CHAPTER 36

624 22 0
                                    

PAGKAPASOK ko sa Barb ay agad nila akong sinalabungan ng yakap. Yung yakap na para bang wala nang bukas.

"Miss kana namin, Manager." Si Fauzia.

Ngumiti ako "Ako rin. Kaya nga ako nandito ay para magpaalam sa inyo."

Nagtaka sila "Paalam?"

Tinignan ko silang lahat "Kayo na mona bahala sa Barb na ito. Dagdagan ko narin ang mga sahod ninyo with special bonus narin."

Bigla silang ngumiti ngunit agad Yun nawala.

"Kailan ka babalik? At saan ka pupunta?" Si Wilma.

Ngumiti ako "Hindi na mahalaga kung saan ako pupunta. Alam nyo na Ang nangyare nang nakaraan na araw na ito."

"Cheer up, Manager," anang sila

Tumango ako "Thank you. Ingatan nyo ang Barb na ito." Tumingin ako kay Wilma "Aasahan kita dito."

"Masusunod Manager."

Tinalikuran kona sila ngunit bigla akong napatigil. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba ngunit hindi ko iyon pinahalata na kung sino man itong kaharap ko.

Nakatitig siya sa kabuuan ng mukha kona para bang may gusto siyang sabihin. Blankong mukha ang ibinigay ko sa kaniya. Mga ilang segundo ako nakatayo roon hanggang sa lampasan ko siya.

Gusto kong maiyak dahil hindi lang man lang niya nagawang sundan ako. Mabilis ko pinatakbo ang motor ko hanggang sa makarating ako sa condo ko.

Mabilis narin kami nag impake ni Rio.

"Mommy, saan po tayo pupunta?"

"Ililipat kita ng school."

"Mommy, alam po ba ni Daddy na aalis tayo?"

Natigilan ako.

"Bakit hindi napo nagpapakita si Daddy sa atin, Mommy? Miss kona po si Daddy."

"Are you done? Mag bag kana. Let's go."

Sinarado ko ang pintuan ng kwarto namin hanggang sa lumabas kami.

"Daddy!"

Napalingon ako ng biglang umalis si Rio sa tabi ko habang nilo-lock ko ang condo namin. Tumakbo si Rious kay Rafa at biglang ngumiti si Rafa sa kaniya.

"Daddy, namiss po kita!"

Binuhat ni Rafa si Rio. Bigla akong naguluhan.

"I miss you too, kiddo."

Halos hindi ako makahinga dahil sa inaasal ngayon ni Rafa. Don't tell me ....

"Aalis kayo ni Mommy mo?"

Tumango si Rio "Opo Daddy! Ililipat daw po ako ni Mommy sa school."

Natigilan si Rafa at tumingin si Rafa sa akin.

"Hindi kayo aalis."

Hindi ako makapag salita. May gusto akong malaman kung bakit nagkakaganito si Rafa.

"Daddy, ano pong ginagawa nyo dito? Sasama po kayo sa amin?"

Ngumiti si Rafa sa kaniya "Hindi." Natahimik ako "Hindi kayo pwedeng umalis ng Mommy mo ,okay? Iiwan mona ba ako anak?"

Natigilan ako.

Umiling si Rio "No po Daddy! Hindi po kita kayang iwan!"

Kinurot ni Rafa ang ilong ni Rio "Good. Umuwi kana sa Mansion natin, okay?"

"Opo Daddy!"

Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa ipinapasok ni Rafa si Rio sa loob ng kotse niya. Lumapit si Rafa sa akin at akmang kukunin na niya ang hawak kong maleta na pigilan ko siya.

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now