Chapter 32
Wrong timing 32: Eto na po, Madame.
"Ako na magdadala nyan" Sabi ko kay Vivien isang araw habang naglalakad kami sa hallway.
Matapos namin magkaayos ay palagi na kaming magkasama. Sabay kaming pumasok at umuwi. Kung may extrang activity siyang gagawin ay inaantay ko siya.
"Ako na! Di naman mabigat to eh" Kagaya ng dati hindi pa rin siya pumapayag na dalhin ko ang gamit niya.
"Ah basta!" Sabay agad ko sa gamit niya at naglakad ng mabilis. Tulad pa rin nung nakaraan di ako nagpapatalo sa kanya.
"Huyyyy! Tyron! Ang kulit mo talaga" Pasigaw na sabi niya para marinig ko. Medyo malayo na kasi ako sa kanya dahil binilisan ko ang paglalakad para di niya maagaw ang gamit niya.
"Ang bagal mo mag lakad!" Sigaw ko pabalik sa kanya habang natatawa.
Nang malapit na kami sa Building kung saan ang klase niya ay huminto na ako para intayin siya. Ihahatid ko siya sa room niya kagaya ng nakasanayan.
"Tara!" Sabay akbay ko sa kanya. Sabay kaming umakyat ng hagdan hanggang sa makarating sa tamang palapag.
"Oh" Abot ko sa gamit niya "Text mo ko pag vacant niyo ha?" Sabi ko. Tumango lang siya sa akin pero nakangiti.
"Sige na umalis kana" Sabi niya sa akin.
"Pumasok kana muna" Di ako nag paawat kaya wala siyang nagawa kundi pumasok nalang sa loob ng room nila.
Kumaway ako sa kanya ng makaupo na siya. Umirap lang siya ngunit nakangiti. Pagkatapos ay umalis na ako para pumunta sa aking klase.
Nakangiti ako habang naglalakad. Sa isip ko ay masaya ko na bumalik na kami sa dati. Masaya ko na nakakasama ko siya. Kontento na ko kahit wala kaming relasyon. Kontento nako sa kung anong meron kami. Hindi na ko hihiling ng higit pa... sa ngayon. Mag hihintay ako kung kailan pwede na. Pag tama na ang panahon.
Susulitin ko ang bawat pagkakataon na kasama siya. Tulad ng sabi niya hindi ko dapat sayangin ang pagkakataon ko. Hindi ko dapat sayangin ang panahon.
Tapos na ang klase ng kunin ko ang telepono ko sa aking bulsa. Itetext ko sana si Vivien ng makita kong meron na siyang mensahe doon.
Vien:
Maikli lang vacant namin. Di ako makakasabay sa inyo mag lunch.
Nalungkot ako ng mabasa iyon pero agad din namang winala iyon at nagreply sa kanyang mensahe.
Ako:
Ganon ba? :( Mamaya tambay daw sa THO?
Pinindot ko ang send. Ilang saglit pa ay nagreply na siya.
Vien:
"Daw"? Haha okay! ;)
Natawa nalang ako. Alam na alam niya talaga. Ako lang naman talaga ang nagsabi non eh.
"THO mamaya ah" Sabi ko kila Cris habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
"Di ako pwede, pass muna." Sabi ni Troy. "May lakad kami ni Gab"
"Ako G! Ano pustahan ulit? 1v1?" Pag aaya nito. Mukhang kaming tatlo lang pala mamaya. Wag ko na kaya tong isama? HAHA
Uwian ng magkita kita kami sa Parking. Nandito na si Vivien. Kararating lang ni Troy kasama si Gabby na sinundo niya sa huling klase nito.
"Oh pano, tol? Una na kami ha?" Paalam ni Troy sa amin tatlo.
"Sigesige ingat!"
Inintay lang namin silang makaalis. Nang tuluyang makaalis ay humarap ako kay Cris.
"Sasama kapa talaga?" Tanong ko
"Luh? Ano iiwan mo ko ganon?" Kunwari ay naaasar na sagot nito "Payag na nga akong third wheel nyo eh" Natatawang ani Cris
"Ano mag kukwentuhan nalang kayo?" Biglang singit ni Vien.
"Eto na po Madame"
Sumakay na kami sa sasakyan ko. Nasa harap sana pupwesto si Cris ng pandilatan ko siya.
"Sabi ko nga sa likod ako" Sabi nito at saka sumakay sa liko.
Nangmakasakay na kaming tatlo ay pinaandar ko na ang makina ng sasakyan ko at tuluyan ng umalis. Malapit lang ang THO pwedeng lakarin pero dahil uwian na ay dinala ko na ang sasakyan ko para mamaya ay diretso uwi na kami at hindi na babalik sa School.

YOU ARE READING
Wrong timing
Novela JuvenilMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...