"YEHEEEY!! I have a Daddy na po!!!"
Hiyaw ni Rio nang malaman niyang kami na ni Rafa. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon kay Rafa.
"I'm so happy. All of you." Sabi ni Ryx sa amin ni Rafa.
"Thank you , dude." Nakangiting tugon ni Rafa habang hawak-hawak ni Rafa ang kamay ko.
Kumuha ako ng tubig para ikalma ko ang sarili ko. Mali itong ginagawa ko. Ikakapahamak ni Rafa ito kapag nalaman ng mga Miravellia ang tungkol sa amin ni Rafa.
I love him? Or not?
"Kailan ang kasal?"
Muntik kona maidura ang tubig sa bunganga ko dahil sa tanong ni Ryx sa amin ni Rafa. Hindi ko inaasahan ang tanong nayun! Bwesit!
Agad kumuha ng panyo si Rafa at pinahid niya ang tubig sa gilid ng labi ko ngunit agad ko kinuha ang panyo nayun.
"A-ako na."
"No."
Hindi na ako pumalag at hinayaan kona si Rafa na ang gumawa. Biglang nagtama ang mata namin ni Semi. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Hindi ito nakangiti na katulad ni Ryx at Rio. Walang kareaksyon ang mukha niya habang nagkakrus ang dalawang braso niya. Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin.
"Are you okay?" Tanong ni Rafa
Tumango ako "Hmm."
Tumango siya at bumaling siya kay Ryx "Soon, I guess."
Soon?! Halos hindi ko maigalaw ang mga tuhod ko dahil sa gulat!
"Oh. I'm your best man kuya."
"Yes, of course."
Biglang tumayo si Semi "Sa labas muna ako."
"Wait! Bakit?" Pigil ni Ryx sa kaniya
"Anong bakit?!" Inis na sabi niya kay Ryx "Masama ang pakeramdam ko. Malamang! Dito kana!"
Hindi na nakapag salita si Ryx nang talikuran siya ni Semi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Sumunod akong tumayo at pinigilan ako ni Rafa.
"Susundan ko lang si Semi."
Tumango sila pareho saka lumabas ako.
"Semi!" Tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang papasok siya sa kotse.
Lumingon siya sa akin na walang kareaksyon ang mukha niya.
"Bakit kailangan mo gawin ito kay Rafa?" Biglang tanong niya na ikinatigil ko "Alam mong masasaktan si Rafa kapag nalaman niyang ginawa mo lang ito para kay Rio!" Inis na sabi niya
"Semi—"
"Akala ko ba ayaw mong malaman niya ang tungkol kay Rio?! Tss! Alam mong mapapahamak si Rafa dito dahil sa mga Miravellia! Mahal ka ni Rafa, Cyriz!"
"Semi—"
"Kaya naman maghintay ni Rafa na sagutin mo siya! Pero huwag yung ganito Cyriz—"
"Semi—"
"—Mahal ka ni Rafa! Mahal na mahal! Alam kong hindi mo pa mahal si Rafa! O talagang sinagot mo lang si Rafa para kay Rio! Tangina!"
"Semi pagsali—"
"Alam ko hindi ka manhid! At kapag nalaman ni Rafa na hindi mo talaga siya mahal! Masasaktan si Rafa! Masasaktan siya! Umaasa siyang mahalin mo siya pabalik pero ito yung makukuha niya sayo?!" Sarcastic na tanong niya "Ang saktan mo siya para lang ano?! Para iparamdam sa mga lalake na saktan mo din sila! Katulad ng ginawa ni Kalix sayo?! Ha?!"
Natigilan ako "Semi—"
"Nakakagulat ka naman Cyriz! Kapatid ni Ryx yun! Kapatid niya! Madaling masaktan yun! Lahat ng sakit ng maramdaman niya ay inililihim niya sa amin lahat! Dinadaan niya sa tawa kahit alam namin nasasaktan si Rafa!"
"Pwede bang makinig ka muna sa akin ngayon Semi?!" Inis na sabi ko "Padalos dalos ka ng sinasabi na hindi mo pa naririnig ang side ko!"
Natigilan siya ngunit agad din siyang natigilan. Nagpakrus siya ng dalawang braso at umiwas ng tingin sa akin.
"Go."
Huminga ako ng malalim "Deretsahin na kita , Semi."
Hindi parin siya tumitingin sa akin
"Mahal kona si Rafa."
TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mystery / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia