"MOMMY!"
Agad kong niyakap ang anak ko dahil sa takot ko. Tinignan ko ang kabuuan niya at may dumi siya sa mga labi niya dahil sa ice cream
"Ayos kalang? Wala bang masakit sayo? Pinag alala mo si Mommy..."
"Wala po Mommy! I'm okay naman po." Masiglang sabi niya "Mommy I'm sorry po kung hindi ko po pinaalam sa inyo ang paglabas namin ni Tito Rafa!"
Natigilan ako sa 'Tito Rafa'. Napalingon ako kay Rafa na ngumiti ito bigla sa akin ngunit hindi ko sinuklian. Bumaling ako kay Rios at hinawakan ko kamay niya.
"We need to go."
Tumango si Rio at aalis na sana kami na biglang inalis ni Rio ang pagkahawak ko sa kamay niya. Lumapit siya kay Rafa at natigilan ako na biglang pinahid ni Rious ang dumi sa gilid ni Rafa at ganon din ang ginawa ni Rafa.
"Tito! Pumunta po kayo bukas sa bahay!"
Nagulat ako.
"Hihintayin po kita!"
"Sige kiddo. Kung yan ang gusto mo."
"Yeheeeey! I'll wait for you Tito!"
Tumango si Rafa at ginulo niya ang buhok ni Rio at tumakbo si Rio papunta sa akin. Tumingin si Rafa sa akin ngunit agad akong umiwas saka mabilis ko pinasakay sa kotse si Rio.
Nagbigay na ako ng message sa mga naghahanap kay Rio na nahanap kona ito.
"Mommy , are you mad?"
Tanong ni Rio sa akin nang makahiga siya sa kama. Kanina pa ako kinakabahan na baka may alam na si Rafa sa tungkol kay Rio.
"No baby. I'm still worried baka kung anong mangyari sayo. Wag muna uulitin ito, okay?"
"I'm sorry Mommy. I'm so sorry. Hindi na po mauulit ang ginawa ko."
Tumango ako at hinalikan ko ang noo niya "Sleep na baby, okay?"
Tumango siya "Goodnight, Mommy."
"Goodnight my baby."
Paggising ko ay pumunta ako sa banyo para maligo. Nag tuwalya lang ako saka tinignan si Rio na natutulog parin. Pumunta ako sa kusina para magluto. Hindi pa naman ako nakabili sa grocery. Kingina!
Biglang nag vibrant ang phone ko at binasa ko ang mensahe ni Thadd. Pupunta sila dalawa ni Loisa dito para kamustahin si Rio.
Pagkatapos ko nag luto ay inisantabi ko mona para kay Rio. Nagkape mona ako hanggang sa may nag doorbell.
Ang aga nyo naman Thadd!
Lumapit ako sa pinto at binuksan ko yun. Nanlaki ang mga mata kona hindi sila Thadd ang bagong dating kundi si Rafa.
"Goodmorning."
Bati niya ngunit hindi ko binalik ang pagkabati niya dahil sa gulat ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil nakatingin siya sa kabuuan ko. Nakita kong napalunok siya kaya agad akong tumalikod at mabilis na pumunta sa kwarto ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kingina! Bakit nandito ang lalake nayan?!
Bigla ko naalala ang sinabi ni Rious kay Rafa kaya napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagkalimut ko. Mabilis akong nag bihis at lumabas ako na basa ang buhok ko. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Hindi parin mawala ang kaba sa dibdib ko.
Nang maramdaman niya ang presensya ko ay napalingon siya. Tinignan niya ang kabuuan ko saka ngumiti siya.
"Si Rio?"
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mystère / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia