CHAPTER 6

806 36 1
                                    

ILANG WEEKS nang nakalipas at hindi nawawala sa tabi ko si Semi dahil nag alala siya sa pagbubuntis ko. Hindi narin ako pinapapasok ni Semi sq bar at sila Wilma na ang bahala. Walang nakakaalam sa pag bubuntis ko kundi si Semi at Dra. Faye lang. Sinabihan ni Semi si Dra. Faye na walang pwedeng makaalam sa kalagayan ko ngayon.

Hindi ko rin maiwasan mag alala sa pamilya ko dahil kapag nalaman nila ang tungkol dito. Paparusahan nila ako at lalo na ang batang dala-dala ko. Hindi ako mapaparusahan ng ganito kung nag asawa mona ako bago ako mabuntis.

"Huwag ka masyado mag overthink, Cy." Paalala ni Semi sa akin nang mapansin niya akong malalim ang iniisip ko "Alam mo ang biling ni Dra. Faye."

Tumango ako "I'm sorry. Hindi ko lang maiwasan isipin ang mga Miravellia."

Napatitig si Semi sa akin "I'll protect you, don't worry."

Umiling ako "Hindi mo kaya ang mga Miravellia, Semi. Alam mo kung gaano kalakas ang pamilya ko sa pamilya ninyo."

"Wala naman masama kung mabuntis ka nang hindi pa kinakasal."

"Sa mga Miravellia meron. Batas namin ito Semi. At hindi na pwedeng palitan pa yun."

"Hindi ako makakapayag na may mangyare sa inyo ng batang iyan , Cy. Makakapatay ako lalo na't pamangkin ko ang dala-dala mo."

"Pero—"

"Stop it. Mas mabuti narin siguro na iwasan mo yang iniisip mo. Buntis ka at bawal ang laging stress, Cy. Nandito ako para alagaan ka. Dahil kung alam man ni Rafa ito at siguradong siya ang mag aalaga sayo."

Natigilan ako.

"Talaga bang wala kang balak na sabihin kay Rafa ito?" Nakailan beses na tanong ni Semi sa akin ito ngunit.

"Wala, Semi. Hindi pa ako handa at alam natin dalawa na hindi ako mahal ni Rafa at hindi ko rin siya mahal."

Napatitig siya sa akin "Alam mong kapag malaman ni Rafa ito ay sisihin niya ang sarili niya dahil hindi niya nakilala ang anak ninyo."

"Ayokong pag usapan ito Semi."

Napatitig pa lalo si Semi sa akin saka tumango siya "Magpahinga kana. Babalikan kita bukas."

"Salamat."

Tulad ng sinabi ni Semi ay pinuntahan niya ako pagkabukas. May dala siyang pagkain dahil ayaw niyang magluto ako mag isa.

"Magpapa check up ka ulit kay Dra. Faye para malaman natin ang gender ng anak mo the after that bibili tayo ng mga gamit ng anak mo. Hindi pwedeng saka ka nalang bibili ay kapag malaki na ang tiyan mo, ayaw mo naman na makita nila Rei diba?"

Tumango ako "Bibihis na muna ako." Paalam ko sa kaniya na matapos akong kumain.

Pagdating namin dalawa sa ospital ay nagpacheck up na ako kay Dra. Faye.

"I'm so happy for you, Cyriz." Nakangiting tugon ng Doc "It's a boy."

Napangiti ako sa hindi inaasahan "Salamat."

Tumango siya at nagpaalam na si Semi sa kaniya. Si Semi parin ang nag dra-drive kaya nang makarating kami dalawa sa mall ay bumili na kami dalawa.

"Hindi  ko inaasahan na lalake ang magiging panganay mo, Cy." Nakangiting tugon ni Semi "I'm so happy for you."

"Salamat. Hindi ko din inaasahan yun. Sobrang saya ko lang dahil habang dala-dala ko ang anak namin ni Rafa ay hindi ko maiwasan matuwa."

"Osige. Hindi pwedeng magtagal tayo dito. Kailangan natin bilisan para makapag pahinga ka."

"Semi?" Napatingin siya sa akin "Ang trabaho mo? Ilang linggo mona ako inaalagaan pero nag alala ako sa trabaho mo."

"Huwag muna isipin ang trabaho ko. Dahil sinabi ko sa boss kona mga ilang buwan muna ako mawawala dahil may inaasikaso ako."

Napangiti ako at hindi ko napigilan maluha. Biglang nag alala ang mga mata niya.

"Tangina! Stop crying! Ayokong umiiyak ka!"

"S-salamat. Dahil napakabuti mong kaibigan. K-kung wala kalang siguro sa tabi ko. Siguro ay ako lang ang mag aalaga sa sarili ko."

Pinahid niya ang mga luha ko saka siya ngumiti.

"I'm your bestfriend, Cyriz. Hindi pwedeng pabayaan nalang kita habang buntis ka. Hindi ako mapakali lalo na't hindi pa alam ni Rafa ang tungkol dito."

Hindi ko napigilan na yakapin siya. Niyakap niya ako pabalik. Pagkatapos namin bumili ay lumabas kami pareho sa mall. Ngunit sa hindi inaasahan ay nakasalubong namin si Rafa na may kasamang mga katrabaho niya at lalo na si Grey.

Bigla akong kinabahan.

"Oh, hi!" Masiglang bati ni Grey sa amin. "Wow! Nag mall kayo dalawa huh!"

"Pake mo ba?"

Kingina! Semi! Anong klaseng tanong yan?!

"Grabe!"

"Di porket asawa muna si Rei ay ganyan kana? Dzuh. Tabi nga!"

"Wait! Wait! Wait!" Napatingin si Grey sa pinamili namin ni Semi "Oh! Buntis ka ulit Semi?!" Gulat na tanong nito.

Kinabahan ako ng sobra ngunit hindi ako nagpahalata.

"Tss! Tabi nga!"

"Hala! Ang galing talaga ni Ryx sa mga posisyon noh?!"

Nakita kong umiwas ng tingin si Semi at nakita kong nahihiya ito sa tanong ni Grey. Hindi ko napigilan tumawa ng mahina.

Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa pagtawa ko. Biglang nagtama ang mata namin ni Rafa.

"Don't tell me. Ikaw yung buntis?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa personalan na tanong ni Rafa. Nagkatinginan kami ni Semi bagaman si Semi ay walang kareaksyon ang mukha niya.

"Pake mo ba Rafa?" Nang aasik na tanong ni Semi "E, sa nag advance ako bumili ng mga gamit dahil baka sakaling mabuntis ako ulit, tangina!"

"Okay! Okay! Wala naman ako magagawa kung sasagutin ko pa yan sinabi mo, tsh!" Saka tumingin siya sa akin ngunit agad akong umiwas ng tingin.

"We have to go, Semi."

Tumango si Semi saka nilampasan namin sila. Sa pagpasok namin sa kotse ay doon ako nakahinga ng maluwag.

"Are you okay?" Nag alalang tanong ni Semi sa akin

Tumango ako "Kinabahan ako doon."

"Malamang! Sino hindi kabahan nang nandoon ang magiging asawa mo!"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya "Asawa?! Alam mong ayaw kong mag asawa! At wala akong balak mag asawa!"

"Yun na nga wala! Pero malay mo si Rafa talaga yung para sayo!"

"Kingina mo Semi! Ayoko nga ng love!"

"Parehas din naman kayo ni Rafa. Ayaw nang love kaya ganon kadin. Siguro nga ay kayo talaga dalawa ang naka tadhana para sa isa't isa."

"Kingina!"

"Huwag kang magmura dahil naririnig ka ng anak mo!"










TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now