Chapter 23
Wrong timing 23: No, Tyron.
"Hoyyyy! Bat di mo sinasagot text ko kahapon?" Bungad sa akin ni Cris pag upo ko palang.
Tinanghali ako ng gising kaya ng makarating sa iskwela ay madami na ring tao.
"ano hindi ka sasagot?" Pangungulit pa nito. Hindi ko siya pinansin at pumangalumbaba habang nakatingin sa labas.
Nahagip ng paningin ko si Tanya na nagmamadali papasok ng classroom namin. Tinitigan ko lang siya hanggang sa makita niya ko.
"Kuyaaaaaa!" Tawag ng maingay na si Tanya. "KUYA!"
"Ano?!" Naiirita kong tanong. Ang aga aga ang ingay naman nito. "Bakit nanaman?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"Si Abby!" Parang hinihingal pa niyang sabi.
"Ano?" Nawalan ng gana kong tanong. Anong kinalaman ko doon.
"Si Abby at si Vivien... nag aaway" Sabi niya habang hinihingal pa. Agad akong napatayo sa narinig ko.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita ulit agad akong lumabas ng classroom at hinanap si Vivien. Natagpuan ko sila malapit sa tambayan namin.
May iilang nakikiisyoso sa nangyayari. Nang makalapit ay nagtama ang mata namin ni Abby. Mangiyak ngiyak siya at lalo pang naiyak.
"Hindi ko na kasalanan kung ayaw niya sayo..." rinig kong sabi ni Vivien.
"Tama na! Ayoko na!" Humahagulhol na sagit ni Abby. "Tyron!" Tumakbo siya sa akin at yumakap habang umiiyak.
"Tyron! Si Vivien..." Parang batang nagsusumbong pa ito. Tumingin ako kay Vivien na ngayon ay nakatingin lamang sa amin.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila. Walang sumagot. Kahit si Vivien ay hindi kumibo.
"Inaway niya ko. Sinugod niya ko-" naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Vivien.
"wow..." tanging sabi nito. Napatingin ako sa kanya ngunit hindi na niya iyon dinugtungan. Umalis siya doon ng walang ibang sinasabi.
Patuloy naman sa pag hikbi si Abby. Nakakapit pa rin siya sa akin.
"Nasaan na si Vivien?" Tanong ng kadarating lang na si Tanya. "Anong--" hindi niya naituloy ng nakita ang ayos namin ni Abby. Hindi makapaniwala sa nakikita.
"Anong arte yan?" Nairap nalang ito sa inis. Nag walk out ito pagkatapos.
"Abby..." tawag ko sa umiiyak na si Abby. "Ihahatid na kita sa clasaroom mo.
"No, Tyron." Inangat niya ang tingin sa akin "Please, stay with me" Malambing na pakiusap nito.
Nang matitigan ko ang mga mata niyang may luha ay panandalian kong nakita ang dating Abby na minahal ko. Yung Abby na hinangaan ko at nagpasaya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit kami umabot sa ganito. Noon ay hindi kami mapag hiwalay, parang hindi kami mabubuhay ng wala ang isat isa.
Siguro ay mga bagay talagang hindi para sa isa't isa. Mga taong pinagtatagpo pero hindi itinadhana.
At siguro... siguro ay isa kami doon. Pinagtagpo pero hindi itinadhana.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...