ISANG linggo nang nakalipas habang inaasikaso namin nila Rafa ang aming kasal. Kailangan matupad namin ni Rafa na makasal kami sa ngalan ng aming diyos.
Dumating narin ang pamilya ni Rafa lalo na si Chairman Alerajos. Ang pamilya ni Semi ay narito narin at ganon din ang pamilya ni Rei. Nada kabilang side sila ng table na sobrang saya nilang nag uusap.
Parang kailan lang.
Napatingin ako sa kawalan habang naroon ang mga alaga ko. Plano namin ito ni Sonya ang unang hukom. Dahil isa siyang manghuhula ay tinulungan niya ako ng gawan ko ng paraan dahil alam niyang makakagawa ako ng kamalian sa Americanins.
Si Rio at ang magiging anak kong babae ang magpapabago ulit sa lugar na ito. Ngunit tutulungan sila ni Rafa. Si Rio at ang magiging anak kong babae ay magiging isa silang napakabuting Prinsesa at Prinsipe. Ang unang paslit na lumabas sa Miravellia.
Si Rafa ay magiging isa siyang Hari na kinikilala nilang magiging asawa ng Master Princess ng Imperial American.
Bigla akong nakaramdam na presensya sa likod ko dahilan para mapalingon ako. It was Tita Ranitta.
"Tita."
Niyakap niya agad ako "Akala ko iiwan mona ang anak ko dahil sa mga pagsubok na nangyare sayo, lalo na kay Rafa."
"Hindi ko naman kayang pabayaan ang sarili kong mamatay lalo nang may susunod na kay Rio."
Humigpit ang yakap niya saka hinarap ako. Ngumiti siya at napaluha siya. Pinahid ko ang kaniyang mga luha.
"Ikaw ang malapit sa akin kesa kay Semi. Atsaka alam mo bang nung una na makita ka ni Rafa ay halos gusto niyang araw-araw ka niyang makita?" Natawa siya ng mahina "Hindi namin alam na napamahal na talaga si Rafa sayo."
Napatitig ako sa kaniya.
"Atsaka mas lalo nyo ako pinapasaya dahil madagdagan na naman ang mga Apo ko."
Ngumiti ako "Sobrang saya ko din po Tita dahil may anak kami ni Rafa."
"Pero ... Alam naba ni Rio na si Rafa ang tunay na Daddy niya?"
Umiling ako "May balak sana akong sabihin kay Rious pero wala dito si Rio kundi nandoon sa kaniyang ama."
"Sabagay," ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko "Maaari bang si Rafa nalang ang magsabi kay Rio ng totoo?"
Ngumiti ako "Opo Tita, dahil alam ko din naman na malalaman at malalaman ni Rio ang totoo."
"Kung sa ganon, asikasuhin na namin ang kasal ninyo ni Rafa."
Tumango ako at nagpaalam na siyang bumalik kela Mom.
"Cyriz."
Napalingon ako na marinig ko ang tinig ng aking ama. Agad akong nag bow sa kaniya.
"Patawarin mo ako anak."
Ngumiti ako "Patawad din , Dad. Dahil pinagtaksilan ko kayo."
Niyakap niya ako ng mahigpit saka niyakap ko siya pabalik. Namimiss kona ang yakap ng aking ama!
"Tatanggapin ko ang iyong galit Apo, mapatawad mo lang ako."
Napatingin ako sa boses na iyon. Lumuluha si Lolo Dad kaya agad ko syang nilapitan at niyakap.
"Ayos lang po iyon Lolo Dad, gusto ko rin humingi ng tawad sa inyo."
Niyakap niya ako pabalik saka hinarap niya ako. Pinahid niya ang mga luha kona ngayon ko lang napansin na may luha na palang tumulo sa aking mga mata.
"Nung malaman namin na lagi mong kasama si Timothy ay pinapabantay ka namin lahat ngunit tinago ng iyong ina at si Prinsipe Raj lalo na si Melanie at Ginoong Blood na may anak ka."
Mahina ako natawa "Salamat sa inyong mga Miravellia, Lolo Dad, Dad." Ngumiti ako "Hindi ko malalaman ang totoo ang tungkol kay Timothy kung hindi dahil sa inyo at kay Ginoong Blood."
Inakbayan nila akong dalawa.
"Masaya kami saiyo. Buong Miravellia natutuwa dahil narito kana at ang buong mga tao ay sabik na sabik na silang makita ka muli."si Dad
"Inbitado po ang mga taong gustong pumunta sa kasal ko Dad," Sabi ko sa kaniya "Nais kong iutos sa mga kawal na ibigay ang aking mensahe sa mga tao na makita ko sila sa aking kasal lalo na't gusto kong makilala nila ang aking mapapangasawa."
"Makakarating sa kanila." Sabi ni Dad
"Ngunit Apo," napalingon ako kay Lolo Dad "Kailangan mong pagsabihan ang iyong mapangangasawa at ang aking Apo na si Rio na kapag narito kayo sa America ay kailangan huwag gamitin ang ibang lengguwahe kundi ang malalim na salita."
Tumango ako "Makakarating."
"At kapag kasal na kayo ay maaari mo nang sabihin sa kanila ang atin batas sa pamilya natin at sa Imperial American."
Tumango ako at ngumiti ako.
"Sandali," si Lolo Dad "Kung babae ang iyong magiging anak ay may gusto akong ipangalan sa kaniya kung ito ay iyong magugustuhan."
"Kahit ano pa iyan, tatanggapin ko ng buong buo."
Ngumiti siya "Cyria."
"Bakit Cyria ang gusto nyong ipangalan sa akin magiging anak na babae?"
"Dahil ang pangalan na ito ay isa sa darating sa atin na swerte sa pamilya natin."
"At ang Cyrio ay," si Dad "Ang ibig sabihin sa atin dito sa bansa ay isang napakabuting puso at mapagpatawad na kaniyang kapwa. Siya ang lalaking napakabuting Prinsipe."
"Ang Cyria ay napakahaba ito ngunit mas madali natin siyang tawagin Ria."
"Yaz."
To be continued ....
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Misterio / SuspensoCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia