HALOS nilibot ko ang condo ni Timothy pero wala parin tao at lalo na siya. Hindi rin siya pumasok sa Barb at mas lalong hindi ko pinapabukas ang Barb dahil alam kong sasaktan niya ang mga kasamaan ko.
Demonyo kang Timothy. Hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa mag ama ko!
Bigla kong tinawagan ang numero ni Timothy at bigla naman niya sinagot. Gusto kong pumatay!
"Gago. Mahahanap din kita."
Narinig ko siyang tumawa "Napakatalino mo naman baby, akala ko hindi muna malalaman kung sino ako."
Kumuyom ang mga kamao ko.
"Paano bayan Cyriz? Hindi kana naalala ng mahal mo? Umiiyak kana ba? Nasasaktan kana ba?"
"Fuck you! I'm going to kill you! Bastard!!"
"Natakot naman ako Cyriz, akala mo mahahanap mo ako?" Tumawa siya ng mala demonyo "Hindi"
Ngumisi ako kahit ramdam ko ang galit ko "Kahit saan ka man magpunta, hindi kita titigilan sa kademonyohan mo. Hahanap hanapan parin kahit nasa loob kapa ng tiyan ng nanay mo!"
Pinatayan ko siya ng tawag at mabilis akong sumakay sa kotse ko at mabilis na pinatakbo iyon papunta sa Mansion nila Rafa. Pagdating ko ay kinuha ko ang laptop ko at hinanap ang location ni Timothy.
Mga ilang oras ako sa kakahanap hanggang sa mahanap ko ang location niya. Naghanda na ako.
Nag full black ako at may baril at kutsilyo ako. Lumabas na ako at sumakay na ako sa motor ko.
Ducati...
Bago pa ako nagpaandar ng motor ay nag ring ang phone ko. Sinagot ko iyon.
"Tangina! Cy! Anong ibinabalak mo?!"
"Huwag mo akong pigilan."
"Saan ka pupunta?! Pupuntahan kita!"
"Bantayan mo nalang ang anak ko at si Rafa."
"Cy!" Warning niya
"Kilala mo ako Semi. Kapag sinaktan ang mga nasa paligid ko hindi ko nakikilala ang sarili ko. You know me, Semi. I'm a monster."
Pinatayan ko siya ng tawag at mabilis ko pinatakbo ang motor ko.
SEMI'S POV.
"Ano? Nasaan si Cy?" Tanong ni Grey sa akin.
Nag alala ako. sobra.
"Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta."
"Letse!" Si Rei habang natutulog ng mahimbing si Rio "Hindi pwede ito, Semi! Baka kung mapano na naman si Cy!"
"Alam ko, nag alala ako sakaniya. Hindi ko alam kung saan ko siya pupuntahan. Pati location niya ay hindi ko mahanap."
"Letse! Kontakin mo! Magpakiusap ka!"
"Hindi kona macontact."
"Fuck! What did I do?! Nasa panganib ang pinsan ko!"
"Sino?"
Napalingon kami sa pintuhan na marinig ko ang tinig ng aking asawa. Natigilan ako nang makita kong kasama niya si Rafa, at sila Mom Ranita.
"Sinong nasa panganib?" Si Mom "Si Cyriz? What happen to her?" Gumuhit ang pagalala sa mukha niya
Walang nagsalitasa amin. Kaya tumabi nalang ako kay Rio at hinaplos ko ang buhok niya habang mahimbing natutulog ang pamangkin ko.
"Babe?" Ryx "Nasaan si Cyriz?"
"Hindi ko alam. Walang sinabi ang babaeng iyon sa akin."
"But, what happen to her?" Si Dad Raffy.
"Sumugod siya mag isa, Dad."
Natigilan sila at hindi ko man lang nakitaan ng pag alala o kahit anong reaksyon si Rafa.
Tangina!
"W-what ..." Si Ryx
"Sumugod mag isa si Cy sa gumawa nito kela Rafa at Rio."
Doon ko nakitaan ang reaksyon si Rafa. Bigla akong nagtaka kung bakit gumuhit ang gulat, kaba at pag alala sa mukha niya.
"Walang nakakaalam kung nasaan ngayon si Cy."
"Oh my God..." Naluluha na sabi ni Mom "B-bakit? Kilala naba ni Cyriz kung sino gumawa?"
"Yes, Mom." Sabi ko "Kaya sumugod mag isa ang babaeng yun. Napaka tigas ng ulo."
"B-bakit? Pigilan nyo si Cyriz, ayokong mapahamak na naman si Cyriz." Pakiusap ni Dad
"Hindi kona po siya macontact Dad," Sabi ko "Hindi ko narin mahanap ang location niya."
Napahilamus ng mukha sila Ryx at napatingin ako kay Rafa. Nakita kong kumuyom ang mga kamao niya kaya hindi ko maiwasan magtaka.
Biglang nag ring ang phone ko. Unknown number.
"Si Cyriz?" Si Rei
Umiling ako "Unknown number."
"Loudspeaker mo."
Nagulat ako sa utos ni Rafa. Ilang segundo ko sinagot ang tawag na yun at ni loudspeaker.
"It's Semi?"
Boses babae kami lahat kami ay nag focus na pakinggan ang nasa kabilang linya.
"Yes, and you are?"
"It's Melanie."
Napataas ako ng kilay kung sino ang babaeng ito.
"Nais ko lang malaman kung alam nyo ba na kung nasaan ang aking kababatang kapatid?"
Nagtaka ako "I don't know, what are you talking about."
Natigilan sa kabilang linya at nagsalita ulit itong Melanie.
"It was Cyriz. Cyriz Miravellia."
Nagulat kami. May kapatid si Cyriz?!
"May nakabanggit lang saakin na ikaw lang ang malapit sa kapatid ko. Maaari mo bang sabihin sa akin kung nasaan ang aking kapatid?"
Nagkatinginan kaming lahat.
"Hinahanap mo si Cyriz?"
"Oo. Alam mo ba kung nasaan ang kapatid ko?"
"Hindi. Pati kami ay hinahanap si Cyriz. Walang nakakaalam."
Walang nabanggit si Cy sa akin na may kapatid siya. Ang tanging alam ko lang ay only child lang talaga siya.
"Yun lang. Maraming salamat sa iyong pagsagot."
Sabay niya ako pinatayan.
"May kapatid pala si Cyriz?" Nagtatakang tanong ni Rei
"Hindi ko alam." Sabay ako napatingin kay Grey "Pinsan ka ni Cy, totoo bang may kapatid si Cy?"
Nagpakrus siya ng dalawang braso "Wala."
Nagulat kami
"Pinsan namin si Melanie."
"Kung ganon walang kapatid si Cy?"
"Wala nga," si Grey "Si Melanie yun, pinsan namin."
"Enough," si Ryx "We need to know kung nasaan si Cyriz ngayon. Kelangan nya tulong natin."
"Yes," si Grey "Kilala ko ang pinsan ko," saka tumingin siya sa akin "At kilalang kilala mo ang pinsan ko, Semi. Hindi lang siya babae, daig niya pa ang lalake."
"Anong ibig mong sabihin Grey?" Naguguluhan na tanong ni Rei
Hindi maialis ni Grey ang mga tingin sa akin. Alam ko. Kilala ko ang babaeng yun pero hindi lahat ng pagkatao niya ay alam ako.
"Hindi siya magdalawang isip na papatayin niya ay may gawa nito sa mag ama niya."
To be continued ....
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mystery / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia