Chapter 13

2K 70 2
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

Isang linggo. Isang linggo akong iniiwasan ni Flint. Hindi siya sumasama sa aming lima. Nung una, tuwang tuwa ako pero habang tumatagal, I now felt the empty space because of him. Huwag kayong maano diyan. It's just that nasanay lang ako na kaming anim ang magkakasama kahit na ganun ang ugali niya. I missed him.

"Lein. I think you need to talk to him."

"Teka Eris, bakit ako? Eh wala naman akong natatandaang kasalanan ko sa isang yun?" I said. Ano nga kasing pumasok sa utak niya at bigla na lang humiwalay sa amin.

"Wala naman kaming sinabing kasalanan mo. Ang sabi ko kausapin mo lang." she replied. Maghi-hindi na sana ako pero itinulak nila ako kaya bahagya kong nabangga ko si Flint. Nagulat din siya dahil nagkabanggaan kami.

"Sorry." he said

"Mag-usap daw kayo sabi Lein. Ba-bye!" hiyaw ni Wade at iniwan nila ako. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa ginawa nila. Ano namang sasabihin ko dito? Tang-ina talagang mga yun.

"May sasabihin ako sayo." he said. He pulled me papunta dito sa garden. Dito siya nagpakilala sa akin nung unang araw ko dito. Sabi ko pa nga, di ko tinatanong.

"Hmm?" I asked. Teka! Sabi ni Ate Thea, walang problema sa puso ko pero bakit ganito?

"Babe! Nandyan ka lang pala." magsasalita na sana si Flint ng dumating si Camile. Hinalikan siya ni Camile sa pisngi sa mismong harapan ko. Nagpabalik-balik ng tingin ko sa kanila dahil hindi ko akalaing magiging sila pala.

"C-Congrats." tanging lumabas sa bibig ko. Ito ba yung gusto niyang sabihin? Na sila na Camile? Edi mabuti. Naka-move on na siya sa prinsesa. Tagal na tagal niyang na-stocked sa one sided love niyang yun.

"Mauna na ako. Hinihintay pa ako nung apat." pamamaalam ko at nginitian silang dalawa. Kalma Ash. Eh ano namang pakielam ko kung sila na? Tsaka bagay naman talaga sila.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng ganang kumain kaya hindi na ako sumunod dun sa apat na pumunta ng cafeteria. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang nararamdaman ko at feeling ko ay gustong-gusto kong humiga ang matulog na lang.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sumalampak at ipinikit ang aking mga mata. May sakit nga yata ako. May sakit ako sa puso at king-ina ka Flint! Anong ginawa mo sa akin at bigla akong nagkaganito?

---

I woke up at seven pm at nakita ko silang nasa sala. Tahimik lang na dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig. This past few days ay mapayapa pa rin ang academy at ganun pa rin ang barrier. Mga tanga nga siguro ang mga kalaban at kapag na-tripan lang yata nila sila susugod.

"Anyare sa inyo?" pagbasag ko sa katahimukan nila. Itinali ko ang buhok ko at umupo sa harap nila.

"Si Flint na pala at Camile." Eris said. Napatingin naman ako kay Flint na hindi man lang nagsalita so ibigsabihin, totoo nga.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon