Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
"Is it okay with you if we call you Lein?Sobrang haba kasi ng name mo. Diba?" Perrie asked. I just nodded. Miski ako, nahahabaan sa pangalan ko. Yung classmate ko nga nung elementary, RJ yung pangalan. As in RJ lang,walang ibang meaning. Nakakahili lang kasi siya patapos ng mapuno yung papel tapos ako nasa third line pa lang. Ano kasi nakain nina mom and dad at pinangalan ako ng ganun kahaba? Unique daw para hindi mahirap hanapin sa PSA.
"Great! Hoy Perrie,parang ang ikli lang ng pangalan mo. Phirriette Ishynica Grim." napatingin naman ako sa sinabi ni Wade. What? Yun pala real niya. Mahaba din nga.
"Hoy magtigil ka din Waddheriuz Derinpazwell Zest. Anong tingin mo sa pangalan mo katiting?" I chuckled dahil sa biruang yun. Napatigil naman sila dahil sa ginawa ko. Bakit ba?
"Lein ang cute mo." biglang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Aiden. I'm cursing inside, mga panira!
"Yan kasalanan mo Aiddenicollo Lashjineamale Vale. Panira kang hinayupak ka."sabay hampas ni Eris. Kung di ko iisipin na magkaibigan lang tong mga to? Baka mag jojowa ang iisipin ko. At syempre,si Flint yung tatay nung dalawang babae na binabantayan yung mga jowa nila.
"Pinupuri ko lang naman si Lein, Erishhirel Viannahria Srinser." Aiden replied. Full name basis ba? Di ako inform.
"Just eat." napatingin muli kami ng magsalita si Flint. Kill joy din talaga to pag minsan, I mean palagi yata.
"Heh! Zacchaeuss Flintmaxhdale Arell!Kumain ka na lang!"sabay sabay na saad nung apat.
Zacchaeuss Flintmaxhdale Arell?
Familiar...
"Magtigil ka Ashleighnielle Chandriamoreen Morgan!" nabitawan ko ang hawak kong kutsara't tinidor. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko? May sa engkanto ba ang putragis na to?Hindi nga alam ni lola tapos siya alam niya?
"Anong problema Lein?" Eris asked. Napatingin ako kay Flint na malapad ang ngiti. Gulat din yung apat dahil sa nakita nila kasi siguro gaya ko, first time kong makitang ngumiti si Flint. Iba. Kakaiba talaga.
"Anong himala ang nangyayari?" pang-aasar ni Wade.
"What?" Flint asked. Ano ngang kababalaghan ang bumabalot sa amin at may ganitong mga pangyayari. "Nag-try lang ako. Baka nadis-locate na panga ko." he added at naghagalpakan ang mga kasama ko pati na rin ako. Dis-locate amputa!
"Anong nakakatawa Ashleighnielle Chandriamoreen Morgan!?" anas ni Flint. Nabaling ang tingin sa akin nung apat.
"That's my real name." inunahan ko na sila at nagpahid ng luha dahil sa kakatawa. Yung mukha ngayon ni Flint?Parang natalo mg sabong. Sabog na nga, lukot pa.
"Alam mo? Maganda ka kapag nakangiti ka." Eris pertaining to me. I smirked at her. Diba sabi ko noon, ayokong ma-attach kahit kanino pero bakit parang may kung anong nagtutulak sa akin ngayon na kaibiganin sila?
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasiaHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...