"AHHHHH!!"
Malakas ko sinipa ang ulo ni Ruru dahil sa pagka baril niya kay Kael. Kinwelyuhan ko siya at matalim na tinignan.
"Sa oras na may mangyareng masama kay Kael. Buong pamilya mo kailangan na nila magtago."
Ngumisi si Ruru kaya hindi ko maiwasan mainis ngunit hindi ko iyon pinakita.
"E-edi mamatay si Kael! Problema ko ba yun?!"
Malakas ko sinuntok ang mukha niya ng paulit ulit.
"Hindi mo ba ako kilala ha?!"
Natigilan si Ruru ngunit agad din ngumisi "Bakit naman kita kilalanin ha?! At anong klaseng babae ka?!"
Ngumisi ako "Hindi ako interisado sayo, moron."
Nanlisik ang mga mata niya "I-i'm not a moron!!"
"Oh." Pang aasar ko "If you don't me. Then try to know who I am , bastard."
"I-i'm not a bastard!!!"
Ngumisi lang ako at malakas na sinipa ang ulo niya. Bumaling ako kay Xash na sobrang galit ang mga mata niya.
"Walang hiya ka!!!"
Sigaw sa akin ni Xash. Ngumisi ako sa kaniya lalo dahil sa galit nito.
"Maliban sa pangalan ko Xash. Kilala mo ba ako?"
Sabay akong humakbang sa kaniya at napaatras siya habang nakatutok ang baril niya sa akin.
"Baka ikasisi mo kapag nagpakilala ako sayo."
RAFA'S POV.
"Baka ikasisi mo kapag nagpakilala ako sayo."
Nanindig ang mga balahibo ko sa sobrang seryosong usal ni Cyriz kela Ruru at Xash.
"S-sino ka?" Kinabahan na tanong ni Xash.
Ngumisi si Cyriz "I'm a monster."
Matagal chumepo sa utak ko ang sinabi ni Cyriz. Binalot ako ng takot at kaba sa sinabi niya. Monster? Anong klaseng halimaw? Are you kidding me?
Biglang tumawa si Xash. Yung tawa na mas lalong kumaba sa dibdib ko. Yung tawa na madalas ko naririnig sa mga baliw.
"Tinakot mo naman ako Cyriz. Hahahahahaha!"
Mas lalo pa kami nagulat na biglang umiyak si Xash. Napatingin ako kay Cyriz na wala parin ipinagbago ang reaksyon ng mukha niya na blanko.
"Iniwan ako nila Mommy, Cyriz. Kelangan ko iligtas si Rei , Cyriz. Kailangan ko iligtas ang kaibigan ko! Kailangan ko! Tulungan mo ako Cyriz na iligtas ang bestfriend ko!"
CYRIZ'S POV.
Biglang bumukas ang pinto dahil sa inatake na naman ang kabaliwan si Xash. Napalingon ako na makita ko si Semi kasama sila Lucas at Axel.
"Anong nangyare dyan?" Tanong ni Lucas sa akin.
"Inatake na naman ng kabaliwan."
"I see. Nandito na ang kukuha sa kaniya na mga Doctor."
Tumango lang ako at ang mga katrabaho ni Hearty na mga pulis ay kinuha nila si Ruru. Umiiyak parin si Xash habang paulit-ulit niya sinasabi na ililigtas daw niya si Rei sa kapahamakan.
Hindi ko maiwasan mapangiti nang kinasal na sila Rei at Grey. Sobrang saya nilang dalawa dahil nakikita ko ito sa mga mata nila.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nanganak na si Rei at si Reiyl ang bata na iyon. Napakagandang bata.
Nakatanggap ako nang mensahe galing kay Semi na dadalaw sila sa ospital kani Rei. Kaya nagbihis ako at parang gusto kong kumain ng marami. Nag pa deliver ako at dumating naman iyon. Inubos ko lahat iyon at agad akong pumunta sa lababo dahil nasusuka ako.
Bakit ngayon lang ako sinuka?! Wala naman akong sakit!
Naramdaman kong nanghihina ang mga katawan ko kaya agad akong pumunta sa kwarto ko at kasabay nang pagbagsak ng katawan ko sa kama. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagkahilo ko kasabay ng pag ikot ng paningin ko.
TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mystery / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia