NAKALIPAS ng isang linggo ay enroll na si Rious sa school. Kasama ang mga pinsan niya. Sa loob ng isang linggo ay tuloy-tuloy parin ang trabaho namin nila Thadd at Loisa. Katulad parin noon ay mas dumadami pa ang costumer. Sanay na kami sa ganito dahil buong gabi hindi nawawalan ng tao ang Barb.
Biglang lumapit si Timothy sa akin at ngumiti siya "You want cupcake Manager?" Sabay niya pinakita ang isang box na puno ng cupcake.
Ngumisi ako "Yes." Saka inabot niya saken iyon at kinuha ko "Thanks for this."
"Anything, Manager." Nakangiting tugon niya "Anyway po, kung may kailangan pa po kayo. Call me, Manager."
Tumango ako "Sige."
Umalis na siya at hindi ko maiwasan magtaka sa kaniya. Parang may kakaiba kay Timothy na hindi ko maipaliwanag. Lalo na ang pag bigay niya sa akin ng cupcakes na ito. Ito ang unang beses na binigyan niya ako.
Inisantabi ko mona ang isang box na cupcakes nang itago ko siya sa ref. Nagtuloy ako sa pagtrabaho ko hanggang sa may naramdaman akong nakatitig sa akin. Napalingon ako ngunit napa kadilim sa gilid habang nakatitig ito. Hindi ko alam kung saakin ba ito nakatingin o saan. Naka cap ito ngunit hindi pamilyar sa akin ang katawan niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba ngunit hindi ko pinahalata.
Lalapitan kona sana ito na humarang si Loisa sa harapan ko habang nakangiti ito ng malapad
"Cyriiiiiiiz! May naghihintay sayo sa labas!"
"Tumabi ka myna Loisa." Habang hindi mawala ang tingin ko sa taong ito.
"Gaga! Tara na! Naghihintay si Rafa sayo!!"
Doon ako napalingon kani Loisa dahil sa narinig kong pangalan ni Rafa.
"Si Rafa?"
"Oo! Oh my god!!! Nasa labas siya!! Hinihintay ka!!!"
"Susunod ako. May kailangan lang akon—"
"Ano kaba! Tara na!!"
Hinila agad ako ni Loisa saka napatingin ako sa madilim na yun. Ngunit laking gulat kona nawala ang tao nayun. Hanggang sa makalabas ako bigla ko narinig ang boses ni Rafa sa stage.
Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda ng boses ni Rafa kapag kumakanta. Nawala narin sa isip ko ang nangyare kanina. Nakahawak ng gitara si Rafa habang kumakanta ng 'You Are My Everything'
Madaming mga tao na kinikilig pa na kumakanta si Rafa dahil sobrang gwapo nito at napakaganda pa daw ng boses. Nasa gilid sila Thadd na kinikilig kasama sila Wilma. Hindi ko alam pero naiilang ako kung bakit nasa gitna ako habang hindi maialis ni Rafa ang tingin niya sa akin.
Parang may gustong sabihin ang mga mata ni Rafa. Ang mga liriko na kinakanta ni Rafa ay damang dama niya. Hindi mawala ang emosyon. Nang malapit na matapos si Rafa sa kinakanta niya ay bumaba siya at inabot ang gitara sa isang lalake. May mga nag ppiano. Hindi ko maiwasan magtaka na may umabot ng bouquet kay Rafa.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa mga titig ni Rafa. Hindi ko alam pero alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin ni Rafa. Hindi ako manhid pero gusto kong mali itong iniisip ko. Ang mga tingin ni Rafa ay kakaiba. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa mga hinala ko sa mga tingin ni Rafa.
Nang nasa harapan na si Rafa ay kasabay ng pagkatapos niya kumanta. Ngumiti siya ngunit hindi ko sinuklian iyon. Parang gusto kona tumakbo dahil parang ayoko marinig ang sasabihin ni Rafa.
"Riz ..." Mahinang sambit niya
"A-anong ibig s-sabihin nito?"
Huminga siya ng malalim saka tumingin siya sa mga mata ko "I'm here to confess."
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mystery / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia