Chapter 8

31 1 0
                                    

Chapter 8

Wrong timing 8: Eh gago pala yon eh

Madalas ng sumabay sa amin mag lunch si Vien. Sobrang gaan din siyang kasama. Para siyang prinsesa ng grupo namin. Sa twing may mang aaway sa kanya na mga fangirl ng ex niya lagi kaming naka backup sa kanya.

"Alam nyo hindi niyo naman ako need ipagtanggol lagi, kaya ko naman sarili ko pero thank you" isang araw sabi niya ng maabutan namin siyang inaaway ng mga fangirl ni Jerome.

"Sus! Kaya nga kamo nandito para ipagtanggol ka eh" ani Troy

"Oo nga! Kita mo tong muscle ko?" Hirit pa ni Cris

"Luh saan? Meron ba?" Natatawang ani Vien "pero seryoso okay lang naman talaga ko".

"Tumigil nga kayo puro kayo kalokohan" puna ko sa dalawa at saka ako bumaling kay Vien "maiba ko, hindi ka pa rin ba nakakamove on sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

Never akong nagtanong sa kanya about sa bagay na yon o kahit anong topic about kay Jerome. Hindo sa hindi ako interesado pero ayoko lang mailang siya.

"Sa totoo lang okay naman na ko. Gusto ko lang talaga siyang makausap" simpleng sagot niya.

Nakarating na kami sa madalas namin tambayan, sa likod ng building ng business ad. Naupo kami at binaba ang aming gamit sa lumang lamase roon.

"So hindi mo na siya mahal? Eh bakit ba kayo nag break noon? Saka bat mo siya hinabol habol?" Sunod sundo na tanong ni Troy. Kuryoso talaga ang mokong.

"Pwede isa isa lang?" Natatawang sagot ni Vien "Una, kung mahal ko pa ba siya? Actually ewan ko haha pero wala na kong nararamdamang sakit" nakangiting sagot niya.

"Ah... eh bat kayo nag break?" Tanong ni Cris. Tahimik naman akong nakikinig sa kanila habang nakatingin kay Vien.

"Nakita niya kong may kahalikang iba" malungkot na sagoy niya. Natahimik kami, hindi makapaniwala. Walang umimik ng ilang segundo.

"Pero hindi naman talaga kagaya ng iniisip niyo. Hindi ako nag cheat" dagdag pa niya. Nag aabang kami sa idudugtong niya. "Someone kissed me. As in sobrang bilis ng pang yayari, bigla nalang akong hinalikan ng isa sa mga basketball player ng school namin" nakatulala siya, mukhang inaalala ang lahat.

"Nang itinulak ko siya nagulat nalang ako ng may biglang sumapak sa kanya... nakita ko nalang si Jerome galit na galit. Hindi ako agad nakapag explain kasi nabigla ako. Bago siya umalis ang sabi lang niya ay manloloko ako" naiiling pang patuloy nito.

"Hala!Di manlang siya nakinig sayo? How about the next day? Hindi mo ba tinry kausapin siya?" Tanong ni Cris

"Ofcourse, I've tried. Syempre gusto kong ipaliwanag yung side ko pero iniiwasan niya ko. Tinatawagan ko siya pero nakapatay lagi ang phone niya. Ewan ko baka nagpalit ng number?" Paliwanag niya "pati sa social media nakablock ako" dugtong pa niya.

"So wala pala talaga kayong closure no?" Sabi ni Troy

"Yeah. Naisip ko pa non pahupain nalang kasi ayaw niya talaga kong kausapin. Two weeks... two fucking weeks nabalitaan ko nalang na may bago na siya" naiiling siya na parang di makapaniwala.

"Eh gago pala yon eh! Ang hina ng ulo" asar na sabi ko. Di ko na napigilan ang inis ko.

"Pero after non nag hiwalay din sila agad. 1 month lang ata tapos papalit palit na siya ng girlfriend. Then ayon nag transfer siya dito last year. Nasa kalagitnaan na ng taon ng malaman ko ang totoo" kwento pa ni Vivien.

"Na... na set up pala yon. Sinadyang pag hiwalayin kami. Yung girl na naging gf niya iyon ang nagplano"

"Wait! Ha? Paano?" Tanong ni Troy.

"Yung guy na humalik sa akin, friend niya yon and bago pa yon madalas nakakasabay ko yon maglakad sa corridor. Akala ko noon nagkakataon lang, friendly siya. Madaming beses ko siyang naencounter pero di ko binigyan ng malisya kasi akala ko nagkataon lang" mahabang kwento niya.

"Yun pala sa twing nagkakasama kami may kumukuha ng pictures. Pinag mukhang may namamagitan sa amin dalawa" patuloy pa niya "napakadesperada. At ayon saktong pagdating ni Jerome bigla akong hinalikan nung gago"

"Woah!" Di makapaniwalang ani Cris "grabe"

"I know. Sinabi lang sa akin yon ng isa sa kasama nila bago umalis ng bansa. Kaya nga tinry ko kausapin si Jerome pero wala pa rin" malungkot nitong sabi.

"Kaya ka lumipat?" Si Troy

"Yup" maikling sagot nito. Wala akong masabi sa mga narinig ko.

Wrong timingWhere stories live. Discover now