Chapter 7
Wrong timing 7: Tigilan niyo nga ako!
Maagang nag dismissed ang prof namin kaya dumiretso na kami sa canteen. Mahirap mapasabay sa karamihan kaya maaga kaming kakain. Nag aasaran pa ang dalawa habang papasok kami sa canteen.
"Ako na ang oorder, humanap na kayo ng pwesto" dumiretso na ko sa counter ng makasabay ko si Vivien.
"Oy!" Bati niya sa akin. Sa ilang araw naming nakita ko ang pagiging kwela niya. Lagi namin siyang sinasabay ni Tanya.
"Oy! Ikaw lang?" Tanong ko sa kanya.
"May nakikita kaba?" Sabay taas ng kilay niya kaya sinimangutan ko siya na ikinatawa niya. Iyan ang ugali niyang kinaiinisan ko sa twing babarahin niya ko.
"Tss.. sabay kana samin... kung gusto mo lang naman" alok ko sa kanya. Sa ilang araw kaming nagkakasabay pumasok ay ngayon ko lang siya niyayang sumabay. Kasi ngayon lang kami nagkasabay ng lunch eh HAHA
"Sure!" Magiliw na sagot niya. Pag kakuha namin ng mga pagkain namin ay dumiretso na kami kila Cris.
"Uy! May bago ata tayong kagrupo?" Biro ni Cris. Hindi naman na sila nagkakailangan dahil kahit papano ay nagkakausap na sila, at isa pa magaling din naman makisama si Vivien. Hindi siya napipikon sa mga biro ng dalawa.
"Okay lang ba?" Pabirong sagot ni Vivien. "Kawawa naman kasi ko wala akong kasabay" may pa awa effect pa ang loko.
"Onaman! Ikaw pa!" Sakay naman ni Troy.
Nagkakatuwaan kami sa pagkukwentuhan habang kumakain ng dumating sila Jerome... ang ex ni Vivien. Natanaw ko agad sila dahil agaw pansin naman talaga ang grupo nila dahil sa kaingayan ng mga ito.
Nagpatay malisya ako at nag patuloy sa pakikipag tawanan. Ngunit sa kamalas malasan ay talagang sa tabing table pa namin sila umupo. Hindi ako nag pahalata pero nakikita kong nakatingin sa banda namin si Jerome.
Nilingon ko si Vivien at nakitang nakatulala nalang siya sa kanyang pagkain... huminto na pala sa pagtawa. Nang siguro ay naramdaman niya ang mga titig ko ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Para kaming nag uusap sa mga tinginan namin.
Agad ko namang palihim na sinipa si Cris na nasa tapat ko lang. "Aray naman-" naputol ang reklamo niya ng senyasan ko siya at tumgin ako sa gilid ko gamit lang ang mata ko. Nang makita niya kung sinong nandoon ay agad siyang tumayo. Isa iyon sa gusto ko kay Cris mabilis niyang makaintindi.
"Tara na! Tapos na ba kayo?" Tanong pa niya kunwari sa mga kasama namin. Agad naman tumayo si Troy at ako.
Alam kong nakatingin sa amin ang kabilang table at ang ibang mga estudyante. Halos lahat kasi ay alam ang mga pinag gagagawa noon ni Vivien na paghahabol sa mokong na yon.
Inilahad ko ang kamay ko kay Vivien at ngumiti sa kanya. "Tara na?" Tanong ko pa sakanya na tinanguan niya at tinanggap ang aking kamay.
Sabay sabay kaming lumabas sa cafeteria ng hindi lumilingon. Kumilos kami ng parang normal hanggang sa makaalis doon. Walang umiimik hanggang sa makarating kami sa likod ng Building namin. Doon kami madalas tumambay tatlo at ngayon apat na kami.
"Ehem!" Ubo ubuhan ni Troy "baka gusto niyo ng magbitawa ng kamay" pang aasar nito.
Napatingin naman kami sa kamay namin at agad nag bitiw. Nag iwas kami pareho ng tingin. Hindi namin namalayang magkahawak kami ng kamay hanggang dito.
"Wala kapa bang klase, Vien?" Pag iiba ko ng usapan.
"Huh?" Sagot naman niya parang lito pa "ah ako? Wala pa" naiiling na sabi niya
"Asus! Bat parang gusto mo na paalisin? Pagkatapos mo iholding hands eh" pang aalaska ni Cris.
"Uy baka magkadevelopan kayo ha?" Gatong naman ni Troy.
"Ano ba kayo walang ganon no" natatawang sagot ni Vien. "Parang kapatid ko na yan si Tyron"
"Awtsuu!" Kunwariy nalulungkot na ani Troy "nasiblingzone ka, tol!"
"Tigilan niyo nga ako!" Naiirita kong sagot.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...