Chapter 10

28 2 1
                                    

Chapter 10


Wrong timing 10: Welcome to the group.

Kinabukasan ay nalate ako ng pasok. Tinanghali kasi ako ng gising dahil late na ko natulog kagabi. Malamang ay nakaalis na sa kanila si Vivien kaya hindi ko na siya makakasabay.

Habang naglalakad ako sa hallway ay maraming bumabati sa akin tulad ng dati. Tango lang sagot ko, gaya pa rin ng dati. Nang makarating sa classroom ng second subject namin ay wala pa doon ang dalawa.

Masyado kong maaga sa para sa subject na to pero sobrang late ko na sa una kaya dito na ko dumeretso. Matagal tagal din akong maghihintay kaya naisipan ko munang magcellphone.

Nang mabored sa mga games ay nagpunta ako sa social media account ko. Sanay na akong madaming notifications pero ngayon lang ata naging sobrang ganito kadami. Doble ng bilang ng kadalasang natatanggap ko. Binuksan ko ang para sa itinag sa akin ni Cris.

Sa post niyang ito ay ang bati niya kay Vivien. Kasama doon ang halos lahat ng kuha namin kahapon. Tinignan ko iyon isa isa hanngang sa mapadpad ako sa picture na kami lang dalawa. Madaming nag react at nagkumento sa larawan namin na iyon.

Tanya Liez Mendoza
wow! ang romantic naman niya. Happy
birthday Vivi! <3

Ariel Cruz
Ay nakahanap ng bagong lalandiin si gurl

Henrix Lopez
Happy Birthday Vivien! :)

Aila Co
Happy Birthday! Naks bagay! Hehe

Madami pang ibang nagcomment at ang karamihan ay may malisya. May mga nagsasabi pa ng hindi magaganda tungkol sa kanya. Nairita ko sa mga nabasa kaya gusto kong replyan pero alam kong di makabubuti iyon.

Huminga ko ng malalim para mawala kahit papano ang inis. Agad kong tinext si Cris.

Ako:

Cris, nakita mo na ba mga comment sa post mo? sa picture namin ni Vivien.

Agad kong sinend iyon. Alam kong di niya ito agad mababasa pero gusto ko na talagang ipabura sa kanya iyong mga walang kwentang kumento. Biglang nag vibrate ang cellphone ko.

Cris:

Kakabasa ko lang. Buburahin ko na. Mga walanghiya!

Isa din ito sa hinahangaan ko sa ugali ng kaibigan parang alam na niya agad ang iniisip ko kahit di ko pa man nasasabi.

Ako:

Okay! Thanks!

Sumandal ako sa upuan at pumikit. Iniisip ko kung nabasa naba ni Vivien iyon. Sana ay hindi pa, ayokong masaktan siya ng dahil sa mga walang kwentang tao na yon.

Nakatambay na kami ni Cris sa tambayan namin. Tuwing vacant ay madalas kami dito naglalagi. Pinabili namin si Troy ng pagkain dahil may dadaanan daw muna siya.

Nag gigitara ako habang kumakanta si Cris nang biglang dumating si Troy kasama ang tingin ko ay kabatch namin ngunit sa ibang department.

Umupo sila sa harap namin ni Cris kaya itinigil muna namin ang pagtugtog. Nagkatinginan pa kami ni Cris bago nagsalita si Troy.

"Si Gab nga pala" pakilala niya sa kasama niya "Gab mga kaibigan ko si Tyron at Cris" dugtong pa niya.

"Hi!" Nahihiyang bati ni Gab. Kilala na namin siya pero hindi kaclose. Isa siya sa cheering squad kaya namin siya kilala. Nakakasama kasi namin sila minsan twing may party ang ang basketball team noong kasali pa kami.

"Oy! Kamusta?" Bati naman ni Cris. "Bat kayo magkasama? Kayo na ba? Sunod sunod na tanong nito.

Nahiya tuloy si Gab. Siraulo talaga tong si Cris. Natawa nalang kami ni Troy.

"Hindi pa kami" Pangunguna ni Troy "Nililigawan ko palang siya" sabay tingin nito kay Gab na mukhang nahihiya pa rin.

"Ahhhh!" Parang nag iisip pang sagot ni Cris "Pag isipan mong mabuti kung sasagutin mo siya ha?" Biro pa nito kay Gab. Sabay tawa.

"Wag mo ng pakinggan yan, kulang lang talaga sa pansin yan" sabi naman ni Troy kay Gab. Natawa lang si Gab sa kakulitan ng dalawa.

"Osiya kainin nalang natin yang binili mo, Troy" putol ko sa asaran ng dalawa "oh Gab wag kang mahiya ah? Welcome to the group!"

Nagkakainan kami ng biglang may umubo sa likod ko. Napalingon naman kami doon.

Wrong timingWhere stories live. Discover now