CHAPTER 29

556 23 0
                                    

HINDI ako mapakali sa kinauupuan ko habang hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng lalake na iyon. Lalo na si Timothy.

Almost years magkakilala kami ni Timothy. Kahit kailan ay hindi ko siya pinag hihinalaan na traydor sa tabi ko. Halata sa mukha ni Timothy na napaka inosente niya.

Nag vibrant ang phone ko.

You can call me, Rist.

Napapikit ako. Bakit Rist? Doon sa pag text niya kay Rafa ay siya si Mr. Blyrist, tas kay Rio ay si Bloody?! Bwesit!

Biglang bumukas ang pinto ang bumungad sa akin ang napaka inosente niyang mukha.

"Pinapatawag nyo daw po ako , Manager?"

Tumango ako kay Timothy "You may sit down."

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Tinignan ko siya sa mata at hindi ko maiwasan itago ang pagtataka ko kung bakit nilabanan niya ang mga tingin ko.

"Saan ka galing nung may nangyare dito sa Barb na binaril si Rafa?"

Nakitaan kong nagulat siya sa sinabi ko. Napalunok din siya ng palihim.

"P-pumunta po ako sa Pills , Manager."

"Bakit hindi mo pinaalam sa akin na pumunta ka doon?"

Napalunok siya ulit at napaka inosente parin ng mukha niya.

"I'm sorry , Manager kung hindi po ako nagpaalam. Kung alam ko lang na may nangyare dito Manager, edi sana hindi nalang ako tumuloy sa Pills."

"Anong kinuha mo sa Pills?"

Ilang segundo sya nagsalita at kumuyom ang kaliwang kamay ko sa ibabaw ng lamesa habang ang isang kamay ko ay may hawak na ballpen habang nilalaro ko ito.

"K-kinuha ko lang po ang mga gamit ko r-roon Manager."

"Hindi ka naman doon naktira diba? Bakit nandoon ang mga gamit mo?"

"M-manager ..." Napalunok siya "Dumating po kase ang Tito ko, may pasalubong po siya sa akin na mga gamit kaya kinuha ko po sa kaniya doon sa Pills."

Tinignan ko siya sa mata at biglang naiilang siya sa mga tingin ko.

"Pwede ka nang umalis."

Tumango siya at lumabas nasa opisina ko. Kinuha ko ang laptop ko at hinack ko ang email ni Timothy. Alam kong mali itong ginagawa ko pero kailangan ko itong gawin.


"MANAGER, MAY PUPUNTAHAN KA PO?" Tanong ni Wilma.

Tumango ako "Tapos narin trabaho natin. Mag iingat kayo sa pag uwi ninyo."

"Yes po Manager."

Sabay nilang sabi at sumakay ako sa kotse ko. Habang nagmamaneho ako ay nahagip ng mata ko si Timothy. Nagulat pa ako na makita ko ang motor niya.

Kingina.

Habang pinagmamasdan ko si Timothy habang may kausap na mga lalake ay nag ring ang phone ko.

"Baby."

"Hm?"

"I'm tired. Pwede kabang pumunta dito sa kompanya ko?  I missed you so much."

Ramdam ko ang pagod ni Rafa. Alam kong pagod ito sa trabaho niya.

"Please baby ..."

"Boss, stop drinking!"

Natigilan ako dahil sa boses sa kabilang linya.

"Shhh! Shut up!"

"Umiinom ka?" Tanong ko

"N-no. Oo Hindi."

Pinatayan ko siya ng tawag at napatingin ako kay Timothy na may kausap parin.

Mabilis ko pinatakbo ang kotse ko papunta sa kompanya ni Rafa.

May panahon karin sakin Timothy.

Pagdating ko sa kompanya ni Rafa ay pumasok ako. Bigla ko narinig ang bulungan ng mga client dito.

"Siya ba yun asawa ni boss?"

"May anak na sila diba? Impossible."

"Hindi sexy, mas sexy si Ma'am Eyah sa kaniya at mas maganda."

"Gaga. Maldita nga naman si Ma'am Eyah. Atsaka ang angas ng suot niya oh."

"Hindi sila bagay ni boss."

"True, Hindi talaga. Mas bagay si boss kay Ma'am Eyah."

Hindi kona pinansin ang mga bulung-bulungan nila. Alam ko kung saan opisina ni Rafa dahil sinabi niya ito sa akin.

Pagdating ko sa opisina niya ay hindi na ako kumatok. Binuksan ko nalang yun agad at laking gulat ko na bumungad sa akin si Eyah, Rafa at isang lalake. Ngunit hindi ko pinahalata na nagulat ako.

"Ma'am Eyah, kanina ka pa po hinahanap ni boss."

"Ako na maghahatid sa kaniya sa Mansion niya. Pwede ka nang umalis."

Tumango ang lalake at natigilan siya na makita ako.

"Sino po kayo?"

Napatingin si Eyah sa akin at napaangat ng tingin si Rafa. Nakita ko ah mga ngiti niya kahit lasing na lasing na siya. Bakit ba uminom ang gagong ito?!

"It's Cyriz." Sabi ni Eyah saka ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko sinuklian.

Nagulat ang lalake "C-Cyriz Miravellia po?"

Tumango si Eyah.

"B-baby ..."

Nagulat silang dalawa nang tawagin ako ni Rafa. Tumayo si Rafa at nilapitan ako saka hinalikan niya ako sa harapan nila.

"Bwesit. Ang baho mo."

"Akala ko hindi kana darating."

"Umuwi na tayo, lasing kana."

Tumango siya at napatingin ako sa lalake na gulat na gulat at laglag ang panga. Napatingin naman ako kay Eyah na gumuhit sa kaniya ang gulat.

Inalayan ko si Rafa makababa. Ayon na  nman ang bulungan nila ngunit hindi ko pinansin yun.


KINAUMAGAHAN ay nag ring ang phone ko. Ang demonyo na naman.

"Are you ready to go to the America?"

Napapikit ako "Don't talk to me."

Tumawa siya "Break him, Cyriz. Break him"

Ngumisi ako "Mukha ba akong aso para utusan mong makipag hiwalay ako kay Rafa, hm?"

"Gusto mo bang mawala na si Rafa?"

"Sa tingin mo papayag nalang ba ako na patayin mo si Rafa?" Balik na tanong ko sa kaniya

"Huwag mong sabihin susuwayin mo ang kautusan ko. Nangako ka."

"Nangako ba ako?" Mas lalo pa ako napangisi "Gagawin ko ba talaga? Tsk."

Pinatay ko ang tawag at agad akong lumabas sa kwarto namin ni Rafa ay mabilis akong bumaba para mahabol sila Rafa at Rio sa labas!

"Rafa! Rious!"

Ngunit walang sumasagot. Lumabas ako at kumalabog ang kaba at takot sa kalooban kona wala na dito ang kotse ni Rafa.

Tinawagan ko ang numero ni Semi.

"Oh?"

"Protect your husband , Semi. Now!"

Pinatayan ko siya ng tawag at sumakay agad ako sa kotse ko. Nag vibrant ang phone ko at kinuha ko iyon. Sunod-sunod ang kaba at takot ang nararamdaman ko dahil sa banta ng demonyong lalake na ito! Nag ring ang phone ko at sinagot ko!

"Baka huling hininga nalang nila ngayon, Cyriz."

"Kilalanin mo binabangga mo. Dahil kung ang inakala mong hindi ko malalaman kung sino ka, nagkakamali ka!" Inis na sabi ko "Kapag may nangyareng masama sa mag ama ko,,," kalmadong sabi ko saka ngumisi ako "Hindi ako magdalawang isip na patayin ka, Timothy."

To be continued ....

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now