Chapter 37

0 0 0
                                    

Chapter 37: "No, hindi mo ko iiwan"



"Hindi ka pumasok?" Tanong ni Vivien.


"Maiwan muna namin kayo" sabi ni tita at tuluyan na silang lumabas kasama si tito na tinapik lang ang balikat ko.

"Bakit di ka pumasok?" Ulit nya sa tanong

"Bakit di ka sumasagot sa tawag ko?" Balik ko sa kanya.

"Sorry naiwan kasi sa bahay ang cellphone. Kanina lang kinuha ni mommy" paliwanag ni Vien na parang iyon lang ang dahila.

"Vivien..." Seryoso kong tawag sa kanya.

"Tyron" malungkot niyang tugon. Huminga siyang malalim "m-may... may sakit ako." lumunok siya ng malalim.

Natitig lang ako sa kanya hindi alam ang dapat sabihin. Malungkot siyang ngumiti sa akin at saka nag patuloy sa pag sasalita.
"May cancer ako, Tyron. Nasa hiling stage na daw sabi ng doktor at..." Bigla nalang siyang humagulhol sa pag iyak.

Mabilis akong kumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"shhhh tahan na" pang aalo ko sa kanya. "Gagaling ka, sasamahan kita sa pag papagamot mo. Wag kang matakot nandito lang ako hindi kita iiwan"

"P-pero... s-sabi ng doktor maliit na daw ang tyansa ko" umiiyak pa ring sabi nya. Parang hindi ako makahinga. Pinanghihinaan ako ngunit dapat akong maging matatag para sa kanya.

"Natatakot ako, Tyron..." Sabi niya habang nakayakap pa din ako sa kanya "I'm sorry.... Ayokong iwan ka, ayokong masaktan ka"

"No, hindi mo ko iiwan. Lalaban tayo, please tahan na" Pag papalakas ko ng loob niya.

Nakatulog na siya habang yakap ko. Dahan dahan ko siyang inayos ng pagkakahiga. Pinag masdan ko siyang natutulog ng mahimbing.

Hindi pa rin nag sisink in sakin ang lahat. Pakiramdam ko sa mga oras na to nananaginip lang ako. Sana nga ay panaginip nalang ito....



Nakarating na kila Chris na nasa hospital si Vien kaya dumalaw sila dito pag katapos ng klase. Nasabi na din namin sa kanila ang sakit niya. Malungkot silang malaman iyon ngunit gaya ko pilit nilang nilalakasan ang loob para kay Vien.

Ayaw namin na makita niya kaming mahina dahil baka lalo siyang panghinaan ng loob.

Sa nakalipas na ilang araw lagi akong nasa hospital. Pagkatapos ng klase ay dito na ko dumidiretso at nag dadala nalang ng damit pamalit. Dito na din ako natutulog minsan at sa umaga diretso na sa iskwela.

Ayoko man sanang iwan dito si Vien pero ayaw naman niyang umabsent ako. Dumalaw na din dito ang pamilya ko. Madalas din dito sila Chris.

"Kumain kana, may dala akong pagkain galing sa bahay" sabi ko kay Vien. Umuwi ako sa bahay kanina para kumuha ng gamit ko.

"Sabay na tayo"

"Osige. Gusto mo ba subuan kita?" Biro ko sa kanya pero kung gusto niya pwede naman din.

"Baliw! Kaya ko naman kaya wag na" natatawa niyang sabi.

Pinagmasdan ko siyang kumakain. Ilang linggo na ang lumipas pero wala imbis na gumaling ay nakikita namin ang laki ng pag babago sa kanya. Kita sa mukha nya ang panghihina at pamumutla. Mabilis din bumagsak ang kanyang timbang.

Gusto kong umiyak sa twing nakikita ko si Vien na ganito pero kailangan kong maging malakas, naming lahat.

"Wag mo nga akong titignan" bigla ay sambit nya. Nagulat naman ako dahil di ko namalayang nakatitig nalang pala ako sa kanya. Ngumiti ako at nag patuloy na din sa pag kain.


Habang tumatagal kami dito pakiramdam ko palapit na ng palapit ang finish line para kay Vien. Sa twing nakikita ko siyang nanghihina sa twing nagki-chemo siya hindi ko mapigilang maiyak.



Please, Vien.... Lumaban ka. Kasi kung wala ka baka hindi ko na kayanin, dahil ma ikling sandali na nandyan ka binago mo ang buhay ko. Ginawa mong makulay at masaya. Nung dumating ka nagkaroon ng kabuluhan ang buhay ko kaya please.... Lumaban ka.

Wrong timingWhere stories live. Discover now