Chapter 28
Wrong timing 28: tell me where it hurts.
"Wala sa mood?" bungad sa akin ng mukha ni Cris na may halong pang aasar
"Tss" tanging sabi ko
"Oh? Kitams? Unang tingin palang sayo halata na" Sabi pa nito habang papaupo sa kanyang upuan.
"Good Morning!" Masayang bati naman ng kadarating lang na si Troy
"Wow! Sana all masaya ang umaga" Tumatawang asar ni Cris "yung iba kasi jan... ayoko nalang mag talk" Tawang tawang dugtong pa nito.
"Oh bakit? Anyare?" Takang tanong ni Troy
"Ewan ko ba dyan"
Di ko nalang sila pinansin. Maya maya ay dumating sa ang Prof namin sa unang klase.
"Good Morning, Class!" Bati nito ng makapasok sa classroom.
"Good Morning, Sir!" Bati ng lahat.
Sa buong klase ay wala ako sa mood makinig sa mga side comment ni Cris tungkol sa mga tinuturo ng aming professor. Pinilit ko nalang makinig sa professor dahil may quiz daw pagkatapos.
Matapos ang discussion ay nag umpisa na ang quiz. Hindi naman ako kinabahan dahil nakinig ako ngunit ang katabi ko ay mukhang hindi. Panay ang sipa ni Cris sa aking upuan habang nag ququiz.
Kung sa normal na araw ay aasarin ko pa siya bago pakopyahin pero dahil ala ako sa mood hindi ko na ginawa. Hindi ko nalang din siya pinansin at tinapos ang quiz ko saka nag pasa. Akala nya ha? Pag tapos niya kong asarin kanina HAHAHAHA
Lumabas ako sa room para dumiretso sa tambayan hindi ako nagugutom kaya doon muna ko tatambay. Nang makarating doong ay agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Naupo ako sa madalas kong upuan.
Sumandal ako sa mesa sa gilid ko. Nagpasak ng earphone sa tenga at pumikit ako habang dinadama ang kanta.
"What is that sad look in your eyes
Why are you crying
Tell me now, tell me now
Tell me. Why you're feelin' this way?
I hate to see you so down, oh baby
Is it your heart oh,
That's breakin' all in pieces,
Makin' you cry, makin' you feel blue
Is there anything that I can do
Why don't you tell me
Where it's hurt now, baby?
And I'll do my best to make it better.
Yes, I'll do my best to make
Those tears all go away..."
Damang dama ko na yung kanta ng pagmulat ko ay nagulat ako sa presenya ni Vivien. Nahila ko ang earphone sa tenga ko sa sobrang gulat sa kanya.
Umupo ako ng maayos ng makabawi sa pagkakagulat. Umakto akong parang walang nangyaring pagkakagulat sa sistema ko ng makita ko siya.
"Ikaw pala.." Panimula ko.
"Uh-hu" Nakataas ang kilay niyang sagot.
"Kanina kapa diyan?" Tanong ko
"Mejo" Makahulugang sagot niya. Kumunot lang ang noo ko kaya dinugtungan niya "Mejo lang... mula ng maupo ka jan"
Shit. Ibig sabihin kanina pa nga siya? Bakit di ko napansin?
"Mukhang maganda yung kantang pinakikinggan mo ah? Pwede parining?" Kukunin na sana niya yung earphone ko buti nailayo ko sa kanya.
"Ah hindi. Lowbat na pala ko" dahilan ko.
"Huh? Pero..."
"Kulit. Alis na ko" Paalam ko agad. Ayokong mag tagal doon hindi ko kaya.
"Huh? Teka..." Di ko na siya pinatapos nagmadali na ako sa paglalakad paalis doon.
Ang wrong timing talaga ng babaeng yon, kung kailan nag eemo ko saka biglang darating hays.
Hindi ko alam kung saan ako tatambay ngayon kaya hinayaan ko nalang dalhin ako ng paa ko kung saan. Malapit nako sa canteen ng makita kong makakasalubong ko sila Cris kaya lumuki nalang ako papuntang Gate.
Paniguradong aasarin ako nila Cris kaya iiwasan ko nalang muna din sila. Wala akong lakas makipag asaran sa kanila ngayong wasak ako... dahil sa pag ibig.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...