Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Third Person's POV
Isang linggo siyang palaboy laboy sa gubat na para bang nawala sa sarili. Madumi at hindi makausap.
"Mom! Dad!" yun lang ang tanging sinasabi niya sa loob ng isang linggong pabalik balik at palakad lakad niya sa kagubatan. Tila nasiraan siya ng bait dahil sa mga nangyari at nasaksihan niya. Una, nasaksihan niya kung paano sumabog ang sasakyan ng dad niya sa mismo niyang harapan at ang huli ay ang karumal dumal na pagpatay sa mom niya pagkatapos lamang ilibing ang namayapa niyang ama. Biglang nagbago ang ihip ng hangin kasabay nito ang pagbabago niya. Nagbago siya.
"Sus ginoong bata ito, ija!" anas ng matandang nakakita sa kanya sa gubat.Subalit hindi ito lumingon. Wala siyang naririnig na kahit ano at okupado ang utak niya ng mga hindi makakalimutang pangyayari na hindi niya pinangarap na mangyari.
Dahil sa hindi niya paglingon ay ang mismong matanda na ang lumapit dito. Bago pa man ito makalapit ay nawalan na agad ng malay ang dalaga at bumagsak na ito sa harapan niya. Ang sana'y kahoy na dala ng matanda dahil pangangahoy ang ipinunta nito sa gubat ay tao pa ang bitbit niya pauwi.
Hindi niya man kilala ang babae ay nilinisan niya ito at ginamot ang mga sugat sa katawan. Ginawa iyon ng matanda sapagkat nararamdaman niyang isa siyang mabuting tao.
"Tunay na napakaganda mo pala ija." tanging nasambit ng matanda. May halong lungkot ang mga katagang iyon sapagkat hindi siya nagkaroon ng anak. Gustong gusto niya pa man din na magkaroon ng anak na babae ay hindi niya nagawa dahil nagpaubaya siya. Nagpaubaya siya na piliin ng lalaking mahal niya ang kaibigan niya na nagdadalang tao na ng mga panahon na yun. Pinagkaitan siya ng bagay na gustong gusto niyang mangyari subalit hindi niya nagawa.
"Mom! Dad!" nagising na ang dalaga buhat sa limang araw nitong pagkakatulog.
"Ija. Uminom ka muna."at inabutan niya ito ng isang basong tubig. Tinanggap niya naman ito at mabilis niya itong naubos. Siguro ay saka niya lang naramdaman ang uhaw pagkatapos niyang ipahinga ang sarili niya.
"Ano ang iyong pangalan?" tanong ng matanda. Napahinto ang dalaga sa tanong nito at pilit inaalala kung sino ba talaga siya.
"Ashleign" tanging sagot nito at biglang umiyak. Siguro ay nagawa na niyang makaalala dahil nakapag pahinga na siya ng ilang araw matapos ang pagiging taong gala niya sa gubat.
"Napakagandang pangalan pero bakit ka umiiyak. May problema ba? Nasaan ang mga magulang mo ng maihatid kita."sunod sunod na turan ng matanda. Natigilan ang dalaga sa sinabi nito.
"Wala na akong babalikan. They killed my mom and dad. They killed them." at mas lalong bumuhos ang mga luha nito. Walang nagawa ang matanda kundi ang yakapin and dalaga at hinimas himas ang likod.
"Paumanhin." hinging despensa ng matanda. Umayos ng upo ang dalaga at pinahid ang mga luha.
"Maraming salamat po pero aalis na rin po ako." badyang paalam ng dalaga subalit umilaw ang suot niyang kwintas na ikinunot ng noo ng matanda.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...