CHAPTER 21

597 31 0
                                    

ILANG linggo nang nakalipas na nag aaral na si Rio kasama sila Ace. Ngunit ang ipinagtataka ko kung bakit hindi kona nakikita si Yhanna.

Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Semi.

"What?" Bungad niya.

"I want to know. Uhm? Nasaan sila Yhanna ngayon?"

Ilang segundo nagsalita sa kabilang linya "To be honest, wala na akong balita kela Yhanna at Ali. Hindi ko din alam kung nasaan na sila ngayon kasama ang dalawang anak nila."

"I see."

Nagpaalam na ako saka pinatay kona ang tawag. Lumabas ako sa opisina ko. Nagtrabaho ako ng nagtrabaho. Simula nang may nangyare dito ay double ingat parin kami lalo na ang mga katrabaho ko dito. Mga maya-maya ay lumapit si Wilma sa akin.

"Manager, mukhang may bagong costumer tayo."

"Sino?"

"Ayun po." Sabay niya tinuro ang lalakeng naka side view ngunit pamilyar sa akin ang lalakeng iyon "Kahapon pa siya nandito. Mga ilang bote narin ang ininom niya."

Tumango ako "Sige."

Umalis nasa harapan ko si Wilma at nagpatuloy ako sa pagtratrabaho ko. Ngunit hindi ako mapakali sa bagong costumer. Napatitig ulit ako sa lalakeng iyon.

Napailing iling ulit ako dahil nag order naman siya ng dalawang alak. Nagpatuloy ulit ako sa pagtrabaho ko ngunit bigla na naman itong nag order ng alak. Kinuha ko kay Faiza ang tatlong alak.

"Ako na maghahatid."

Tumango si Faiza at lumapit ako sa lalake. Muntik kona mahulog ang hawak ko dahil sa lalakeng familiar sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

Nang magtama ang mata namin ay ngumiti siya at halatang kanina pang lasing.

"Hi Cyrish!!! Kamushta kana!"

Cyrish? Kingina!

"Akin na yan alashk ko!"

Lumapit si Thadd sa akin at inabot ko sa kaniya ang tatlong alak at humiyaw ang lalakeng ito.

"H-hoy Cyrish! Gusto ko pa uminom!"

Hindi ko siya pinansin dahil nasa kay Thadd ang paningin ko.

"Huwag nyong bigyan ulit ng alak ang mokong na ito, okay?"

"Gaga! Ikaw nga may hawak nito tapos sasabihan mo kaming huwag bigyan si pogi?! Gaga!"

"Sumunod ka nalang, king ina!"

Inis na sabi ko at sumunod naman siya habang may pakembot kembot pa sa paglakad.

Bumaling ako sa lalakeng ito.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hahahahaha! Ano bayan cyrish! Namish muna ba ako?! Hahahaha! Ako din! Mish kona kayo!"

"Lasing kana. Nasaan ba ang asawa mo? Alam niya ba na nandito ka habang naglalasing?"

"Hindi! Wala nang pakealam ang asawa ko!"

Natigilan ako. Napatitig ako sa kaniya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nagulat ako na biglang bumagsak ang mga luha niya.

"W-what did I do? She's left me! Ang mga anak ko inilayo niya sa akin! Mag isa na ako ngayon! Damn!"

"Lasing kalang. Akin na phone mo tatawagan ko asawa mo."

"Nagpalit siya ng number. Ang mga memories namin gusto niyang kalimutan! Ang samahan namin! Gusto niyang baliwalain! Fuck! I love her! I lover her so much!"

Napatitig ulit ako sa kaniya. Ano bang pinagsasabi ng lalakeng ito?

"Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Hindi ko alam kung nasaan na siya ang mga anak ko hindi kona alam kung nasaan na silang lahat, I don't know!"

"Hindi kita naiintindihan. Lasing kana at kailangan mo magpahinga—"

"Fuck! I'm so fucking stupid! Damn!"

"King ina. Kanina kapa nagmumura, bwesit." Bulong ko

"Fuck! Cyrish! What did I do?! Bakit ganyan kayong mga babae ha?! Bakit hindi nyo kami naiintindihan?!"

Bakit nadamay naman kami ha? Kaya ayoko ng love dahil sa pagiging broken ninyo, king ina!

"Fuck! Cyrish! She's left me!"

"CyRIZ." Pagtatama ko "CyRIZ not CyRISH."

Ngunit iba ang sinabi niya "I'm so stupid Cyrish! I'm so stupid!"

Ampotangina.

"Anong kailangan ko gawin para bumalik siya sa akin?"

Natigilan ako "Ano pala ginawa mo kay Yhanna kung bakit ka nagkakaganyan? Ha?"

Napatitig siya sa mga mata ko at sunod-sunod tumulo ang mga luha niya.

"Niloko ko siya."

Natahimik ako at nagpatuloy siya sa sinabi niya.

"M-may anak ako sa ibang babae."





TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now