Chapter 31

1.5K 56 0
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"You mean, natuloy ang kasal niyo kasi akala niyo ay anak mo si Aenon pero anak pala siya ng pinsan mo na si Kit at buntis na si Camile bago pa may mangyari sa inyo kaya inakala niyo noong anak mo ang bata?" paninigurado ko. Tang-ina. Kaya siguro si Flint ang guardian ng bata kasi naalagaan niya ito ng isang taon.

"Oo."

Natahimik ako. Hindi biro ang makasal sa taong hindi mo gusto. Kaya nga nung nalaman ko yung sitwasyon nung apat dati eh nagsalita na agad ako sa kung ano ang dapat nilang gawin. Siya pa kaya na sapilitang nakasal.

"Hindi na ba nagamot pa sina Camile?Biglaan naman ng pagkamatay nila?" I asked. He said, nasaksak si Kit at habang yakap ni Camile ito ay may sibat na tumama sa kanilang dalawa. Yun na ba yung sinasabi nilang 'Death till do as part?'

"Sinubukan pa namin ni Ate Thea na gamutin sila pero hindi na nila kinaya. Sa dibdib sila natamaan ng sibat kaya napakahirap na para ibalik ang tibok ng puso na nawala na."

Natahimik na muli ako. Iniisip ko ngayon ay si Aenon. Paano kung magsimula na itong magtanong kung anong dahilan kung bakit nasa heaven na ang mga magulang nila. Papaano ipapaliwanag sa kanya ang mga nangyari or may balak pa bang sabihin sa kanya?

"Ako ngayon ang sagutin mo. Saan ka galing at bakit nawala ka ng tatlong taon?"

Natigilan ako dahil sa tanong niyang iyon. So anong point kung sasabihin ko pa sa kanya? Anong point kung ikukwento ko pa ang talambuhay ko sa kanya. May magbabago ba? Di ba wala naman.

"Ang usapan natin ay IKAW lang ang may sasabihin. Tsaka tinatamad ako." giit  ko. Tumayo ako at pumunta ng kusina para uminom ng juice para makapagpalamig ng ulo. Nakaka-stress ang mga kaganapan sa mga buhay namin. Nagkanda-buhol-buhol na.

"Ash." he called me. Na-istatwa ako sa pagkakatayo ko dahil sa paglapit niya sa akin. Hindi ko man siya nakikita dahil nasa likuran ko siya pero ramdam ko ang hininga niya sa batok ko na ikinatindig ng balahibo ko. Feeling ko anytime ay sasabog ako sa kaba.

"Sabi ko mag-uusap tayo.Hindi ko sinabing ako lang ang maglilitaniya. Ayokong ako lang ang may iku-kwento Ash."

"Lumayo ka nga." singhal ko sa kanya. Pinipilit kong kumalma dahil naamoy ko na ang hininga niya dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay nanlalamig na ang mga kamay ko at gusto kong ihampas sa kanya ang basong hawak ko. Para akong aatakihin sa puso.

Akala ko ay lalayo na siya sa akin dahil sa sinabi ko pero tinawanan niya lang ako. Tang-ina! Ano bang trip ng isang to at hindi man lang niya ako pakalmahin kahit isang beses man lang?

"Ash."

"Ano!?" naiirita kong tugon. Napalunok pa ako ng ilang beses dahil hindi pa rin siya umaalis sa likuran ko. Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang baba niya na nasa balikat ko. Hindi ko ngayon alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makakilos. Hindi ako makagalaw. Parang gusto ng lamunin ng lupa.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon