CHAPTER 41 - THE TRUTH

629 21 0
                                    


HALOS hindi ko maiwasan kabahan dahil sa titig ng mga hukom sa akin. Tinago ko ang kaba , takot at pag alala ayokong maging mahina sa harapan nila.

Isa akong taksil sa Miravellia!

"Narito na ang Master Princess ng Imperial American."

Sabi ng isang kawal sa kanila. Tatlong hukom na matatandang babae. Mas mataas ang posisyon nila kesa sa akin. Mas kinatatakutan sila kesa sa akin.

Nasa gitna ako habang nakikita ang nasa kalayuan ang kagubatan. Napamatahimik na iyon ngunit batid kong nasa peligro ang buong America.

"Nais mo bang mamatay?"

Ang pangalawang hukom na si Kajool.

Napapikit ako saka umiling. Ang Miravellia, at ang pamilya ni Raj lang ang nandito. Ang mga tao ay nasa kalayuan din ngunit may naka protection sa harapan nila para hindi sila makain ng mga mababangis na hayop sa loob ng kagubatan.

"Bakit?" Ang pangatlong hukom.

Napaka strikta ng kanilang boses parang gusto ka nilang patayin sa mga salita nila.

"D-dahil may anak akong inaalagaan."

Nakita kong kumuyom ang kamay ng dalawang hukom!

"Alam mong ikaw ang unang sumuway ng batas ng Imperial American!" Inis na sabi ng pangatlong hukom na si Ameshath

"P-paumanhin pangatlong h-hukom. Ngunit ito ang aking nais, ang magkaroon ako ng a-anak."

"Kung ganon, bakit hindi ka nag asawa o ikasal bago ka magpabuntis?!"

Hindi ako makapagsalita dahil sa takot at kaba. Napahawak ako sa tiyan ko dahil biglang sumakit. Tatayo na sana si Mom na pigilan siya ni Dad para hindi ako lapitan. Kahit sila Melanie at iba kong mga pinsan, Tito, Tita ay nag alala nasa kalagayan ko. Si Raj ay pigil niyang hindi lumapit.

"Kung ayaw mong mamatay sa mga kamay namin. Pumunta ka sa gubat"

Nagulat ang lahat maliban sa akin na biglang sabihin iyon ng unang hukom na si Sonya.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Hindi ito nakangiti ngunit ramdam ko sa sinabi niya na may tiwala siya sa akin.

"Hihahatid ka ng mga kawal para makapunta roon."

Mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa nasa kaunting kalapitan kami ng kagubatan. Nanghihina ako dahil sa iyak at pagmamakaawa ng mga tao.


MELANIE'S POV.

Hindi ko maiwasan kabahan , matakot, at mag alala dahil sa narito kami sa kagubatan.

"Magtiwala lang tayo kay Cyriz," ang aking inang si Mwehesing "Nasa kanya ang pag asa ng Americanins."

"Oo," si Auntie Elen "Huwag tayo mawalan ng pag asa sakanya."

Bago pa makapasok si couz sa proteksyon ng bakal ay may biglang tumawag sa kaniya na ikinalingon namin lahat

"Mommy! Mommy!!!"

Parang lalabas ang aking kaluluwa dahil sa pag iingat namin kay Cyrio. Hindi lang si Cyrio ang narito kundi pati ang kaniya Ama na si Rafa Alerajos. Halos nabuhayan ang aking kalooban na nandito Ang kaniyang mga kaibigan na sila, Semi, Rei, Ryx, Kael at si Grey na kararating lang.

"Mommy!!"

Bumagsak ang luha ni Cyriz at akmang tatakbuhin niya ang kaniyang anak na gapusim siya ng mga kawal. Pati sila Semi ay ginapus din ng mga maraming kawal lalo na si Rafa at Cyrio na umiiyak.

"Riz! Please! No!"

"Mommy! Mommy!"

Napahikbi si Cyriz "P-pakiusap, gusto kong m-mayakap ang aking anak."

Hindi ko napigilan maluha dahil sa pag iyak nila. Buong Miravellia ay umiyak maliban kay Lolo Dad at Tito Castriel na sobrang tigas ng kanilang puso!

"Please Riz, don't leave me .. please don't leave us ..."

"Pumasok kana." Utos ng pangatlong hukom

"Pakiusap, gusto ko silang mayakap..."

"Hindi maaari."

"Riz please ..." Humihikbi na sabi ni Rafa "Mangako ka, hindi mo kami iiwan ni Rio, please ..."

Nakagat ni Cyriz ang mga labi niya "A-ayokong mangako Rafa... G-gusto kong alagaan mo ang anak natin ..."

Umiling ng umiling si Rafa at napaupo si Cyriz sa lupa habang umiiyak.

"R-rafa .. I'm sorry..."

"Mommy!!!"

"Riz, no!"

Nahawakan ni Cyriz ang tiyan niya "R-rafa ... I'm p-pregnant ... Buntis ako ..."

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Cyriz. Pati ang tatlong hukom ay nagulat sa sinabi ng Master Miravellia. Halos hindi nila alam ang kanilang gagawin dahil sa narinig nila. Parang multo sa sobrang tahimik na nasa pagitan namin lahat! Bagaman ako ay gulat na gulat sa aking nadinig!

"W-what ..."

"B-buntis ako Rafa ... Tatlong linggo na ..."

"Then ... Don't leave us please ... I'll promise you, I'll marry you ... Please don't leave me ... Please ..."

Napailing si Cyriz "I love you ... I love you so much"

"I love you too. I love you more than you love me Rafa ... Please don't leave me ..."

"K-kailangan ko itong gawin para hindi kayo madamay ni Rio ... Please let me ..."

Umiling si Rafa "Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ka sa tabi ko Riz, I don't know ..."

"Ipasok si Cyriz Miravellia!"

Gusto kong salubungin ang pangalawang hukom! Kahit narinig niya na buntis si Cyriz ay gusto parin niya ituloy ang pagpapakain nila kay Cyriz!

Sigaw na sigaw sila Rafa dahil papasok na si Cyriz habang si Cyriz ay napipilitan pumasok. Napatingin ako sa unang hukom kung bakit wala siyang magawa para pigilan si Cyriz! Hindi ko maiwasan magtanim ng galit sa kanila!

Napatingin ako kay Cyriz na papasok nasa loob hanggang sa hindi na namin siya makita!

Hindi ko napigilan sumigaw!

"Cyriz!!!!"

Hindi lang ako kundi pati ang mga Miravellia. Habang sumisigaw kami ay bigla namin narinig ang ingay ng mababangis na hayop!

Kinabahan kaming lahat! Binalot kami ng pag alala at takot! Doon nagsi iyakan ang lahat. Puno ng luha ang aking mga mata dahil sa iyak!

Sobrang ingay ng mga, lion at tiger sa loob ng kagubatan! Halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng aking nararamdaman!

Cyriz ...

To be continued....

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now