Chapter 4
Wrong Timing 4: Vivien Elizabeth Vega
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Parang kanina lang pinag uusapan namin siya at ngayon nasa harap ko na siya. Nang natauhan ako agad kong pinulot ang mga gamit niya na nalaglag sa sahig.
"Thanks" sabi niya ng inabot ko na ito sa kanya "sorry ulit" di pa man ako nakakasagot at agad na siyang umalis sa aking harapan. Hinabol ko pa siya ng tingin hanggang sa mawala.
Hanggang sa pag uwi ko ay di ko maiwasang isipin ang mukha nya. Ano ba Tyron nababaliw kana ba? Bakit mo iniisip ang babaeng di mo naman kakilala?
Itinulog ko nalang ang lahat ng iniisip ko dahil panigurado bukas ay wala na ito.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil hanggang sa panaginip ay nandoon siya. Ang maamo niyang mukha at malungkot na mga mata.
Agad naman akong napabalikwas dahil sa panaginip. Kinuha ko ang cellphone upang tignan kung anong oras na... 8:00 PM. Gabi na pala napahaba ang tulog ko, ni hindi pa ko kumain mag dating ko kanina.
Bumaba ako para tignan kung anong pwede kong kainin dahil panigurado ay tapos na silang mag dinner. Ngunit pag baba ko ay ang asungot na mukha ni Tanya ang aking nakita.
"Oh kagigising mo lang? Kala ko ayaw mo lang kumain kaya di ka bumaba" daldal nito.
"tss" tanging tugon ko. Wala akong balak pansinin sya kaya didiretso nalang akong kusina pero...
"kya, kilala mo yung Vivien? Ex pala ni Jerome yon?" Bigla nalang nyang nabanggit "same course kayo non eh baka kilala mo?" Dagdag pa nya "usap usapan sa school na desperada daw sya? Pero di ako naniniwala" dagdah pa nito.
"Napaka chismosa mo talagang bata" pagtatapos ko sa usapan namin.
Kaya pag katapos kong kumuha ng makakain ay dumiretso ako sa kwarto ko. Naisipan kong tignan sa social media si Vivien. Hindi ko sya kilala pero may kung ano sa loob ko. Agad akong nag tipa at nahanap ko agad ang kanyang account.
Vivien Elizabeth Vega
Tinignan ko ang profile nya at kuha ito sa Palawan last year. Nakasuot sya ng puting manipis na bestida kaya kita ang asul nyang swimsuit. nag scroll ako nakita ko na tatlo lang ang mutual friends namin si Troy, Tanya, at... at ang ex niyang si Jerome.
May iilang shared post sya pero bukod doon ay wala na kong nakita. Siguro ay nakaprivate ang mga post nya? Nag dadalawang isip ako kung iaadd ko ba siya ng biglang may kumatok at aksidente kong napindot ang add friend button dahil sa gulat.
"Kuyaaaaaaaa! Pabukas oh!" Sigaw ni Tanya galing labas. Ano nanaman bang kailangan nito.
"Ano?" Bungad ko sa kanya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
"Favor naman oh?" Pagpapacute pa nito akala mo naman cute.
"Ayoko na makipag date sa mga kaibigan mong di ko alam san mo napulot" bara ko agad sa kanya. Hindi ko alam pero kadalas yan ang favor nya tss.
"Grabe ka naman! Saka hindi iyon ang feeling neto" asar ka sabi nya "papahatid sana ko sayo kila Stacy kasi birthday niya at may party ngayon sa kanila.
"Gabi na manahimik kana sa bahay, pwede? At isa pa nag paalam kaba kila mommy?" Istrikto kong tanong sa kanya
"Eto naman parang others, saglit lang naman ako don. Sige na pleaseeeeee" pag papaawa pa niya. "Kung gusto mo samahan mo ko for sure nandon iba kong kakilala" offer pa nito.
"Fine!" Buryo kong sagot. Mas mainam na to kesa hayaan ko siyang pumunta doon mag isa. Wala akong tiwala sa mga lalaking nandoon.
YOU ARE READING
Wrong timing
Ficção AdolescenteMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...