"TALAGA?! Osige, susunduin ko kayo ng pamangkin ko!"
Sabi ni Semi sa kabilang linya ng tawagan ko siya. Katulad parin ng sinabi niya noon ay tinawagan ko siya. Ayoko rin na ma-dissapointed sa akin si Semi lalo na't siya yung laging nasa tabi ko.
Nakabihis na si Rio nang bumaba ako. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ako.
"Are you ready son?"
"Yes! Mommy!"
Mahina ako natawa at lumabas na kami pareho. Tamang tama sa paglabas namin ay ang pagdating ng kotse ni Thadd kasama si Loisa.
"Naku! Ang mag ina na ito! Daig pa ang miss universe!"
"Pasok kayo! Malalate tayo sa flight natin!"
Pumasok na kami dalawa ni Rio sa backseat at mabilis na pinaandar ni Thadd ang kotse. Nag kukwentuhsn kami hanggang sa makarating kami sa airport.
Mga ilang minuto kami nandoon hanggang sa nakasakay na kami sa airplane. Hindi ko alam kung mga ilang oras ako nakatulog. Nagising nalang ako na tumigil ang airplane.
Ayon na naman ang kaba sa dibdib ko. Hindi talaga ako mapapakali dito dahil nasa Pinas na kami.
"Waaaah! Mas lalo gumanda ang Pinas!!!"
"Tara Thadd selfie tayo! Dali!"
"Hoy! Rio sama ka sa amin ng Tita Loisa mo! Huwag nayan ina mo! Hate hate niya daw ang kinukuhanan ng camera!"
Ang daming-dami sinasabi! Tsk!
Nagpatuloy nag selfie kasama ang anak ko. Nilibot ko ang paningin ko nang makapasok kami sa airport hanggang sa may kumaway. Hindi ko maiwasan mapangiti.
"Cyriiiiiizzz!"
Naglakad ako papalapit kay Semi at nagulat ako na nandoon si Ryx. Mas lalong kumalabog ang kaba sa dibdib ko. Nang mapansin ni Semi ang reaksyon kona yun ay agad niya akong nilapitan.
"Tangina! Namiss kita!"
"N-namiss din kita." Naiilang na sabi ko habang hindi ako mapakali na nandito si Ryx.
"Huwag ka mag alala. Alam ko iniisip mo." Saka tumingin si Semi sa mga mata ko "Siya lang ang nakakaalam."
"Mommy! Mommy!"
Agad akong napalingon na tawagin ako ni Rio. Tumakbo ito papalapit sa akin kasama sila Loisa at Thadd.
Biglang hinawakan ni Rio ang kamay ko saka napatingin siya kela Semi at Ryx.
"Mommy, sino po sila?"
Napatingin ako kay Ryx at Semi. "Si Rio naba yan?" Tanong ni Semi habang nakangiti.
Tumango ako at tumingin ako kay Rio "Baby, si Tita Semi mo at ..." Napatingin ako kay Ryx na walang kareaksyon ang mukha niya saka bumaling ako ulit kani Rious "Si Tito Ryx. Asawa ni Tita Semi mo."
"Hello po!"
"Hi , Rio." Bati ni Semi
"Hi," sabi ni Ryx saka ginulo niya ang buhok ni Rious "Sa picture lang kita nakikita. But now, I'm so happy to see, pamangkin."
Napalunok ako ng walang oras sa sinabi ni Ryx. Pinakilala ko din sila Thadd at Loisa kela Semi.
"So ..." Si Ryx nang nasa labas kami ng airport "Sa condo mo parin Cy?"
Napalunok ako ng palihim at pilit na tinitigan si Ryx. "H-hindi. Ibaba mo nalang kami apat sa kanto ng Village namin."
Tumango si Ryx.
Pagdating namin sa kanto ay napatingin ulit si Ryx kay Rio.
"Gusto mo sunduin kita bukas para ma-meet mo mga anak ko? If na okay lang sa Mommy mo."
Napalunok ako.
"Yes Tito! I want that! I want a new friend!" Saka tumingin sa akin si Rio "Mommy! Please I want to meet them! Please Mommy! Please!"
Nagkatinginan kami nila Thadd, Loisa at Semi saka bumaling ako kay Ryx.
Wala naman siguro masama kung ipahiram ko sa kanila si Rio. Karapatan din ni Rio na makilala ang mga pinsan niya!
"Fine. Pero tulad ng biling ni Mommy huwag mong kakalimutan okay?"
"Yes po Mommy! I hold that!"
Ngumiti ako sama bumaling kay Ryx "Salamat sa paghatid mo."
"Anything." Saka tumingin siya kay Rio nang pababa na ito "Kamukhang kamukha niya si Kuya."
Natigilan ako sa gulat.
"Hinihintay ko lang sabihin mo kay Kuya ang tungkol sa anak ninyo. Kahit gustong gusto kona sabihin kay Kuya dahil karapatan niyang makilala ang anak ninyo."
Natigilan ako lalo saka bigla siyang ngumiti sa akin.
"Don't worry. Wala akong babanggitin kay Kuya."
Ngumiti ako ng kunti "Salamat."
Tumango siya at nagpaalam na akong bumaba na.
Kinabukasan ay katulad ng sinabi ni Ryx ay sinundo niya si Rio. Kaya kami nila Thadd ay pupunta kami sa Bar ko para makapag simula na kami bukas. Si Timothy lang ang nakakaalam na nandito na ako sa Pinas.
Nang makarating kami sa Barb ay pumasok na kami. Ngunit laking gulat namin na may biglang pumutok sa harapan namin!
"Welcome back! Manager!"
Sabay sabi ng mga katrabaho ko. Hindi ko napigilan mapangiti dahil sa kanila. May baloon na mga nakasabit at nandoon sa gitna si Timothy na tumatawa.
"Sobrang namiss kapo namin Manager!" Sabi ni Wilma habang nakangiti "Akala namin hindi na kayo darating! Akala namin iiwan mona ang bar mo!"
"Kilala mo ako Wilma. Hindi ko kayang iwan ang bar ko at lalo na kayo."
"Waaaaah! Ako si Thadd ha mga bakla! Bagong magiging katrabaho ninyo! Ang ninakaw ng Manager ninyo sa States!"
Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ni Thadd kaya napailing iling nalang ako. Lumapit sa akin si Timothy.
"Talagang plinano nyo ito noh?"
Tumango siya "Nang malaman kong darating ka ay naghanda kami. By way, welcome back Manager."
"Thank you."
TO BE CONTINUED...
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Misterio / SuspensoCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia