ayoko namang hayaan siyang umuwi mag isa kahit ganto kami.
"Sige, sabay na kami" Tipid kong ngiti sa kanila "So, tara na?" Lingon ko sa kanya.
"Ingat kayo ha?" Pahabol ni Cris
"Thanks, Tyron!" Sabi ni Gab
"No prob. Uwi na kami" Sabi ko sa kanila bilang paalam.
"Saan?" Pang aasar talaga ni Cris na sinamaan ko lang ng tingin.
Naglakad na ko palabas ng THO kasama si Vivien. Naririnig ko pang tumatawa si Cris at sinasaway nalang ni Troy.
Tahimik kaming sumakay sa kotse ko. Nang paandarin ko ang makina ay kinain non ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...