Chapter 3
Wrong timing 3: Anong meron sa Vivien na yon?
Maaga akong pumasok sa sumunod na araw. Lunes na lunes pero parang bagot na bagot agad ako. Habang naglalakad ako sa hallway naririnig ko ang impit na tili ng mga babaeng nadadaanan ko, napailing nalang ako. Hindi naman na bago sakin yon, kilala ako sa school dahil varsity ako last year at ngayong 3rdyear college hindi na muna ko sumali dahil... ayoko lang.
Ngumiti lang ako sa iilang bumabati sa akin. Pagliko ko ay nakita ko agad sa labas ng room sila Troy at Cris. Ang mga mokong maaga ata ngayon.
"Aga natin ah?" Bati ko sa kanila ng makalapit na akong ng tuluyan.
"Oy tol! Kamusta date?" Natatawang bati ni Cris. Alam na agad nyang di ako nag enjoy kaya nang aasar ang loko.
"Ano may bago ba? Ikaw kasi nagpapauto ka kay Tanya tss" hirit naman ni Troy.
"Last na yon" maikling sagot ko sabay pasok sa room. Sinundan naman nila agad ako at pinagitnaan sa upuang inupuan ko.
"Sinabi mo din yan last time" Natatawang pang aasar pa ni Troy.
"Last na talaga yon!" Sabi ko habang naaalala ang nangyari kagabi. Kinwento ko sa kanila ang nangyari. Alam na alam nila na ayaw ko sa ganong klaseng babae. Kahit maraming nagkakagusto sa akin ay di ako basta basta pumapatol kahit kanino.
"Tss ganon talaga daw yon, usap usap nga dito na nakipag make out yon sa party ni Ivo" kwento ni Cris.
"Maiba ko tol, sayang wala ka kagabi. Kilala mo ba yung bagong salta dyan sa section 3?" Tanong ni Troy. Mahihimigan ang excitement sa ikukwento nya. Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya
"Yung maganda? Vivien ata pangalan non" patuloy nya pa. Nakikinig pa din ako sa kwento nya na di ko mahanap kung saan banda ang interesante. "Putek tol, yung bago ang dami nga agad nagkakagusto don eh, di mo kilala?" Tanong nya na parang ang tanga ko dahil diko kilala ang sinasabi nya.
"So? Anong meron sa kanya?" Tanong ko nalang din baka mapikon pa to pag nabitin ang kwento nya.
"Nandoon sya kagabi tol! At alam mo ba?" Pasuspense pa ang loko.
"Shhh speaking of... ayan sya yung dadaan nayan" pabulong na singit ni Cris sabay tingin sa labas. Napalingon naman kami ni Troy sa dumaan. Isang maganda, maputi, at may umaalong buhok ang babaeng dumaan. Ilang sandali akong natigilan, parang pamilyar... shit! Siya yon yung babae sa cafe kahapon. Wait! Siya nga ba yon? So.... kaya pala pamilyar sya dahil nasa iisang school kami.
"Ang ganda nya no? Lalong sumikat ngayon yan" tumatawang sabi ni Cris na nakapagpalingon saakin.
"Bakit?" Di ko mapigilan ang kuryosidad. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaroon ng interes.
"Kagabi kasi nandoon sya at di ka maniniwala sa ginawa nya" pabitin namang sagot ni Troy.
Naiinip na ko sa dami nilang pasakalye. "Ano nga?" Di maitago ang inis sa tono ko.
"Eto nga kasi... si ate girl lumuhod sa ex nya para "daw" magkausap lang sila" naiiling na dugtong nito na nakapagpakunot ng noo ko. "Kilala mo yung bagong Varsity ngayon? Last year pa sya dito pero ngayon lang napasali, si Jerome" patuloy nya pa.
Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi nila pero ano namang mapapala nila kung gagawa sila ng kwento? May pagka chismoso lang talaga sila. Pero bakit naman kaya nya ginawa yon, maganda sya at maraming lalaki sa mundo bakit niya hahayaang mapahiya ng ganoon?
Naglalayag ang isip ko ng biglang nag salita ulit si Troy. "Usap usapan tuloy na matagal na niyang hinahabol habol yung ex nya. At kaya sya lumipat ay dahil don." Tuloy tuloy na sabi nito.
Hanggang matapos ang klase ay naiisip ko pa rin ang tungkol sa Vivien nayon. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang apekto nito sa akin. Dati naman akong walang pake sa business ng ibang tao. Kaya bakit ganito? Ano bang meron sa Vivien na iyon?
Iniling ko nalang lahat ng naiisip ko ng bigla akong mabunggo ng kung sino... mali si Vivien ang nakabunggo ko.

YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...