Chapter 27
Wrong timing 27: Okay
Dalawang araw ang lumipas ng wala siyang paramdam. Dalawang araw din siyang hindi pumasok kaya nag aalala na din ako. Sinubukan kong pumunta sa kanila ngunit walang lumalabas.
Matamlay ako sa nakalipas na dalawang araw. Sa gabing iyon ay tahimik akong nag iisip habang nakahiga sa aking kama ng biglang may kumatok ng malakas.
"KUYA!" Malakas na katok ni Tanya.
"Bakit?" Sigaw ko pabalik at tamad na tumayo upang pagbuksan siya.
"Nasa baba si Vivien" Bungad niya sa akin saka umalis sa harap ko.
Napatunganga muna ko bago nag sink in sakin ang sinabi niya. Si Vivien daw ba? Shit! Bumalik ako sa loob ng kwarto para ayusin ang sarili ko.
Nang masigurado kong ayos na ako ay huminga ako ng malalim saka bumaba.
Pababa ng hagdan ay nakita ko si Vivien sa sala na naka upo. Nang mag angat siya ng tingin ay nagtama ang aming mga mata. Matamlay siyang ngumiti sa akin.
"Vien"
"Tyron..." Sabi niya at saka tumayo "Sorry di ako nakakapag reply sayo" Sabi niya
"Ah okay lang... bakit ka nga pala nandito" tanong ko sa kanya.
"Ah gusto sana kitanf makausap eh" Maingat na sabi niya hindi makatingin sa akin. Bigla akong kinabahan parang alam ko na kung bakit.
"Tungkol saan?" Pilit ang ngiti kong sinabi "Maupo ka, kumain kana ba?" Tanong ko pa. Pinipilit kong kumalma.
"Ah oo galing kami sa labas"
"So bakit ka nga pala absent?" Tanong ko pilit pinagagaan ang loob. Hindi siya makatingin sa akin. Diretso lang ang tingin ko sa kanya naghihintay ng sagot.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin bago siya nag salita ulit.
"Tyron..." Panimula niya "about doon sa sinabi mo nung nakaraan" Pagpapatuloy niya. Hindi ako kumibo inaantay ang kasunod kahit alam ko na kung anong iyon.
"Gusto kong itigil mo na yung panliligaw mo..." Nakayuko niyang sabi "Alam ko nagsisimula ka palang pero--" Hindi ko na siya pinatapos. Tama ang hinala ko.
"Okay" Tanging sabi ko. Nakita ko na mag angat siya ng tingin na parang nagulat. "Gumagabi na umuwi kana" Dugtong ko.
"H-ha? Ah oo" Tila nalilito niyang sabi
"Sorry di na kita maihahatid kaya mo naman lakarin dba?" Tanong ko sa kany.
"Ah o-oo... sige una na ko." Napapahiya niyang sabi.
Hindi kona naantay na makalabas siya ng pinto namin agad na akong umakyat sa aking kwarto.
Nahiga ako sa aking kama at tumitig sa kisame. Tahimik lang akong nakatitig doon. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko yung sakit. Parang ito ulit yung unang beses na nasaktan ako ng babaeng minahal ko kahit ang totoo ay hindi naman ito ang unang beses.
Tanggap ko na dehado ako una palang ngunit di ko inasahan na ganitong kabilis akong matatalo. Hindi manlang nabigyan ng pagkakataon na lumaban. Ngunit ano nga bang magagawa ko kung ayaw akong palabanin ng taong gusto kong ilaban.
Wala... wala akong magagawa kundi tanggapin... tanggapin na talo ako.
Ang wrong timing lang. Kung sana ako nalang yung nauna. Kung sana ako nalang yung mahal. Sana ako nalang.

YOU ARE READING
Wrong timing
Fiksi RemajaMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...