CHAPTER 35

628 28 0
                                    

HINDI ko maiwasan magalit at mainis. Ilang linggo nang nakalipas nang mapatay ko sila Timothy at si Mr. Pier.

Nakauwi narin kami ni Rio dahil ayos na siya ngunit kailangan parin niya mag ingat. Hindi kami umuwi sa Mansion ni Rafa kundi nasa condo kami ni Rio. Kelangan ko rin ilipat sa school si Rio dahil hindi ko kaya ang sakit ng nararamdaman ko sa nangyayare sa amin dalawa ni Rafa.

Hindi rin ako nagpapakita kela Semi nang mga ilang linggo. Hindi ko rin sila nakakausap dahil sa mga nangyayare. Alam kong magtatanong sila dahil sa nakita na nila sila Mom.

Habang mahimbing na natutulog si Rio ay nag ring ang phone ko. It was Semi.

Hindi ko alam kung sasagutin ko pero mas pinili kong i-cancel nalang. Habang paulit-ulit na nag ri-ring ay hindi ko napigilan ay nasagot ko ang tawag niya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"

"Mahalaga paba yun?" Balik na tanong ko

Kailangan ko maging ganito dahil may mga ipinaplano pa ako.

"Cy. Namimiss kana namin ni Rei. Nandito narin si Hearty."

Napalunok ako "Ano naman kung namimiss nyo ako? Tsk."

"C-cy, bakit ba bigla ka nalang nag iba? Dahil ba ito kay Rafa? Susukuan mo nalang ba si Rafa?"

Napalunok ako at pigil kong hindi mapaluha. Hindi ako makapag salita.

"Cy. Bakit? Bakit kailangan sukuan mo si Rafa? Bakit?"

"Kung yan din naman ang itinawag mo. Wag ka nang tumawag ulit para lang itanong yan sa akin."

"Cy, please. Nag alala na ako. Lahat kami."

"Tsk. Sinabi ko bang mag alala kayo?" Puno ng sarkasmo na tanong ko

Natigilan sa kabilang linya ngunit agad din nakarecover "I'm worried , Cy. Lalo nang alam ng Mommy mona nandito ka."

"Tsk."

"Cy, please."

Pinatayan ko siya ng tawag at mga ilang segundo ay tumawag na naman siya. Hindi ko sinagot iyon at tumigil naman siya sa kakatawag sa akin.

Tumabi ako kay Rio at hindi ko alam na ilang oras ako nakatulog. Tumayo ako at tulog parin si Rio. Lumabas ako at nagulat ako ng makita ko sa sala sila Semi, Rei, Hearty, Loisa at Thadd. Halos sobrang lungkot ng mga mata nila ngunit binigyan ko sila ng blankong tingin.

"Cy." si Semi

"Anong ginagawa nyo dito? Sinabi ko bang pumunta kayo dito?"

Natigilan sila. Ngunit hindi ko pinansin yun. Alam ko masakit itong mga sinasabi ko ngunit kelangan ko gawin ito.

"Ang tigas ng puso mo, Cyriz." Naiiyak na sabi ni Rei ngunit nakatalikod ako "Bakit bigla nalang nag iba ang ugali mo? Hindi ka naman ganito, hindi ganito ang pagkakakilala namin sayo."

"Sinabi ko bang kilalanin nyo ako?"

"Cy, please. Huwag mo naman kami ganituhin," pakiusap ni Hearty "Ang sakit ng mga sinasabi mo. Bakit parang ngayon ay ibang Cyriz na ang kilala namin?"

Hindi ako makapag salita.

"Bakla," si Thadd "Miss kana namin. Miss kana namin nila Wilma, Ang mga katrabaho mo. Please bumalik kana sa Barb."

"Oo, Cy," si Loisa "Atsaka huwag mo kaming ganituhin. Ibang iba Cyriz Ang nakikita namin ngayon."

"Cy," si Semi "Please. Don't do this. Ibalik mo ang Cyriz na kilala namin."

"Umalis na kayo."

"No. Hindi kami aalis dito hanggang hindi bumabalik ang Cyriz na kilala namin."

Hindi ko sila pinansin. Umupo ako sa chair ko at binuksan ko ang laptop ko. Hindi ko alam kung ano ang pipindutin ko.

"Cy. Please?"

"Please, Semi. Ang dami kong problema. Huwag na kayong dumagdag."

"Cy, bakit kailangan mo itong gawin sa amin?"

Hindi ako sumagot.

"Bakit kailangan ganituhin mo kami?"

Hindi ko parin siya sinasagot.

"Bakit parang umiba ka?"

Hindi ko parin siya sinasagot.

"Cy, answer me. Dahil ba ito sa Mommy mo? Or dahil kay Rafa dahil hindi ka niya maalala."

Natigilan ako sa pag pindot.

"Cy, answer me."

"Wala na akong pakealam kay Rafa ngayon, Semi."

Ramdam ko ang pagkatigil nila.

"Cy, hindi pwede." Si Rei "Don't tell us, sinukuaan muna."

"Yes." Mabilis na sagot ko "Ano pa bang magagawa ko?" Hinarap ko sila "Unting unti nawawala ang pagmamahal ko kay Rafa, at kapag nawala yun. Hindi na babalik pa ang nararamdaman ko kay Rafa."

"Mahal ka ni Rafa, Cy."

Bigla akong natawa ng sarcastic sa sinabi ni Hearty.

"Tanga ba siya? Kung mahal niya ako, bakit kailangan wala siya sa tabi namin ni Rio? Bakit kung kailan kailangan ko si Rafa ay doon pa siya wala sa tabi ko?!"

Hindi ko napigilan maluha.

"Kailangan ko si Rafa sa lahat ng oras! Pero ano?! Kinalimutan ako ni Rafa dahil lang sa amnesia nayan!"

"Cy ..."

"N-nasasaktan ako ... Sobrang sikip ng nararamdaman ko ... Halos g-gusto ko nalang lumayo para lang makalimutan si Rafa ..."

"Cy ..."

"G-gustong gusto kong k-kalimutan si Rafa .. gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Rafa..."

"Bakit agad nalang susukuan mo si Rafa?!" Inis na tanong ni Semi "Ganyan kaba kahina Cy?! Ang sukuan nalang si Rafa dahil hindi ka niya maalala?! Ganon nalang ba?!"

"K-kung ikaw ang nasa posisyon ko Semi, masasaktan karin kapag iba ang naalala ni Ryx at hindi ikaw."

Natigilan siya. Napahikbi ako sa iyak.

"K-k-kung... Kailan nagmahal ako ulit ay doon pa nawala si Rafa sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko pang mahalin si Rafa kapag nawala na itong nararamdaman ko..."

Bigla silang naluha "Cy ..."

"I hate my feelings for him. I hate it."

"Cy..."

"Gusto kong magpahinga Semi. Pagod na pagod parin ako."

Hindi nagdalawang isip si Semi na yakapin ako ng mahigpit habang naluluha kaming lahat. Tumayo narin sila Rei para yakapin ako.

"Pero gusto lang kita e-ask. Pinatay mo ba si Timothy?"

Tanong ni Loisa nang matapos niya akong yakapin.

Tumango ako. Nagulat naman sila.

"Oh my god ..."

"Lalayo naba kayo? Dahil nakapatay ako ng tao?"

"Of course not!" Mabilis na sabi ni Hearty "Nandito lang kami sa tabi mo. Hindi ka namin iiwan, pangako! Diba?!"

Tumango silang lahat "Pangako!"

Napangiti ako "Thank you."


To be continued....

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now