Chapter 24

20 1 0
                                    

Chapter 24


Wrong timing 24: Hindi ako naniniwala


"Okay kana ba?" Tanong ko kay Abby matapos siyang abutan ng inumin. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kumalma na siya sa pag iyak.

"Thanks" Sabi niya ng abutin ang tubig na bigay ko. Pinagmasdan ko siya habang umiinom. Napaisip tuloy ako...

Paano kung hindi siya umalis noon? Paano kaya kung hindi niya ko iniwan. Siguro maayos kami ngayon... siguro kami pa rin ngayon.

"Thanks, Tyron" Biglang nagsalita si Abby. Nakatingin pa rin ako sa kanya "Thank you kasi di mo ko iniwan. Hindi ko alam na aawayin ako ni Vivien" dugtong pa niya.

"Okay kana ba?" Tanging nasabi ko.

"Ha? Ah oo"

"Maiwan na kita dyan-" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Tyron pwede bang dito ka muna? Baka kasi biglang dumating si Vivien, natatakot ako" Naiiyak na sabi pa nito.

"Wag kang mag alala diko hahayaan mangyari yon"

"Talaga?" Masayang tanong niya. Bigla niya kong niyakap "Salamat, Tyron! Sabi na eh love mo pa rin ako"

"Abby..." Tawag ko sa kanya at mahinang kinalas ang braso niyang nakayakap sa akin. "Look, Abby." Panimula ko. Tinitigan niya ko na parang alam na niya ang aking sasabihin.

"Abby, alam mo namang matagal na tayong tapos diba?" Pag papatuloy ko "Kaya sana wag ka ng umasang babalik pa tayo sa dati kasi-" Pinutol niya ulit ang sasabihin ko.

"I Know" Maikling sagot niya at sa umalis ng walang paalam. Pinanood ko lang siyang palabas sa cafeteria.



Dumiretso ako sa tambayan namin at hindi ko inaasahan na matatagpuan ko doon si Vivien. Nakatalikod siya saakin. Tahimik lang siyang nakasandal sa inuupuan niya.

Dahan dahan akong lumapit at tumabi sa kanya. Nilingon niya lang ako ngunit walang sinabi.

"Anong nangyari?" Pambabasag ko ng katahimikan.

"Hmm? Di ba sinabi na niya bat mo pa ko tinatanong?" Walang ganang sagot niya

"Gusto kong marinig mismo sayo"

"Bakit? Gusto mo marinig kung pano ko siya inaway?" Bumaling siya sa akin "Sinugod ko siya at inaway away. Ayon umiyak lang siya" Sarkastikang sabi niya.

"Talaga bakit?" Tanong ko pa

"Trip ko lang" Sabi niya at saka tumayo. Agad kong hinwakan ang kamay niya upang pigilan.

Tiningala ko siya habang siya ay tumingin sa kamay kong nakahawak sa kanya at saka umirap.

"Hindi ako naniniwala"

"Edi wag!" Nakangising sagot niya "Alam kong hindi ka naniniwala sa akin at-" Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin" Sabi ko. "Bakit hindi mo manlang ipagtanggol ang sarili mo? Bakit hindi ka manlang magpaliwanag" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko. Hindi ko rin kailangan na ipagtanggol ang sarili ko dahil kung talagang kilala ako ng isang tao hindi siya maniniwala sa mga paninira sa akin" Sabi niya

"Alam ko" Sagot ko kaya napatingin niya sa akin sabay irap "Hindi ko lang inaasahan na hindi mo manlang idedeny yung maling paratang sayo"

"Kailangan ba?" Tanong niya "Wala naman akong pakialam sa magiging tingin sakin ng iba as long as alam ko at kilala ko ang totoong ako"

Sa mga sinabi niyang iyon doon ko mas nakilala siya. Kadalasan ginagawa niya ang gusto niya at walang pakialam sa sasabihin ng iba. Hindi siya nag aabalang isipin ang sasabihin ng iba. Sa totoo lang mas huminga ako sa kanya. Dahil sa mga sinabi niyang iyon madami akong narealize, isa na doon ang...

Mas mahalagang protektahan mo ang peace of mind kesa ang tingin at sasabihin sayo ng ibang tao.

Wrong timingWhere stories live. Discover now