CHAPTER 7

743 36 3
                                    

ANIM  na buwan na akong buntis at hindi parin ako iniiwan ni Semi. Katulad parin noon ay siya parin ang nag aalaga sa akin.

Sa ikatlo ng buwan ay nahihirapan na akong bumangon dahil sa pag bubuntis ko.

Ganito pala ang pakeramdam ng buntis?! Halos patayin ka sa kakahiga! Kingina! Kasalanan mo talaga ito Rafa! Kung bakit ako nabuntis ngayon!

"Anyway," si Semi "Si Dra. Faye ang magpapa anak sayo, okay? Ayokong umalis dito sa condo mo nang mga ilang linggo. Nag alala ako na baka sa pag alis ko ay manganak kana."

"Salamat. Pero ang hirap pala kapag buntis ka noh? Halos hindi ko ikahinga ng maayos."

"Ganyan talaga kapag buntis, Cy."

"Bakit ba kase nabuntis pa ako? Hindi ko naman masisi na nabuntis ako."

"Eh bakit ka kase nagpabuntis kay Rafa?! Ha?!"

Sinamaan ko siya ng tingin "Sinong hindi makakaalis sa Mansion ni Rafa dahil sa sobrang lakas niya?!"

"Marunong ka makipag laban pero bakit hindi mo sinuntok?!"

"Eh sa ayokong paggising niya ay black eye na!"

"Tss! Kaya pala nagpabuntis ka nalang!"

"Eh sige nga! Kung ikaw ang nasa posisyon ko habang hindi makaalis sa mga kamay ni Rafa! Paano ka lalaban?! Ha?!"

"Grabe nag iinit na ang ulo mo?" Nang aasar na sabi niya "Sabagay ganyan nga talaga kapag buntis!"

"Kingina!"

"Naririnig ka ng anak mo Cy! Baka magaya ng anak mo yan!"

"Edi magaya. Ang mahalaga sa akin nagmana ang anak ko!"

Ngumisi lang siya.

Dalawang araw na nang nandito si Semi. Ayaw niyang umalis sa condo ko dahil nag alala ito. Nagpaalam narin siya kay Ryx na dito mona siya matutulog.

Biglang nag ring ang phone ni Semi at sinagot niya iyon

"Yes, Ace baby?"

Napangiti ako ng marinig ko pangalan ni Ace. Napaka masungit na bata pero sobrang mahal niya ang dalawang mga magulang niya.

Natigilan ako na nakitaan ko ng pag alala at takot ang mukha ni Semi.

"P-pero Ace...." Napatingin si Semi sa akin "Aceia is okay? .... Katulad ng biling ko alagaan mo mga kapatid mo habang wala ako, okay?.... But you okay now? ..... Uminom ka ng gamot .... Yes baby ..."

Mga ilang minuto pinatay ni Semi iyon kaya hindi ko naiwasan mag tanong. Dahil pati ako kinabahan.

"Anong nangyare kela Ace?"

"Magaling na si Ace. Pero si Aceia ang sunod na nagkalagnat."

Bigla akong nag alala kaya hinawakan ko kamay niya"Umuwi ka mona. Puntahan mo mga anak mo."

"Hindi kita kayang iwan dito, Cy."

"Ayos lang ako dito. Mahalaga din sa akin sila Ace. Kailangan nila ang Mommy nila, matitiis mo ba sila?"

Natahimik siya.

"Tatawagan nalang kita kapag kailangan kita."

"Pero—"

"Don't worry about me, okay? I'm okay. Puntahan mona mga anak."

Matagal siyang sumagot.

"Fine. Tatawag ka okay?"

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now