CHAPTER 38

670 22 0
                                    


RAFA'S POV.

"Isa akong mamatay tao Rafa."

Hinintay ko pa ang susunod niyang sasabihin. Ramdam ko ang takot at kaba ng nararamdaman niya.

"Dati akong myembro ng sindikato, Rafa."

Natigilan ako ngunit ayoko parin mag comment sa sinabi niya. Gusto ko siyang patapusin.

"Pero hindi porket myembro ako ng sindikato ay katulad na ako ng karamihan na nag bebenta ng drugs o kahit ano pa."

Napalunok siya.

"Oo sindikato ako noon, ang nakakataas na sindikato." Natigilan ako lalo "Pumapatay ako ng tao dahil kumikidnap sila ng mga dalaga , bata o mapatanda man. Galit na galit ako sa mga masasamang sindikato dahil napaka walang puso nila na pumatay ng mga inosenteng tao."

I knew it! Hindi ka masamang tao.

"P-pero ... Nakapatay ako ng inosente ..."

Biglang nanginig ang mga kamay niya dahil sa kaba.

"Hindi ko sinasadya na napatay ko sya. Akala ko siya yung hinahanap kona master mind ng mga masasamang sindikato pero ... hindi. Ang napatay ko ay napaka inosente na katulad ko rin na pumapatay rin sila ng masasamang sindikato."

Mas lalo siyang yumuko. "I-i'm a monster, Rafa. Mas masahol pa ako sa demonyo kung pumatay. Masama akong tao.

"Hindi mo yun sinasadya. Hindi ka masamang tao , Riz. Hindi. Tanggap kita kahit ganyan ka. Nakaraan nayun Riz, past is past , okay?"

"Pero ..."

"Tsh. Eh yung batas?"

Ilang segundo siya nagsalita "K-kapag nagtaksil ka sa iyong pamilya ay mapaparusahan ka ng paghihirap o ikukulong sa kulungan."

Napaangat siya ng tingin at deretso tumingin sa akin.

"Binigay ko iyon na batas at ang panghuli ay bawal kang m-mabuntis hanggang w-wala kapang a-asawa."

Natigilan ako. Naaalala ko yun sinasabi ng Daddy niya kanina.

"K-kapag sinuway iyon ay ..." Tumingin siya sa mata ko "Isang kamatayan ang matatanggap niyang kaparusahan."

Kumalabog ang kaba, takot at pagalala ko kay Riz. What the heck?!

"Kamatayan?"

Tumango siya "Yes. Isang kamatayan at walang impossible na mamatay ako Rafa."

Umiling ako "N-no! No! Please! Hindi mangyayare yun. I want to be with you until the end , Riz!"

"Sinuway ko ang batas namin Rafa. Ako ang unang sumuway ng batas nayun Rafa, ako. Ako."

"P-pwede naman palitan mo yun diba? Dahil ikaw din naman ang nagbigay ng batas nayan."

Umiling siya na mas lalong ikinakaba ko "Hindi Rafa. Hindi kona mababago yun dahil naka pirma na ako na hindi na pwedeng palitan pa habang buhay."

Umiling ako at niyakap ko siya mg mahigpit.

"No. No. Please no."

"Alagaan mo ang anak natin, Rafa."

Napailing ako at hindi ko napigilan maluha. Naramdaman ko ang paghikbi niya sa balikat ko.

"A-ayokong maging tulad ako n-ni Rio, Rafa. G-gusto kong tahimik na nabubuhay ang anak ko. Ang anak natin."

"D-don't say that, baby. Don't. Magtatagal kapa sa tabi ko, hindi. Palalakarin kita sa altar papakasalan pa kita."

"Hindi na tayo aabot nun, Rafa. Ang mahalaga," humarap siya sa akin "Minahal natin ang isa't isa."

Umiling ako "No... No .."

"I love you. I love you so much hun."

Nakagat niya ang mga labi niya at napahikbi kami pareho.

"I love you." Pinagsalubung ko ang noo namin dalawa "I love you. Ayokong mawala ka, ayokong mawalan ng Ina ang anak natin."



GREY'S POV.

"What's wrong?" Tanong ko kay Rafa dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya.

"Kanina kapa tulala, Kuya."

"Si Riz." Aniya "Ayokong mawala siya."

"Dude," si Kael "Pinagsasabi mo? Of course hindi ka naman iiwan ni Cy ah!"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin Kael." Saka tinignan niya si Kael "Mapaparusahan si Riz dahil sa akin."

Natigilan kami.

"Hindi kita naiintindihan, ano kamo? Parusa?" Hindi makapaniwalng tanong ni Kael

Sinabi na kaya ni Cy kung sino siya?

"Kasalanan ko kung bakit nabuntis ko si Riz. It's my fault."

"Hey! Anong fault fault ka dyan?! Wala naman masama na mabuntis mo si Cy ah!"

"Sa kanila meron."

Natigilan sila Ryx at Kael.

"Yes." Sabi ko nang maagaw ko atensyon nila "Hindi nyo pa nakikilala si Cy. Pero may batas ang mga Miravellia."

"Miravellia kadin, diba?" Tanong ni Ryx

Tumango ako "Si Mom ang Miravellia sa amin. Atsaka, may tiwala ako kay Cy, Rafa. Hindi niya ipapahamak ang sarili niya dahil lang sa parusa nayun."

"What do you mean?"

Uminom ako saka tinignan siya ng seryoso.

"May pagkakataon na mabago ang binigay niyang parusa at may pagkakataon na hindi na pwedeng palitan kung gagawin niya ang importante na iutos sa kaniya."

"Utos?" Naguguluhan na tanong niya "Anong utos?"

"Kailangan mapaamo niya ang mga mababangis na hayop."

To be continued ....

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now