HINDI ko alam kung mga ilang oras ako nasa loob ng kwarto ko. Hindi ko din maiwasan kabahan.
Bakit lagi nalang ako kinakabahan?! Kingina!
Nagulat ako na may biglang kumatok "Mommy, are you okay?"
Huminga muna ako ng malalim "Yes baby. I'm okay."
"Mommy uuwi napo si Tito. Hindi po ba kayo magpapaalam?"
Anong magpapaalam?! Kaano-ano ko ba ang hinayupak na lalake nayan?! Kingina!
"H-hindi na."
Hindi kona narinig nagsalita si Rio kaya napahiga nalang ako sa kama ko. Hindi ko alam kung mga ilang oras ako nakatulog. Bumangon ako at napatingin ako sa orasan kona magtatanghali pa lang.
Minutes lang pala. Ang dali ko lang natulog!
Lumabas na ako sa kwarto ko ngunit natigilan ako na makita kong kasama ni Rio.
Akala ko ba nakauwi na ang monggol na lalake na ito?! Bakit nandito payan?!
"Mommy dito po muna si Tito ha?" Pakiusap ng anak niya "Ayoko po siyang mawala sa tabi ko."
Napatingin ako kay Rafa at ngumisi lang ito bigla sa akin saka bumaling sa nilalaruan nila. Tumango lang ako ng mahina kani Rio saka pumunta ako sa kusina para uminom. Paglabas ko ay naglalaro parin silang dalawa. Napatitig ako sa kanila.
Sana kapag nalaman ni Rafa ang tungkol kay Rio. Sana huwag niya ito kunin sa akin. Mahalaga si Rio sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay lumalaban parin ako ...
"Mommy , can I ask po?" Tanong ni Rious sa akin na nasa tabi parin siya ni Rafa.
"Oo naman."
"Nasaan po ang Daddy ko?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong ni Rio. Hindi ko inaasahan na itatanong ulit ni Rious ito sa akin. Ang unang beses nang pagtanong ni Rious sa akin nung tatlong gulang pa lamang siya dahil hinahanap niya ito ang Mommy niya.
"Mommy, gusto ko napo makita ang Daddy ko. Gusto kona po siya makilala."
Tumayo si Rious at lumapit sa akin kaya lumuhod ako para magpantay ang paningin namin dalawa.
"Mommy ..."
Hinaplos ko pisngi niya at wala sa sariling napatingin ako kay Rafa na nakatingin sa amin.
"Uhm ... Baby. " nakagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa anak ko
"Nasaan po si Daddy?"
Huminga ako ng malalim para ikalma ko ang sarili ko dahil sa kaba "N-nandito sa P-pinas ang ... Daddy mo."
"Talaga po?! Nasaan po siya banda dito?! I want to meet him po Mommy!"
Ngumiti lang ako at niyakap ko siya. Hindi ko alam pero gusto kong umiyak dahil hindi ko pa nasasabi kay Rious ang tungkol sa ama niya. Hindi niya alam na kasama niya ng ama niya.
"M-maglaro na kayo ni T-tito mo."
Tumango siya agad at lumapit kay Rafa. Napansin kong nakatitig si Rafa sa akin ngunit agad akong umiwas at umalis sa kinatatayuan ko. Pumunta ako sa balcony at hindi ko napigilan tumulo nalang ang mga luha ko. Parang ulan ito sa sobrang bilis ng pagtulo.
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mystery / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia