CHAPTER 31

569 26 0
                                    

PAGKATAPOS ko pumunta kay Rio na mahimbing na natutulog ay pumunta ako sa ICU. Pagkapasok ko ay sila Ryx at ang mga Alerajos ang nandoon.

"Kanina kapa hinihintay ni Kuya."

Tumango ako "Hindi parin ba nagkakamalay si Rafa?"

Umiling siya "Hindi pa. Malapit na mag 12 midnight. Kapag tulog pa si Kuya sa 12 or lampas pa sa oras na iyon ay kailangan natin makasiguro na hahaba ba ang buhay ni Kuya."

Napalunok ako at napatingin ako kay Rafa. Mutla na mutla siya habang may band aid sa ulo niya. Lumapit ako sa kay Rafa. Pigil kong hindi mapaluha dahil sa sobrang naaawa ako kay Rafa sa sitwasyon niya.

Dapat ako nalang ang nasa sitwasyon mo ngayon. Hindi ko kakayanin na nakahiga ka nalang dito habang hindi pa nagkakamalay.

"Si Rio?" Anang ginang "Nagkamalay naba ang apo ko?"

Umiling ako "Hindi pa ho, Ma'am. Hinihintay ko din ang pag gising ni Rio. Nandoon narin si Semi para bantayan sya."

"I see." Anya "Call me Tita."

"Tito." Mabilis na sabi ng ama nila Rafa.

Tumango nalang ako saka bumaling ako kay Rafa na mahimbing na natutulog.

"Please wake up, hun. I missed you so much."

Mahinang sambit ko at alam kong rinig nila Ryx iyon. Mas pinili kong huwag nalang pansinin iyon.

"Please hun, wake up. Please. I need you. I need you."

Biglang tumulo ang mga luha ko at agad ko naman pinahid iyon.

"Do you hear me, hun? Please wake up."

"Naririnig ka niya." Sabi ni Ryx "Habang naka-comatose si Kuya ay dinig na dinig ka niya. Magsalita ka lang ng magsalita, don't worry about him. Maraming buhay yan si Kuya. Hindi ka niya iiwan at ng anak ninyo. Trust him, Cyriz."

Tumango nalang ako "I'll trust him."

"Ilang segundo nalang mag 12AM na."

Napatingin ako sa relo na nakasabit nang sabihin ni Tito Raffy iyon. Napapikit nalng ako dahil sa kaba at takot. Naluluha narin kaming apat dito na sana ay maabut pa ni Rafa ang bukas.

5

4

3

2

Please , don't leave me Rafa. Please don't leave us.

"Fight! Kuya! Fight!"

Napamulat ako ng mata at napatingin sa relo na 12 na. Napangiti ang mag asawa at si Ryx. Ngunit hindi ko magawang ngumiti hangga't sa hindi ko pa nakikitang magkamalay si Rafa.

"He's fighting for you iha." Biglang Sabi ni Tita Ranitta.

Umiling ako "Lumalaban ho siya para sa atin lahat, it's not for me lang ho."

Ngumiti siya at tumango at nag datian ang mga nurses at doctor. Lumabas mona kami nila Tita dahil o-operahan nila si Rafa.



"HOW'S YOUR BROTHER, RYX?" Tanong ni Tita kay Ryx.

"Ayos na ang pagka opera sa ulo niya ma'am. Wala tayong pwedeng ipag alala pero kailangan niya gumising at magpalakas. "

"Kailan magigising si Rafa?" Tanong ko

"We are still waiting in 2weeks or more."

"Tagal" bulong ko

ISANG LINGGO nang nakalipas ngunit Hindi parin nagkakamalay si Rafa. Si Rio ay gising na nung isang araw pa.

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now