Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
It's been freaking one month ng nagsimula kaming maghanap pero wala din naman kaming nakitang dark xenon na nandito sa mundo ng mga tao, bakit kasi hindi kami pinadagdagan? Para kaming naghahanap ng isang butil ng bigas dito sa palayan.
"Hayop! Saan pa ba tayo pupunta? We already visited schools. Nagpanggap pa nga tayong mga invistors, company owner, CEO at kung ano ano tapos walang nangyari! Talagang ayaw magpahanap ng mga batong yun." reklamo ni Aiden. Well actually siya talaga ang pinakamareklamo sa lahat pero ngayon, mukhang nahawaan na yata ako ni Aiden. Kanina ko pa ding gustong magreklamo pero di ko magawa, nakakahiya.
"Oo nga. Kailangan pa ba nating sumisid sa dagat? Umakyat ng bundok? "reklamo ni Wade. Bukod sa napakainit eh talagang wala pa kaming pahinga dahil sa lintik na mission to. Matagal ko ng sinasabing dapat pasunudin na din pati A-rank class susmaryusep!.
"Ikaw Lein? Wala ka man lang bang sasabihin?" Wade asked. Gusto pa yata nilang mag-rant ako dahil sa nararanasan namin ngayon.
"Putang-ina." I said. Gulat na gulat pa sila dahil sa nasabi ko. Aba, say something daw eh. Alangan namang sabihin kong "Nice!Sobrang hindi nakakapagod?" Marami pa akong gustong i-complain in words pero baka magulat pa silang lalo. Medyo matabil ang bunganga ko. Nakakahiya.
"Pagsalutong naman nun Lein. Pano ba yan Flint? Mahirap palang kalaban nitong si Lein." natawa na lang ako sa sinabi ni Wade. Well actually, sino ba namang tao ang hindi maiiwasang magmura lalo na kapag pagod na?
"Sabi ko nga, magpapahinga na." saad ni Flint. Do you mean? Kailangan ko pa palang magmura para makapaghinga kami?
We rested for about thirty minutes dito sa isang park malapit sa dating bahay namin. Handa na ba ako para bumalik ulit dun?They don't know about that kaya hindi ko maiiwasang hindi yun madaanan. Kung sasabihin ko naman na mag-iba kami ng direksyon na pupuntahan ay sigurado akong magtatanong sila lalo na si Aiden na ubod ng kulit.
The last time I saw our house is when my mom brutally killed infront of me.
Nang mapagdesisyunan naming maglakad ulit ay nakaramdam ako ng kaba sa bawat hakbang na ginagawa ko. Papalapit ng papalapit, mas lalong pagsikip ng hininga ko.
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim ng mahagip na ng mata ko ang dating bahay namin. Wala pa ring pinagbago maliban na lang sa mga malalagong damo sa harapan noon. Mukhang walang sinuman ang gumalaw sa bahay namin simula nung nangyaring insidente.
"Is there any problem Ash?" Flint asked. Napatingin ako sa mga kasama ko na nagtataka dahil sa pagtigil ko at pagtitig sa dating bahay namin.
"Sandali lang." anas ko. Bumitaw ako sa pagkakapit sa akin ni Flint at naglakad papalapit sa gate ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit parang may humihila sa mga paa ko na pumasok dito.
"Ash!"
"Lein!"
Lumingon ako sa kanila at malungkot na ngumiti.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...