Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
Bigla akong napaatras dahil narinig kong muli ang pangalan ni Hades.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ako kalaban. Hindi rin niya alam na may anak siya." she said. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at pinanatili ang pagitan sa aming dalawa. Still, mahirap pa ring magtiwala.
"Galing ako sa mundo ng mga tao. Babalik sana ako sa Darkian dahil nandun daw ang ama ko pero lumihis ako ng makita kung anong ginagawa nila sa mga tao. So gross." she said. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Alam kong hindi ito ang oras para magtiwala pero may part sa akin na dapat kasi siya ang nagligtas sa akin mula sa tunnel. Ano bang meron sa babaeng to?
"Bakit nasa Darkian ka?" I asked.
"Nabalitaan kong may Xerxes World at gusto kong magpunta dun kaya hinahanap ko ang mapa pero nabigo ulit ako." she replied. Gusto niyang pumunta sa mundo namin? Pero bakit?
"Gaano ka ng katagal dito?" I asked again. Medyo naiintriga ako kasi sabi niya galing siya sa mundo ng mga tao kaya paano niya nakayang mabuhay mag-isa dito sa gubat.
"Limang taon." sagot niya. Napatango na lang ako. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo patunay na ang mga pagkain na nasa harap namin. Hindi kumakain ng normal na pagkain ang mga Darkian.
"Saan ka sa mundo ng mga tao?" I asked just to confirm kung nagsasabi siya ng totoo. Pag talaga nakasagot to, medyo makakahinga na ako ng maluwag.
"Cavite. Ikaw taga-san ka?" napangiti ako sa sagot niya. She's telling the truth. Cavite huh?
"Xerxes. Pero di ko alam kung paano babalik kasi hindi ko pa rin nakikita ang mapa." I replied. Ni hindi ko nga alam kung anong location namin ngayon eh. Bakit kasi itinago ng mapa eh may balak din naman pala silang sabihin na barrier nga lang ang nagliligtas sa mga white xenons. Kaya hindi ako makabalik eh.
"Really? Pero bakit ka gustong kunin ng tatay ko?" she asked.
"Pinaghihinalaan nilang ako ang prinsesa." tanging nasambit ko. May saltik kasi yung Hades na yun. Kung ano-anong sinasabi.
"Ah. Ganun ba? Ikaw pala ang prinsesa?Pasensya na at hindi kita kilala." at lumuhod siya harapan ko kaya hinila ko siya patayo ulit.
"Nagkakamali ka. Hindi ako ang prinses—"
Naputol ang sasabihin ko ng makita ko sa daliri ko,
Ang kalahati ng promise ring.
Pero.
"May problema ba?" napatikhim ako ng marinig ko si Riekha na nagsalita. Agad naman akong umiling. Bakit nasa akin ang kalahati nito? Hindi ko maintindihan. Wala naman akong matandaan na nakita ko to at inilagay sa daliri ko. Wala din akong natatandaan na nagbigay sa akin nito kaya paano napunta sa'kin to? Sino ba talaga ako? Bakit ganito? Bakit may gustong kumuha sa akin? Bakit ganito ang kapangyarihan ko?
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...