MABILIS ko sinuntok ang mga mukha nila dahil sa sobrang galit at inis ko. Marami sila ngunit wala akong pakealam kung anak pa sila ng mayor o iba pang nakakataas na tao.
Habang pinagsasalubungan ko sila ay may biglang hahampas sa akin at buti nalang ay mabilis akong nakailag. Sinipa ko ang tiyan niya at mabilis na hinila ang kamay niya at binali ko iyon saka sabay na kinuha ko ang hawak niya at pinaghahampas sa kaniya at sa mga kasamaan niya.
Habol na habol ko ang hininga ko. Wala na akong ibang iniisip kundi ang nangyare sa mag ama ko. Dahil sa kanila ay muntik na mamatay ang mag ama ko.
Pumunta ako sa last floor dahil alam kong nandoon si Timothy at iba pang mga kasamaan niya. Hindi nga ako nagkamali. Nandoon nga sila na balak nilang tumakas.
"Tatakas ka?" Mahinahon na tanong ko kay Timothy sabay nginisian
Kita ko ang takot , kaba at pag alala sa mukha niya ngunit wala akong pakealam!
Napatingin ako sa katabi niya.
"Mr. Pier the most fucking weak in the world."
Gumuhit ang galit sa mukha ng lalakeng ito "I-i'm not a weak!"
"Tsk. Akala nyo makakatakas nalang kayo mag Tito ha?"
Sasalabungin kona dapat sila na biglang sumugod ang apat na bantay nila. Bawat salubung nila ay mabilis akong nakakailag.
Bago pa nila akong panibagong salubungin ay inunahan kona sila. Mabilis ko sinipa ang mga mukha nila. Mabilis na tumakbo ang minuto nang matumba ko silang apat.
Hinanap ng mata ko sila Timothy ngunit nawala. Kaya agad akong bumaba para habulin sila ngunit nang makita nila akong sumusunod sa kanila ay pinutukan nila ako ng baril. Agad akong nakailag.
Tumakbo sila ng tumakbo hanggang sa habulin ko sila. Nahawak ko ang braso ng Tito niya kaya agad ko siya hinila at sinuntok sa mukha.
"Tito!"
Sigaw ni Timothy ngunit hindi ko pinansin. Kinuha ko ang kutsilyo ko at dinaplisan ang leeg nya. Halos maiyak si Timothy sa kakasigaw.
Bigla akong nasipa ng Tito niya at pinagsalabungan ako. Nakailag ako sa mga suntok niya kaya bago pa siya humakbang ay inunahan kona siya.
Mabilis ko kinuha ang baril ko at tinutok sa kaniya. Tinutukan ako ni Timothy.
"Subukan mo siyang barilin kung ayaw mong mabaril!" Banta ni Timothy ngunit nginisian ko lang siya.
"Hindi ba't sinabi kona sayo Timothy. Kahit saan man kayo magpunta ay mahahanap at mahahanap ko kayong dalawa. Naalala mo yun sinabi ko kanina? Hindi ako magdalawang isip na patayin ka at hindi lang ikaw." Matalim ko siyang tinignan "Isasali kona ang Tito mo dahil plinano nyo dalawa na gusto nyong patayin ang mag ama ko!"
*BANG!!!
"Tito!!!!"
Binaril ko ang ulo ng Tito niya at ipuputok na sana ni Timothy ang baril ng sipain ko iyon sa mukha niya. Agad na lumaban si Timothy sa akin kaya hindi ako nagdalawang isip na salubungin siya.
Habang lumalaban kami ni Timothy ay napamura ako ng masaksak niya ako ng kutsilyo.
"Damn." Bulong ko
Napahawak ako sa tiyan ko ng dumudugo. Sobrang sakit ngunit mas pinili kong hindi pansinin iyon.
Itutok kona sana ang baril kay Timothy nang maagaw niya iyon sa akin. Tinutok niya sa akin ang baril habang puno ng galit ang mga mata niya!
"Pinatay mo ang Tito ko. Siya lang ang nag iisang ama na nagpalaki sa akin!"
"Bakit mo ginawang saktan sila Rafa? Hindi kita maintindihan Timothy. Itinuring kitang totoong kaibigan pero hindi ko akalain na kaya mo akong traydurin!
"Alam mo kung bakit ko ginawang saktan si Rafa?" Biglang tumulo ang mga luha niya "Dahil gusto kita!"
Natigilan ako.
"Gusto kita Cyriz! Pero bakit Kay Rafa ka nahulog?! Bakit kay Rafa pa?! Since 10 years magkakilala na tayo! Pero bakit kay Rafa parin?!"
"N-nababaliw kana Timothy."
"Oo! Sana namatay nalang si Rafa!!!"
Bigla akong nainis sa sinabi niya!
"Dahil pinatay mo ang Tito ko! Pwes ako ang papatay sayo at isusunod ko ang mag ama mo!!"
Parang nag slow motion ang nasa palagid ko habang kinakasa ni Timothy ang baril.
*BAAAAANG!!!!
Nagulat ako ng may nagpalipad ng baril. Natamaan si Timothy sa tagiliran at hinanap ng mata ko ang putok na iyon. Nasa gate ito habang may hawak na baril. Hindi ko makita ang mukha dahil sa madilim. Nang papalapit ng papalapit siya ay hindi ko maiwasan magulat na makita kung sino ang lalakeng ito!
Nakita nang gilid ng mata kong bubunot ng baril si Timothy kaya agad kong kinuha ang baril sa sahig. Bago pa iputok ni Timothy ang baril sa lalakeng iyon ay inunahan kona siya!
*BAAAAANG!!!!
"C-cy ... Riz ..."
Kinuwelyuhan ko siya "Dahil sayo ay muntik nyo na mapatay ang mag ama ko. Kaya tulad ng sinabi ko. Hindi ako magdalawang isip na patayin ka."
Saka sinipa ko siya at doon ay napapikit siya.
"Bumabalik ka sa pagiging rebelde mo, Cyriz."
Napalingon ako sa lalakeng Ito "Paano mo ako kilala? Paano mo nalaman na kung sino ako?!"
"Huminahon ka, my love."
To be continued ....
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Tajemnica / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia