Chapter 26

1.4K 53 1
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Patabi." saad ni Sir Flint said at umupo sa tabi ni ko. He's a filipino kaya siguro natanggap agad ako sa trabaho. Mga pinoy nga naman.

"Ano?" bulong ko kay Kelly na sinisiko ako. Pagsakulit naman.

"Type ka yata ni Sir." bigla naman akong sinamid dahil sa sinabing iyon ni Kelly. Napakadaldal talaga ng lokaret na to. Umupo lang sa tabi ko? Type agad? Pwede bang yun lang na lang ang available na upuan kaya dito siya umupo? Tsaka paano ako magiging type nitong si Sir Flint eh ang bulong-bulungan daw ay may girlfriend na ito. Hindi sa inalam ko ha? Sobrang lakas lang kasi ng bulungan sa paligid. Bakit hindi na lang nila isinigaw para di na sila mahirapan. At isa pa, may sumpa na yata ang pangalang yan. Hindi kasi nila alam na sa tuwing naririnig ko ang pangalan na yan. Kumukulo talaga ang dugo ko ng sobra. Tsaka pake ko ba sa boss namin kung may girlfriend siya o wala?

Napuno ng daldalan ang dinner na yun at kami lang ni Kelly ang tahimik. Hindi sa KJ kami pero hindi talaga namin ka-vibe itong mga Amerikanong nasa harap namin. Mas masaya pa nga kapag kaming dalawa ni Kelly ang nagpa-party sa bahay. Alam niyo yung ang usapan namin noon ay 1 week lang siya sa bahay pero 3 taon na? Tatlong taon na kaming magkasama. Kilala na nga rin niya si Lola Imelda eh. Ang palusot namin kapag bigla bigla na lang susulpot si Lola every week eh taga-LA lang siya at nagtatrabaho. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay Kelly ang sitwasyon ko eh.

Nang matapos ang dinner namin ay dumeretso na kami bahay. Parehas naming gusto ng sumalampak at matulog dahil bugbog na bugbog ang katawan namin.

"Lein."

"Oh? Seryoso mo diyan" I asked habang parehas kaming nakahiga. Kapag kasi tatawagin niya ako, may ibabato muna yang kung ano.

"Kailangan ko ng umuwi ng Pilipinas."

Napabalikwas ako dahil sa sinabi niyang iyon. Teka lang huh? Ano daw?

"Bakit? May problema ba?" I asked. Bakit ba kasi nanggugulat ang babaeng to.

"Kailangan kong i-manage yung company namin. Medyo nalulugi na." she said. Na-kwento niya sa akin na lumayas siya sa kanila dahil ayaw niyang mag manage ng kompanya nila. Nung pinalayas siya sa inuupahan niya ay hindi niya nagawang humingi ng tulong sa magulang niya dahil gusto daw niyang patunayan na kaya niya. Ma-drama no? At this year lang sila nagka-ayos. Hindi ko alam na may nangyayari na palang ganun.

I smiled at her.

"Hindi sa pinapaalis na kita pero mukhang kailangan ka na siguro ng pamilya mo. Four years ka na ding hindi umuuwi."nasabi ko na lang. Syempre mahal na mahal siya ng magulang niya.

"Pero Lein. Ayokong iwan ka dito."

Nginitian ko na lang si Kelly.

"Kaya ko naman. Tsaka magkikita pa naman tayo diba?" I said. Natawa ako ng biglang umiyak si Kelly na parang bata. Lakas ng amats ng babaitang ito. Mami-miss ko talaga siya. Biruin niyo yun, siya yung pinakamatagal kong naging kaibigan. Tumagal kami ng tatlong taon kahit na napakalayo ng agwat namin sa isa't-isa. Kahit na normal lang siyang tao at may kapangyarihan ako? Nagtagal pa rin kami. Mas matagal pa sa mga couple diyan sa tabi-tabi. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon