CHAPTER 23

598 24 0
                                    

DALAWANG araw nang nakalipas nang hindi kami nag uusap ni Rio. Laging kasama nya si Rafa at hindi ko naman mapipigilsn ulit si Rio dahil gustong gusto niya sa school na iyon. Laging si Rafa ang naghahatid at sundo sa kaniya. Ngayon na nalaman ni Rafa ito ay alam kong mag do-double pa ang mga security na dagdagan niya at hindi nga ako nagkamali. Dahil kahapon nang pumunta ako sa school nila Rio ay may mga bodyguards at security na. Nandoon narin si Rafa para kausapin ang mga security at bodyguards.

Hindi ko parin alam kung sino ang Bloody na iyon. Narinig kona ang pangalan na iyon ngunit hindi ko alam kung saan. Napahilamus ako ng mukha dahil sa numero na iyon. Kahit anong pag hack ko sa numero na iyon at sa mga CCTV sa school na iyon ay hindi ko makita gaano ang mukha ng lalakeng iyon!

Kingina!!!!!

"Mommy."

Kinaumagahan nang tumsbi si Rio sa akin. Bigla siyang may inabot na isang box at naglalaman ng cupcake.

"Mommy. I'm sorry po. Promise po Mommy. Hindi kona po uulitin ang ginawa ko. I'm so sorry po, Mommy."

Tumulo ang mga luha niya habang nasa sofa si Rafa na nakatingin sa amin.

Ngumiti ako at pinahid ko ang mga luha niya saka tinanggap ko ang cupcake na hawak niya at inilapag ko iyon sa lamesa.

"Its okay."

"Mommy, are you still mad?"

Umiling ako "Worried lang ako, Rio. Alam mong mahal ka ni Mommy, diba? Ayokong may mangyare sayo lalo na kapag hindi mo kilala."

"I'm sorry Mommy."

"I'm sorry too." Niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik. Sobrang higpit. "promise me, okay?"

"Yes Mommy." Hinalikan niya ako sa pisngi saka ngumiti siya "Hindi kona po uulitin. Promise po!"

Ngumiti ako.

"Kainin nyo po ang cupcake nayan Mommy ha! Nagbake po kami ni Daddy para dyan!"

Natigilan ako ngunit agad din ako nakarecover.

"Masarap po yan Mommy!"

"Thank you."

Ngumiti si Rio at biglang nagsalita si Rafa.

"Hindi na galit si Mommy mo. So, where's my kiss, kiddo? Nagseselos ako."

Tumawa si Rio dahil sa parang bata na tinig ni Rafa. Tumakbo siya at lumapit kay Rafa at hinalikan niya ito sa pisngi saka niyskap niya.

"Good." Saka ginulo ni Rafa ang buhok ni Rio "You okay?"

"Yes Daddy! I'm so happy po!"

Ngumiti si Rafa saka tumingin siya sa akin "Baby."

Andoon na naman ang mga gyera sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko! Bakit kailangan tawagin niya ako ng ganito?!

"Yiiiieeee!"

Biglang kinilig si Rio at tumawa siya.

"Daddy! Hugs my Mommy! Please! Please!"

Nagulat ako at ngumisi bigla si Rafa nang makita niyang nagulat ako.

"Go ahead Daddy! I want you to hug my Mommy! Please Daddy! Please!"

"My pleasure."

Nagulat pa ako lalo nang tumayo si Rafa at nilapitan ako. Ngumisi pa siya lalo at walang sabing hinila ako at niyakap ng mahigpit.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala si Rio." Panimula niya habang hinihigpitan ang yakap sa akin kulang nalang ay patayin ako ni Rafa sa sobrang bilis ng takbo ng puso ko "I'm so happy. Not for hugging you. I'm happy because Rio's call me Daddy and you are his Mom. My Queen."

Napalunok ako at hinarap ako ni Rafa at napatingin siya sa mga mata ko. Kitang kita ko ang buong pagmamahal ng mga tingin ni Rafa sa akin.

"I'll wait for you. Hihintayin ko ang oo mo. Ang oo mona magpapa pasaya sa buhay ko. Ang mga matatamis mong oo. I want to hear from you, you love me too."

Lumalim ang hininga ko ng ilapit ni Rafa ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang mga labi niya. Ang mga malalambot niyang mga labi.

"I love you until the end." Aniya saka bumaling si Rafa kay Rio "So ..."

Ngumiti si Rio at lumapit sa amin dalawa ni Rafa. "Mommy, kailan nyo po sasagutin si Daddy?" Natigilan ako "Daddy loves you so much po."

"Kiddo," si Rafa at lumuhod "Kaya ko naman hintayin si Mommy mo kahit ilang taon pa yan."

"That's my Daddy!"

Ngumiti si Rafa at ginulo niya ang buhok ni Rio.

"Can I favor po, Daddy, Mommy?"

"Sure. What is it?" Sabi ni Rafa.

"I want a new baby. A baby girl."





TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now