KANINA pa ako ng libot nang libot pero hindi mahagip ng mga mata ko sila Rafa. Sabi ng security sa school ni Rio ay hindi pa nakarating ang mag ama ko. Pumunta rin ako sa kompanya ni Rafa pero sabi ng guard ay hindi pa nakarating si Rafa.
Halos mabaliw ako sa kakahanap sa mag ama ko. Takot at kaba ang nararamdaman ko. Nanghihina ako. Sobra.
Biglang nag ring ang phone ko. It's semi.
"Cy, nasaan ka?"
"Bakit?"
"N-na ospital ang mag ama mo"
Napatigil ko ang sasakyan dahil sa narinig ko. Mas lalo akong nanghina. Panaginip lang ito, panaginip lang.
"P-parehas walang malay ang mag ama mo Cy, pumunta ka dito—"
Pinatay ko ang tawag at mabilis ko pinatakbo ang kotse ko. Hindi ko narin napigilan na mapaluha sa sobrang pag alala. Takot at kaba.
Pagdating ko ay hinanap ko si Semi. Nang mahanap ko siya ay hindi lang si Semi ang nandoon. Nandoon ang mga Alerajos maliban sa Chairman nila na wala.
"Semi."
Tumayo si Semi at niyakap niya ako.
"S-semi si Rio, Semi. Ang a-anak ko. Kamusta na siya? Si Rafa?"
Hinarap ako ni Semi at kita kong kakatapos pa lang niya umiyak.
"May bumangga sa kanila, Cy. Dalawang van na mga lalake. T-tapos ..."
Kinabahan ako "T-tapos ano?"
"B-binaril nila si Rafa, Cy."
Parang tinutusok ng karayom ang puso ko dahil sa narinig ko.
"Si Rio ay delikado ang ulo niya dahil tinamaan nila ang anak mo ng bakal."
Bumuhos ang mga luha ko.
"Binugbug ng mga lalake si Rafa, Cy. Binaril at sinaksak ng kutsilyo."
Nakita kong kumuyom ang mga kamao ni Semi
"Impossibleng alam na nang pamilya mo ang tungkol dito, Cy." Bulong niya na kami lang ang makakarinig "Kapag nalaman kong may kinalaman ang pamilya mo dito." Tinignan niya ako sa mata "Patawarin mo ako kapag may pinatay ako sa myembro ng pamilya mo."
Hindi ako natakot o kinabahan sa sinabi ni Semi. Talagang wala pang alam si Semi.
"Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko, Cyriz?"
Napatingin ako sa Ina ni Rafa. Namumugto ang mga mata niya pati ang Daddy ni Rafa.
Tumango ako.
Lumapit sa akin ang Ina ni Rafa at walang sabing niyakap ako ng mahigpit.
"Dito kalang iha. Huwag mong iwan ang anak ko lalo na ang apo ko."
Nagulat ako sa huling sinabi niya. Hinarap niya ako.
"Alam ko ang tungkol sa anak mo, iha. Sinabi nila Semi at Ryx tungkol dito pero si Rafa pa lang ang hindi."
Natigilan ako.
"Hinihintay ka namin na ikaw mismo ang magsabi sa panganay namin, iha" anang ama ni Rafa "Sana huwag mo nang ilayo si Cyrio sa amin lalo na kay Rafa. Hindi kayang gawin ni Rafa na kunin ang anak ninyo."
Hindi ko alam kung bakit gumaan Ang loob ko sa sinabi ng mag asawang ito.
Ilang oras namin hinintay lumabas ang dalawang doctor. Si Ryx at si Dr. Faye. Habang nag hihintay kami ay nag ring ang phone ko. Biglang kumulo ang dugo ko!
Tumayo ako at lumayo kela Semi saka sinagot ko ang tawag.
"Mapapatay kita kapag—"
"Hey my love, chill okay? Magpasalamat ka nalang dahil iniligtas ko ang mag ama mo kanina."
Natigilan ako.
"Nabaril si Rafa at babarilin nila ulit si Rafa. Kung hindi siguro ako Dumating ay patay na ang mag ama mo, tsh!"
"Anong gusto mong gawin ko ha?!"
"Relax. Huwag mong sabihin na patayin mo si Timothy. Papatay ka ulit?"
Napapikit ako "Hindi lang si Timothy ang gusto kong patayin pati ikaw, gustong gusto kitang patayin!"
"Sinasabi kona nga ba, papatay ka ulit. Huwag muna ibalik ang pagiging masamang tao mo noon, Mahal na Miravellia."
Pinatayan kona siya ng tawag. Paglingon ko ay nagulat ako na makita ko si Semi na nakatingin sa akin.
"K-kanina kapa?"
"Sino yun kausap mo? Yan ba yun bumaril kay Rafa at nanakit sa pamangkin ko?" Seryosong tanong niya ngunit may halong galit.
Sinabi ko sa kaniya ang buong detalye. Lahat ng mga nalalaman ko. Lahat ng nangyayare. Lahat lahat.
Napasabunot si Semi at galit na galit ang mga mata niya "Timothy. Traydor. Nasaan ang demonyong yun?!"
"Malamang nagtatago na." Huminga ako ng malalim. "Makakapatay ako ng tao. Gusto kong pumatay ng tao."
Natigilan si Semi "Cy. Babalik ka na naman ba sa pagiging rebelde mo?"
"Bakit hindi? Sinaktan niya ang mag ama ko, ano sa tingin niya ang gagawin ko? Semi, gustong gusto kong pumatay. " Pagdidiin ko sa mga salita dahil sa galit ko!
"Pero Cy—"
Napatingin kami pareho ni Semi sa pinto kung saan nandoon sila Rafa at Rio. Agad kaming lumapit ni Semi nang lumabas sila Ryx at Dr. Faye.
Tumingin si Ryx sa akin at mugto-mugto ang mga mata niya.
Kinabahan ako.
"Ryx, kamusta ang mag ama ko?"
"Ryx, how's your brother?" Anang ginang
Hindi nagsalita si Ryx at biglang bumuhos ang mga luha niya.
"Ryx." Kinakabahan na tawag ni Semi "Ryx, kamusta sila?"
"S-sobrang lala nang nangyare k-kay Kuya ..."
Nanghina ako.
"H-hindi ko alam ... Hindi namin alam kung aabot pa si k-kuya bukas."
Bumuhos ang mga luha namin. Napaupo ako sa panghihina. Mali itong naririnig ko! Mali!
"N-nagkamalay si K-kuya kanina at .... Ikaw Cyriz ang hinahanap niya" napaangat ako ng tingin "Kayo ng anak ninyo."
"S-si Rio, kamusta ang anak ko?"
To be continued ....
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mistério / SuspenseCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia