Chapter 33: Okay <3
Nakatingala ako sa kisama habang nakahiga sa aking kama. Hawak ko ang aking cellphone na nakapatong sa aking dibdib, hinihintay ko ang text ni Vien.
Di ko mapigilang mapangiti sa twing naaalala ko yung nangyari kanina. We kissed. I kissed her... Napahawak ako sa aking labi. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Iba ka talagang mambaliwa Vivien.
[Vibrating...]
Vien calling...Napabalikwas ako. Mabilis kong sinagot ang tawag nya...
(Hello)
(Hello..)
(Oh napatawag ka? I mean hinihintay ko yung text mo kaya...) Hindi ko na alam ang idudugtong.
(Hmm... Ala lang tinatamad akong mag text eh. Nag dinner kana?)
(Ah oo kanina pa pagkauwi, how 'bout you?)
(Yup... Ahm may sasabihin nga pala ko sayo)
(Ano yon?)
(Pero bukas nalang gusto ko sa personal sabihin eh)
(Okay! No problem!) Nakangiting sagot ko. Para kong baliw ngayon dito na ngingiti ngiti habang kausap sya.
Nang matapos ang tawag ay nakatulog agad ako. Napasarap ang tulog ko kaya kinabukasan ay nalate ako ng gising. Sobrang bilis kong kumilos para lang maabutan ko pa sana si Vien at maisabay pag pasok ngunit sa tingin ko ay nauna na sya.
Nag maneho ako palabas ng gate namin. Ng madaanan ko ang bahay nila Vien ay itinigil ko ang sasakyan. Nakita ko kasi siyang nag aantay s labas ng bahay nila. Napatingin pa ako sa orasan at nakitang late na din sya sa klase.
Ibinaba ko ang salamin ng pintuan ng sasakyan upang makita nya ko. Nakangiti syang tumingin sa akin.
"Late kana" Nakangiting biro ko sa kanya "Inantay mo ba ko? Tara na!" Dagdag ko pa.
"Oo! Ang tagal mo eh" Natatatawang sagot nya habang sumasakay ng sasakyan ko. Pinag buksan ko siya ng pinto galing sa loob.
"So inantay mo talaga ko?" Medyo nahihiya ng tanong ko "sorry ha late ako nagising"
"Hindi joke lang! Late din ako nagising" Sagot nya sabay tawa
Nang makarating sa Campus ay sabay kaming pumasok sa loob. Naglalakad kami ng maisip kong ayain siya sa Canteen. Tutal ay late naman na kami para sa first subject.
"Mabuti pa doon muna tayo sa canteen tutal ay may 20 minutes pa bago ang second subject" Suggestion ko sa kaya.
"Mabuti pa nga gusto ko din sanang bumili"
Doon kami nag palipas ng oras hanggang maging sa mag ring ang bell para sa susunod na subject.
Inalalayan ko sila Vien palabas ng canteen at hinatid sa kayang klase.
Hindi pako nakakalayo ay nakatanggap nako ng text galing kay Vien.
Vivien:
Kita tayo mamaya :)
Napangiti ako at nah tipa ng reply sa kanya.
Ako:
Okay <3
Nakangiti akong nag lakad pabalik para makapunta naman sa klase ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Bakit kaya feeling ko ang saya ko? Nababaliw na ata ako.
Lunch na ng bumaba kami para pumunta sa tambayan. Nag announced kasi kanina na walang klase ng hapon dahil magkakaroon ng festival sa school.
Bago tumuloy sa tambayan ay bumili ako sa cafeteria ng makakain namin. Pag dating sa tambayan ay nantanaw ko agad si Vien na ka ngiti sa akin.
"Hey" bati ko sa kanya
"Hi" kaway naman nya sa akin.
Nang mag tuloy ako ng lakad ay saka ko lang napansin na may mga lobong nakatali sa mga upuan doon. Napakunot ang aking noo sa pagtataka. Anong meron?
Sinalubong na ako ni Vien. Nabagalan siguro sa paglalakad ko.
"Hey" tawag nya sakin "Hindi ko alam kung pano ko sisimulan pero..." Pag uumpisa nya.
Hindi ko padin alam kung anong meron. Nakatingin sya diretso sa aking mga mata.
"Its looks and sounds cheesy but I want you to stop courting me..." Pagbibitin nya sa sasabihin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/246786817-288-k608103.jpg)
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...