ILANG ARAW nang nakalipas na iba na ang nararamdaman ko. May sakit ba ako? Wala naman ah!
Umupo ako dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko. Tanghali parin pero mga ganitong oras ay hindi pa ako dapat nakakaramdam ng pagod. Sobra akong nagtataka.
"Manager," paglapit ni Wilma sa akin "Ayos lang po ba kayo? Mga ilang araw narin po kayo ganito."
"I'm okay Wilma. Napagod lang talaga ako."
"Pwede naman po kayo umuwi para makapag pahinga po. Kami napo bahala nila Faiza dito."
"Hindi ako mapapakali sa condo ko kung magpahinga nalang ako, you know me Wilma. Hindi ko kayang iwan ang bar na ito."
"Manager, atsaka po napapansin ko narin na lagi po kayong gutom."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Hindi naman ako laging gutom kaya hindi ko maiwasan magtaka sa sarili.
"Manager bakit hindi po kayo mag pa check up sa Doctor."
"I hate hospital , Wilma."
"Oo naman po pero kaming lahat po na mga katrabaho nyo ay nag alala na po kami sa kalagayan ninyo."
"Ayos lang talaga ako Wilma." Sabi ko "Bumalik kana sa trabaho mo."
Tumango si Wilma at nag paalam na ito kay sa akin. Napasandal ako ulit at hindi ko alam kung mga ilang oras ako nakatulog. Paggising ko nalang ay naramdaman kong may katabi ako. Napalingon ako at nagulat ako na makita ko si Semi.
"Kanina kapa?"
Tumango siya at nakita ko ang pag alala sa mukha niya.
"Ayos kalang?"
Tumango ako "I'm okay. Ano pala ginagawa mo dito? Diba dapat nasa trabaho kapa?"
"Yeah. Tumawag ako sayo pero si Wilma ang nakasagot ng tawag ko. Tinanong kita kaya ang sabi niya ay parang masama daw ang pakeramdam mo." Saka hinawakan ni Semi ang noo ko "Wala ka naman lagnat pero bakit parang namumutla ka? Are you sure, you okay?"
Tumango ako at tumayo ako. Matutumba na sana ako na bigla akong inalayan ni Semi.
"Tangina! Ano bang nangyayare sayo?!" Nag alalang tanong niya
Napasandal ako ulit "Gutom ako, Semi. Pwede mo ba akong kuhanan nang cupcake?"
Napatitig si Semi sa akin na hindi ko maintindihan ang mga tingin niya.
"Babalik agad ako." Paalam niya sabay lumabas sa opisina ko.
Hinintay kong bumalik si Semi at mga ilang minuto siya nakarating kaya agad akong kumain. Hindi lang cupcake ang binili niya kundi mga fries, fried chicken at minute maid na tatlo.
"Kumakain kaba bago ka nagtratrabaho?" Nagtatakang tanong ni Semi nang malapit na ako matapos.
"Oo. Kulang pa nga eh kaya bumibili ako ulit."
"Patay gutom ka talaga."
Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa matapos akong kumain.
"Busog?" Tanong niya
Tumango ako "I'm full, thanks."
"Don't mention it. By the way, kailangan natin pumunta sa ospital."
Nagulat ako "Ano?! N-no! I hate hospital!"
"Anong hate hate ka dyan?! Nag alala na ako sayo Cy! Ang dami mona kinakain ngayon! Tapos namumutla kapa! Sinong hindi mag alala?! Ha?!"
"Basta ayoko. Ayokong pumunta sa ospital! Kingina!"
"Tangina, Cy! Tara na! Kaya nga ako pumunta dito para ipa check up ka!"
"Basta ayoko!"
"Cy!"
"Ayoko!"
"Cy." Banta niya
"A.yo.ko." Pagdidiin ko. "Bumalik ka nalang sa trabaho mo."
"Babalik lang ako sa trabaho ko kung magpapa check up ka."
"Ayoko nga, diba? Umalis kana."
"May meeting ako sa boss ko, Cy. At mamayang 4pm na yun. Kaya please lang Cy, makisama ka naman."
Napatitig ako sa kaniya at inis akong tumayo. Narinig ko siyang ngumisi ngunit hindi ko nalang pinansin yun at pumasok na ako sa kotse ko at si Semi ang driver ko.
Pagdating namin sa ospital ni Ryx ay agad kaming pumasok dalawa sa opisina ni Dra. Faye.
"Ikaw na bahala sa kanya." Biling ni Semi.
"Yes Mrs. Alerajos."
Nang nasa loob na kami ni Dra. Faye ay natigilan ako kung saan kami. Nasa sofa si Semi habang nagbabasa sa mga catalogue.
"Humiga po kayo Ma'am." Utos nito sa akin
"Bakit kailangan humiga pa ako? Hindi mo naman aanuhin ang tiyan ko, diba?"
"Yun po ang sinabi ni Mrs. Alerajos sa akin."
Napatingin ako kay Semi at sinamaan ko siya ng tingin "Aalisin mo ba ang tiyan ko babae ka?!" Inis na sabi ko
"Why not?" Nakangising tanong niya "Sumunod ka nalang kay Dra. Faye kung ayaw mong malate ako sa meeting ko."
Nagsalubong ang kilay ko sa kaniya kaya napasunod ako sa utos ng Dra. na ito.
Mga ilang minuto saka pinaupo niya ako at binasa niya ang mga nakasulat sa papel. Hindi ko maiwasan magtaka dahil sa hindi mawala ang ngiti ng Doctora na ito.
"Anong resulta Dra. Faye?" Tanong ni Semi.
Ngumiti si Dra. Faye kay Semi "It's a good news Mrs Alerajos."
Nagtaka ako. Hindi mawala ang gulo sa utak ko. Tumingin sa akin ang Dra. Faye na ito sa akin habang nakangiti.
"Congratulations. Three months kang buntis."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinauupuan ko. Gusto kong mali lang ang naririnig ko. Gustong gusto ko.
"W-what?" Gulat na tanong ni Semi "B-buntis si C-cy?"
"Yes, Mrs. Alerajos. Ayon sa nakuha kong resulta three months na ito buntis ngunit hindi halata sa tiyan na hindi gaano malaki ito." Saka tumingin si Dra. Faye sa akin "Don't be stress. Kailangan mong alagaan ang sarili mo lalo na't dala-dala mo ang anak ninyo ni Mister. Huwag rin po kayo magpagod. Lagi po kayong mag exercise dahil kailangan nyo po ito. Lagi pong vegetables ang kakainin ninyo with fruits narin po."
Sunod-sunod na sabi niya ngunit walang tumatak sa utak ko kundi ang narinig kong buntis ako.
"Thank you." Biglang sabi ni Semi at agad niyang hinawakan ang kamay ko at lumabas kami pareho.
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa gulat. Mababaliw ako sa kakaisip.
"Sino ang ama?" Tanong ni Semi nang nasa parking lot kami.
Napatitig ako sa kaniya at kusang tumulo ang mga luha ko. Biglang nag alala ang mga mata ni Semi.
"Huwag kang umiyak. Nakakasama yan sa bata, Cy."
Nakagat ko ang mga labi ko "S-semi .... hindi k-ko sinasadya ...."
Biglang nagtaka ang mga mata niya "Cy ...."
Napahikbi ako sa iyak at bigla akong niyakap ni Semi.
"Shhh .... Tahan na ...."
"S-semi ...."
"Hindi kita maintidihan, Cy. Ano bang problema? Hindi ba dapat maging masaya ka dahil buntis ka?"
Yes! I'm happy pero napakalaking kasalanan ko ito para sa batas namin mga Miravellia!
"Cy ..... Shhhh"
Humarap ako kay Semi at napatitig ako sa mga mata niya.
"Cy .... What's wrong? Hm?"
Napalunok ako.
"S-si Rafa ang dahilan k-kung bakit buntis ako."
TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.
YOU ARE READING
Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)
Mystery / ThrillerCONTENT WARNING: SPG | R-18 | SLIGHT Started : May 26 , 2021 --- Finished : October 22 , 2021 You can enter but you can't leave - Cyriz Miravellia