CHAPTER 39 - THE TRUTH

745 20 0
                                    

SEMI'S POV.

"Anong nangyayare Semi?!"

Nag alalang tanong ni Rei sa akin dahil kinuha ng mga Miravellia si Cy. Humahagulgol sa iyak si Rio dahil nasaktan ang Mommy niya.

Nayakap ko ang anak ni Cy at si Rafa ay maraming pasa sa mukha. Lumaban ako pero katulad ni Rafa ang may sugat din ako. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi lumalaban si Cy!

"Semi! Tulungan natin si Cy!"

Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ni Rei at lalo na ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyare kay Cy.

Naalalayan agad nila Ryx ang pagkawalang malay ni Rafa kaya si Rio ay nawalan din ng malay.

Mabilis na tumakbo ang oras nang mahimbing na natutulog sila Rafa at Rio.

"Semi," nakikiusap na sabi ni Rei "Hanapin natin si Cy," humihikbi na sabi niya "Baka kung anong gawin ng pamilya ni Cy sa kaniya. Natatakot ako."

Hindi ako nagsalita dahil pati ako ay naghahanap ako ng paraan kung paano mabawi si Cy.

Tinawagan ni Rei si Grey at hindi Ito sumasagot.

"Letse! Sumagot ka naman Grey!"

Umalis ako sa kinauupuan ko dahil nakita kong gumalaw si Rio. Agad akong lumapit sa kaniya at napamulat siya ng mata.

"Tita, si Mommy."

"B-babalik si Mommy mo, babalik siya sa atin ng ligtas."

"Tita Semi, Sino po yung mga bad guy? Bakit nila sinaktan si Mommy?"

Nakagat ko ang labi ko "Kalimutan mo nalang ang nangyare , Rio. Pwede mo ba yun gawin sa akin?"

"Well," si Ryx "Nagugutom kaba? May cupcake sa ref, gusto mo bang kainin?"

Tumango si Rious"Opo Tito."

"Ako na bahala sa kaniya, Dad." Sabi ni Ace.

Tumingin sa akin si Ace at ngumiti ako sa kaniya. Inalayan ni Ace na lumabas si Rio hanggang sa wala na sila rito maliban kay Rafa na natutulog.

"Babe, kailangan natin gumalaw. Iba yung kutob ko sa mangyayare kay Cy."

"I know."

"Tinawagan ko si Kael na kailangan mahanap niya ang location ng mga Miravellia."

"Nag alala ako kay Cy," si Rei habang hindi parin tumitigil sa kakaiyak "Nag alala ako."

"Lahat tayo nag alala sa kaniya, Rei" Sabi ko "Tumigil kana dyan sa kakaiyak mo."

"Pero ..."

"Magtiwala tayo kay Cy. Magiging ligtas siya."


"HINDI nahanap ni Kael ang location ng mga Miravellia."

Napahilamus ako ng mukha. Napatingin ako kay Rafa na hindi mapakali sa pabalik balik na paglakad niya.

"Anong gagawin natin?" Si Rei

"May tinawagan si Kael na tutulong sa atin. Hindi parin sumusuko si Kael sa kakahanap."

"Daddddddy!!!!!"

Napatayo agad ako dahil sa malakas na boses ng anak kong si Aceia. Agad akong lumabas at sumunod naman sila Rafa.

Nagulat ako na makita ko na naman ang mga bodyguards ng Miravellia at hawak nila si Rio na umiiyak. Napatingin ako kay Ace na may dugo sa gilid ng labi. Halatang lumaban.

"Try to hurt my son!" Galit na sabi ni Rafa "I'm going to kill you!"

"Ipapaalam lang po namin na kukunin namin ang anak ni Master." Anang isang bantay

"Kung ganon, isama nyo ako!"

"Wala pong biling ang mga Miravellia na isama po kayo—"

"Mapipilitan kaming lumaban kung hindi nyo isama si Rafa!" Galit na sabi ko

Kailangan si Rafa ang mauna makarating roon para mabilis namin sila masundan.

"Ngunit—"

Nilabas ko ang baril ko at tinutok sa kanila.



CYRIZ'S POV.

Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko dahil sa ilang beses nila akong sinalabungan. Napatingin ako kay Lolo Dad na nakaupo.

"B-bakit hindi m-mo nalang ako patayin?"

"Sumasagot kapa. Wala kang modo, Isa kang taksil na Miravellia!" Galit na tinig niya

Ngumisi ako at nakitaan ko siya ng inis sa mukha niya "Puro ka taksil. Hindi ba't yun din naman ang gusto ninyo? Ang mawala ako sa landas ng pamilya natin?!"

Natigilan sila maliban kay Lolo Dad na hindi ko man lang nakitaan ng ibang reaksyon.

Napahawak ako sa tiyan ko. No please ... No ...

"Papahirapan ka muna bago ka mamatay!"

"Tsk." Pilit kong tumayo "Kaya ayokong bumalik dito ay dahil alam kong ipapakasal nyo ako sa demonyong lalakeng nayun!!"

Ngumisi siya "Noon yun, pero ngayon. Nais kong pahirapan ka hanggang sa mamatay ka sa sobrang sakit."

"Dad!!" Sigaw ng aking ina habang awat-awat nila Melanie at Grey "Pakiusap! Tama na! Hindi kaba naaawa sa apo mo?!"

"Pakiusap Lolo Dad," si Melanie na humihikbi nasa iyak "Tama na, sapat na ang parusa na binigay nyo kay Cyriz!"

"Isa siyang taksil! At mababalitaan ko nalang na may anak siyang hindi pa kinakasal?! Isa kang malandi!"

Sumikip ang dibdib ko dahil ngayon ko lang narinig ito kay Lolo Dad. Hindi napigilan ng mata kong lumuha sa sobrang sakit!

Napahawak ako sa tiyan ko "S-sana man lang. Bago nyo ako pinarusahan at pinahirapan ng ganito ay dapat humarap muna kayo sa mga hukom!"

Natigilan siya.

"Isang kabastusan ang ginawa ninyo. Sinaktan nyo ako ng walang pahintulot sa mga hukom!"

Natahimik siya. Napadura ko ang dugo sa bibig ko. Nanghihina ako.

Napahawak ako ulit sa tiyan ko dahil biglang sumakit. Napatingin ako kay Grey na sobrang nag alala sa kalagayan ko at ang nasa loob ng tiyan ko. Siya lang ang pinagsabihan ko nito.

"Patayin siya!"

Utos ng aking Lolo Dad at bago pa mangyare yun ay pinigilan sila ni Grey.

"Tama na!!!"

Sigaw ni Grey at nasa kaniya ang buong atensyon.

"Huwag nyong patayin si Cyriz."

"Bakit?! Gusto mo narin ba mamatay Grey?!" Galit na tanong ng aking Lolo Dad

Lumuhod si Grey sa kaniya na ikinagulat namin.

"Huwag nyo pong patayin ang nakakataas ng myembro ng pamilya natin, Lolo Dad .."

Napaluha si Grey at nanginginig ang mga labi niya sa pag iyak niya.

"H-hindi maaaring mawala ang nakakataas na Prinsesa ng Miravellia, Lolo Dad ..."

Napatingin si Grey sa akin at sa tiyan ko habang hawak-hawak ko ang tiyan ko.

"D-dahil buntis ang Mahal na Prinsesa."



To be continued ....

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now