CHAPTER 20

662 28 0
                                    

PAGLABAS ko sa kwarto ni Rio ay napaupo ako sa sofa. Hindi parin mawala ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Rio kanina sa amin ni Rafa.

Paano kapag nalaman ni Rafa at Rio na mag ama sila? Paano kung sumama si Rio sa ama niya? Paano kung ilayo sa akin ni Rafa si Rio?

Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa sunod-sunod na tanong sa isip ko. Mukhang mababaliw ako sa sobrang dami ng iniisip ko! King ina!

"Bakit sobrang lalim ng iniisip mo?"

Nagulat ako sa tinig ni Rafa sa likod ko. Napalingon agad ako at wala parin kareaksyon ang mukha niya.

"P-pwede kana umuwi. Tulog na si Rio."

"I'm staying." Natigilan ako at umupo siya sa isang sofa "I want to know kung sino ang totoong Daddy ni Rio."

Natahimik ako.

"Riz, I want to know. Kung takot ka sa ama ni Rio. Don't worry I'll protect you and Rio."

"U-umuwi kana. Gabi na."

"Riz. Are you running away from the bastard?"

Natigilan ako.

"Riz."

Ilang segundo ako nagsalita "I'm running away from the CEO."

Natahimik siya. Sinadya kong sabihin yun. At kapag nalaman na ni Rafa ang tungkol kay Rious. Ilalayo ko sa kaniya si Rio dahil ayokong malayo si Rious sa akin. Alam kong nakaka selfish pero ito lang ang tanging naisip kong gawin.

"C...CEO?" nagtatakang tanong ni Rafa "I-i can't understand."

Dahil sa kaba na naramdaman ko ay unting unti nawawala dahil sa sinabi niya. Akala ko makukuha mona ang punto ko pero mukhang kulang pa.

"Umuwi kana."

Tumayo agad ako at bigla siyang nagsalita.

"Maraming CEO sa buong mundo, Riz. Impossible ba na isang CEO ang ama ni Rio?"

Napalunok ako saka bumaling sa kaniya "Bakit parang interisado kang malaman ang tungkol sa ama ni Rio?"

"Of course. I'm interest. Tell me, Riz. Gusto ko malaman ang pangalan ng ama ni Rio."

Tinitigan ko siya hanggang sa tinalikuran ko siya. Pumasok na ako sa kwarto ko. Isasarado kona sana ang pinto ng kwarto ko ng pinigilan ako ni Rafa at pumasok siya.

"Riz ... Please."

"U-umuwi kana. O gusto mo pang kaladkarin kita palabas sa condo ko!"

"Then do it. Nasa tagaytay tayo. Hindi ko kayo kayang iwan ni Rio dito." Natigilan ako ngayon ko lang narealize na nasa Tagaytay pala kami "Before I sleep, I want to know. Sino ang ama ni Rio?"

Natigilan ako at napaatras ako dahil sa mga hakbang niya hanggang sa napasandal ako dahil sa pagkaatras.

"Isa bang CEO ang ama ni Rio?"

Napalunok ako.

"Isa bang CEO ang ama ni Rio?" Ulit niya nito.

Napalunok ulit ako. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Riz."

"O...o-oo.."

Natahimik siya. Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa sagot ko. Bakit ko ba nasabi yun?!

Mga ilang minuto kami nagtitigan hanggang sa lumayo siya. Nakahinga ako ng maluwag.

"I have to go."

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now