Chapter 9Wrong timing 9: Happy Birthday, Vien.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit na tanong ni Vivien habang inaalalayan ko siya. Nakapiring kasi ang mga mata niya ngayon at papunta kami sa tambayan. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatuon sa aming dalawa.
"Basta! Wait ka lang kasi" nangingiting sagot ko. May sorpresa kasi kami sa kanya ngayon dahil napag alaman namin kahapon kay Tanya na birthday nya ngayon. Kahapon lang namin to naplano kaya madaliin pero sana magustuhan niya.
"Nandito na tayo" ani ko dahan dahan ko siyang binitawan at lumapit ako sa dalawa
"Tanggalin mo na yung piring mo" sabay sabay namin sabi nina Troy at Cris.
Dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang piring at unti unting dumilat. Kasabay ng pagtugtog ng happy birthday song. Unang tumama sa amin ang kanyang mga mata bago inilibot sa paligid ang paningin.
Sa kaliwa sa harap niya ay may dalawang magkatabing puno na nilagyan namin ng christmas lights tamang tama sa papalubong na araw. Sa kanan naman ay gumawa kami ng wall balloons at may banderitas na "happy birthday". Sa gitna naman kung saan siya malapit ay naroon ang lumang mesa na nilagyan namin ng puting tela. May apat na upuan para sa aming apat.
Simple lang ito kumpara sa ibang surprise pero pinaghirapan namin ito, at unang beses lang naming ginawa ito. Nakita ko ang gulat at tuwa sa mukha ni Vivien kaya pakiramdam ko ay worth it ang lahat.
Sinabayan namin ang tugtog na happy birthday. Kinuha ko ang cake na binili namin sa paborito niyang coffeeshop. Ng matapos ang kanta ay sinindihan namin ang maliit na kandila upang mahipan niya na.
"Happy Birthday, Vivien" nakangiti kong bati. Nakatakip pa rin ang palad niya sa kanyang bibig akto ng nagulat talaga.
"Happy birthday! Make a wish!" Hirit naaman ni Troy.
"Oh baka maiyak kapa" natatawang pang bubuska ni Criss. "Dali na mag wish kana!" Dagdag pa nito.
"Naiiyak na talaga ko eh" tumatawang sagot ni Vien. "Okay" ani Vien saka siya pumikit at humiling. Nang hipan niya ang kandila ay biglang sumabog ang confetti.
"Happy Birthday sa prinsesa ng grupo!" Sigaw ni Cris. Nagtawanan naman kami.
"Grabe di ko to inexpect!" Nagpupunas ng luhang ani Vivien. Kitang kita sa kanyang mukha ang saya. "Thankyouuuu, guys! Pero pano niyo nalaman?" Takang tanong niya.
"Secret! Syempre prinsesa ka namin tapos di namin alam birthday mo? Di pwede yon" Pabirong ani Cris.
"Oh bago ang lahat picture muna!" Hirit ni Troy sabay taas ng telepono niya. Nagpicture kami sa wall baloon habang hawak ni Vivien ang cake niya. Meron kaming apat, meron din na isa isa kami kasama si Vivien at syempre solo niya.
Hindi pa nag sawa si Troy at pati habang nakaupo kami sa table ay may picture din. May picture din sa kita ang kabuuan ng tambayan. Dahil walang kukuha samin apat at salitan kaming tatlo.
After ng picturan ay kumain na kami ng mga hinanda naming pagkain.
"Anong masasabi mo sa luto, masarap ba?" Tanong ni Cris kay Vivien.
"Hmmm" nginuya pa niyang maigi tas ng matapos ng ilunok ay nagsalita siya "Masarap! San niyo nabili to?" Tanong niya pa.
"Grabe ka naman nabili talaga? Hindi ba pwedeng niluto namin?" Overacting na sabi ni Cris
"Niluto niyo to? Wow! Talaga?" Manghang ani Vivien. Hindi makapaniwala "Hindi ko alam marunong kayo mag luto"
"Actually hindi kami HAHA OA lang tong si Cris kala mo may naitulong" natatawang sagot ni Troy. "Si Tyron lang ang nag luto niyan" nakangiti nitong dugtong
"Talaga?" Biglang lingon sakin nito. "Wow! May talent ka pala?" Pang aasar pa nito.
"Tss madami ko non no" pabiro kong sagot
"Medyo mayabang ka sa part na yon, tol" pang aasar ni Troy. Nagtawanan nalang kami.
Natapos ang araw na iyon ng masaya. Isang alaala na hinding hindi namin makakalimutan. Isang alaala na babaunin namin parati.
![](https://img.wattpad.com/cover/246786817-288-k608103.jpg)
YOU ARE READING
Wrong timing
Novela JuvenilMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...