NAPAMULAT ako ng mata dahil sa maramdaman kong may gumising sa akin.
"Anak."
Napalingon ako sa pamilyar na tinig na iyon. Nakita kong mugtong mugto ang mga mata ng aking ina.
"Maayos lang ba ang iyong pakeramdam? Ang iyong kinasapupunan? Maayos lang ba?"
Bumangon ako at inalayan niya ako. Nilibot ko ang paningin ko at nasa sariling kwarto ako ng Palasyo namin.
"Anak."
"Ayos lang ako." Walang emosyon na sabi ko "Anong ginagawa nyo dito?"
"Nandito ako para alagaan ka." Hinaplos niya ang buhok ko "Gusto kong bumawi saiyo anak. Ilang taon kang nawala sa tabi ko, ayoko pang mawala ka na naman ulit sa tabi ko."
"Kailangan kong umalis sa impyernong Palasyong ito."
Natigilan siya saka umiling siya "Dito kalang. Hindi ka makakalabas dahil biniling ng iyong Lolo Dad na hindi kana pwede pang lumabas lalo na't may bantay sa labas ng iyong silid."
Napapikit ako "Hindi ko nalang basta't basta nalang iiwan si Rious, Mom."
"Alam ko. Inutos ng iyong Lolo Dad na dalhin si Rious dito sa Palasyo."
Natigilan ako "Inutos ng aking Lolo Dad?"
Tumango siya "Oo, nais niyang makilala ang iyong anak." Aniya "Atsaka, darating mamayang gabi ang mga hukom dahil nalaman nilang nandito ka."
Kumuyom ang mga kamao ko
"Natatakot ako anak, natatakot ako na baka mapano ang sanggol na dinadala mo."
"Hindi muna dapat pinoproblema iyon Mom, dahil habang may sarili akong pamilya hindi sila maaaring saktan ng mga tao rito."
Ngumiti siya "Napakabuti mong ina at mas lalo nasa iyong magiging asawa."
Bigla ko naalala si Rafa!
"Mom," humarap ako sa kaniya "Si Rafa? May balita kana ba sa kalagayan niya?"
Tumayo si Mom "Sa ngayon ay wala pa. Lumabas si Grey para kamustahin si Rafa. Huwag ka mag alala, tutulungan ka namin nila Grey na hindi matuloy ang kaparusahan na dumadating saiyo."
Natahimik ako.
"Hindi ka maaaring mawala dito sa Imperial American , Cyriz. Dahil kailangan ka ng bansang ito lalo na't alam ng lahat na nandito ka."
Naguluhan ako "May nangyayare ba dito na wala ako Mom?"
Tinignan niya ako sa mata at sobrang seryoso ng mga mata niya.
"Ang mga mababangis na hayop , Cyriz."
Natigilan ako
"Kung ilang taon ka nawala ay ganon din ang kasamaan ng mga mababangis na hayop ay kumakain sila ng mga buhay na tao. Mapatao man o mapahayop na buhay ay kinakain nila."
Napatayo ako sa wala sa oras. Mali Ito!
"Kaya kung ayaw mong mamatay ay kailangan mapaamo mo ang mga mababangis na hayop sa kagubatan, anak. Maraming namamatay na mga inosenteng tao dahil sa kanila."
Gumuhit ang pag alala sa mukha ni Mom. Kaba, takot at pag alala.
"K-kailangan mong mag ingat dahil walang impossible na kainin ka nilang buhay."
"Kung ayaw kong mamatay at kailangan mapaamo ko ang mga masasamang hayop na iyon, edi sana pinatay nalang ako dahil wala din impossible na doon na ako mamatay sa kagubatan lalo na ang sanggol na dinadala ko."
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mystery / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia